Isang baril ang inilapag sa lamesa ng isang taong naghahanda na sa paghihiganti. Bagong linis lang yon at puno ng bala ang magazine.
"Masaya kayo sa ngayon. Pero bukas, o sa makalawa. Isa isa na kayong iiyak. Warning lang yung sa parking lot kahapon. Buhay ng isang inosente bilang babala." sabi nito saka tumawa na parang baliw.
---
"Heaven, I love you." sambit ni Hecarim at inayos ang pagkakakumot ng kasintahan.
Siguradong pagod ang dalaga dahil sa ginawa nilang dalawa.
Kumuha ng tuwalya si Hecarim saka naligo at tumabi sa kasintahan.
Kinabukasan ay sabay silang pumasok gaya ng lagi nilang ginagawa, nang madaanan nila si Jessica na seryosong nakatingin sa cellphone.
JESSICA
Nasa tapat ako ng café kung san kami laging tumatambay pag hapon. Sinadya kong dito sa mesa sa labas uminom ng kape dahil may pasok pa kame sa university.
"Hanggang sa cellphone nalang talaga kita matititigan." mahinang sabi ko habang nakatitig sa litrato ni Hecarim.
Puro stolen shots nya yung gallery ng cellphone ko.
Oo, gusto ko sha. Matagal na. Pero nung sasabihin ko na yon ay bigla naman nyang ipinakilala si Heaven samen.
"Haaayh.."
"Hoy ang lalim nun a." muntik kong maibato yung cellphone ko nang biglang sumulpot si Hecarim mula sa kung saan.
Kasama nya si Heaven.
Agad kong pinatay yung phone ko saka binulsa.
"ah! Haha! Ano kase, may pinanuod akong movie haha!" paranga ng awkward ng actions ko.. Nakakahiya.
"Uy Heaven!! Tara kape tayo, libre ko kayo gusto nyo?" sabi ko at tatayo na sana para iorder sila.
"Ah hindi na, haha! Papasok na din naman tayo e. Yung kape mo nalang kung di mo na iinumin." sabi ni Heaven.
Inabot ko sa kanya yung kape. Eto yung nagustuhan ni Hecarim kay Heaven, yung tipong walang arte.
---
Naglakad na kami papasok ng school nang biglang may humintong isang motor sa gilid namen.
"Uy si Kerwin oh! May angkas." Hecarim.
Inalis nila ng angkas nya yung mga helmet nila.
"Seraphine??" gulat na sabi namen dahil hello!?? Why and when sila naging close!??
"H-Hi." nahihilang sabi nito at alanganin pa yung ngiti.
"Ihahatid ko na sha, binati ko lang kayo" sabi ni Kerwin saka tumingin sa relo.
"Uy Jess, ihahatid ko lang si Seraphine ha, tapos babalikan kita. Alam kong ayaw mong napagpapawisan e. Bye!!" sabi nito saka na ulit sinuot yung helmet, ganon din naman ang ginawa ni Seraphine saka pa nag wave goodbye.
"Grabe, kaylan pa sila naging close?" Hecarim.
"Baka lahat na kayo magkakaroon ng jowa ako stuck parin na magmahal ng taong imposible nang mahalin." sabi ko.
Natawa naman si Hecarim saka bumulong kay Heaven..
Nakita kong nagpipigil pa ito ng tawa.
Bahagyang umubo si Hecarim saka lumapit saken.
"Jess, alam mo. Kahit pa tumanda kang mag isa---"
Palapit ito ng palapit saken kaya pinandidilatan ko na sha ng mata dahil nakakahiya, atras ako ng atras pero lapit naman sha ng lapit.
"uy uy!!" sabi ko nang yakapin yung beywang ko.
"Hecarim ano to?? M-Mahiya ka naman sa girlfriend mo!!" pinipigilan kong wag mapangiti dagul sa kilig.
"Willing naman sha na dalawa kayo kung sakale, diba babe?" sabi nito sabay tingin kay Heaven na ngumiti na parang pusa saka nag thumbs up.
"Wait no!! Eew!!" sigaw ko sabay tulak pero ang higpit ng kapit nya.
"Kiss mo ko bibitaw ako." sabi nito.
"Yahahaaaaak!!" natatawang sabi ko para maitago yung kilig.
Nakanguso kasi to at parang gusto talaga akong halikan kaya naman tinulak ko na yung mukha nya. Di sinasadya nya tuloy akong nabitiwan kaya na out of balance ako at naalis sa side walk, napahakbang ako sa daan kung saan may isang itim na kotse ang paparating.
Halatang nagulat din sila Heaven at Hecarim gaya ko.
Parang slow motion yung pag bagsak ko pati na rin yung kotse.
"JESSICA!!" sigaw ni Hecarim saka bumwelo para mahila ako papunta sa sidewalk at isang malakas na busina nalang yung narinig ko bago ako pumikit.
Hinihintay ko nang mabangga ako pero naramdaman kong may humila sa kamay ko at bumagsak kami sa lupa..
Ineexpect kong si Hecarim yung humila saken pero mali ako, dahil pag dilat ko ay isang lalaking naka tuxedo yung humila saken at naka dagan pa ko sa kanya.
"Uh!! Ay!! Sorry!!" sabi ko sabay tayo.
Bumaba yung sakay ng sasakyan.
"What the hell!!" sigaw nito.
"Ma'am! Sorry po." sabi ko dahil si Miss Henrietta pala yung sakay non pati boyfriend nya.
"Are you injured? Are you okay??" tanong nito.
"H-Hindi po, sorry ulit." sabi ko at napayuko dahil sa kahihiyan.
"E saken?? Di ka magsosorry!??" sabi nung lalaking naka tuxedo na nagpapagpag pa ng suot at ang sama ng tingin saken.
"Chill, Jimenez." sabi ng boyfriend ni ma'am Henrietta sa lalake na biglang ikinatuwid naman ng tayo nito at napasaludo.
Don't tell me--
"oh sha ibaba mo na yang kamay mo, sumabay na kayo samen." alok ni Sir Gray(Hunter Gray).
Nakita ko nalang yung sarili namin na tahimik sa iisang sasakyan.
Grabe nakakahiya.
"Sorry.." bulong ni Hecarim.
"Okay lang." bulong ko pabalik.
"I told you guys na mag iingat pag papasok o palabas na ng school diba. Pasaway talaga kayo." Miss Henrietta.
"Sorry po, kasalanan ko." sabay sabay na sabi pa naming tatlo nila Hecarim at Heaven.
"Jimenez, estudyante mo yung mga yan oh. Ikaw yung bagong P.E. teacher diba?" sabi naman ni Mr. Gray.
Napalingon ako sa lalaking nakapikit pero halatang nakikiramdam lang dito sa tabi ko.
"hmm." lang yung sagot nito.
"P.E. teacher?? Bat patang ang payat nya para maging teacher ng P.E." bulong ko pero naramdaman kong napatingin sila saken.
Naiangat ko tuloy yung tingin ko at nakita ko sa rare view mirror na tinataasan ako ng kilay ni Mr. Gray at nagpipigil ng tawa.
Pati yung iba ganun din.
Pero parang nangangalawang na makita yung leeg ko nang dito sa katabi ko na ako titingin..
"Payat pala ha." sabi nito at ang sama na ng tingin saken..
Nakakaintimidate sha. Nakakatakot.
I'm dead!! I'm so Dead!!
--
Natapos na yung subject namin kay miss Henrietta at pakiramdam ko, lagot na ko. Dahil mamayang hapon ay makikilala na namin yung bagong P.E. teacher na pumalit kay Mr. Dimagiba na natapilok sa bato last week at napilay..
"Hecariiiiim mamamatay na kooo!! Huhuhu!!" naiiyak na sabi ko.
"Luh!! Di ka papahirapan non Jessica. Student ka naman e. Saka sure ako na limot na nya yung sinabi mo kanina." sabi ni Hecarim.
Kinwento kase namin sa mga kasama namin yung mga nangyare. At tawa sila ng tawa.
Nakakahiyaaaa!!

BINABASA MO ANG
Behind You
Mystère / Thrillerif your mom died due to medical malpractice and your father died serving the country for the people who never appreciate his heroic act at all. what were you gonna do? Me? I'll take my revenge, so be careful. I'm always right BEHIND YOU.