JESSICA
Back to normal na ulit lahat. Pumapasok na ulit kame sa school dahil kaylangan.
Break time na namin at napag desisyunan naming mag usap usap nila Kerwin at Seraphine.
"Guys, napapansin ko lang na isa isa tayong nababawasan? Is this just a coincidence o baka naman--" Kerwin
"Baka naman si Heaven lang din yung pumatay sa kambal." inis na sabi ko.
"No, isipin mo kung sa lagay ni Heaven na ang payat payat baka isang tao palang yung mapatay nya magfifreak out na sha. What more pa kaya kung isang buong pamilya diba. What if may ibang taong Nanghahunting saten??" Kerwin.
"Let's talk to our parents dahil baka may hint sila." sabi ko kaya isa isa naming tinawagan yung parents namin.
Napagdesisyunan naming mag cutting sa subject ni miss Henrietta.
Alam naming malaking parusa yung pagkacutting class pero handa kaming harapin yung consequences ng nagawa namin. Malaman lang namin ang kasagutan sa tanong na bumabagabag sa amin.
Sino yung taong umiisa isa samin. Dahil malakas talaga yung kutob naming meron.
Una kaming nagpunta kay Heaven. Nagtaka sya nang makita kami sa visitor's hall.
Yumuko ito at napatitig sa posas sa kamay nya.
"Anong---hmm.. Anong kaylangan nyo?" tanong nito sabay balik ng tingin samin.
Pansin kong may mga pasa sya sa braso.
"Sinasaktan ka ba ng mga kasama mo sa selda?" takang tanong ko.
Patiim itong umubo na parang inaalis ang nakabarang laway doon bago tumingin sa bintana sa gilid namin.
"Oo, pero di naman ganon kalala. Ano bang kaylangan nyo?"
"Heaven ano ba talagang nangyari nung mga panahong yon?? Nung araw na yon." Kerwin.
"Kung ano yung narinig nyong sinabi ko sa korte. Yun yung nangyare. Alam kong alam ninyo kung gaano ko kamahal si Hecarim. At kahit galit ako sa kanya hinding hindi ko yon magagawa." Heaven.
Nagkatinginan kami nila Seraphine.
"Papatunayan namin na wala kang kasalanan. Dahil may hinala kami na baka may umiisa isa sating lahat. Gagaein namin lahat para makalabas ka sa maayos na paraan." sabi ko.
"Excuse me? Tapos na po yung oras. 5 minutes lang po yung pwedeng pagbisita." sabi nung guard at itinayo na si Heaven.
"Pabubuksan namin ulit yung kaso. Konting hintay lang." pahabol kong sigaw. Lumingon sha at ngumiti.
That is a genuine smile.
Ngiti nga isang taong may tiwala at pag asa sa mga sinabi namin.
Lalong tumibay yung hinala namin kaya dumiretso na kami sa bahay.
"Dad!!" sigaw ko pagbukas na pagbukas ng pinto.
Saktong pababa ng hagdan si Daddy.
"Dad, we need to talk.."
Napansin yata nitong seryoso ako kaya sinenyasan nya kaming sumunod sa kanya.
Sa conference room kami nagpunta, umupo sya sa pinakadulong upuan.
Umupo kami at nagkatinginan.
"what is it baby?" tanong nito.
"Dad? May hinala kami na mag iisa isa samen, una ay yung kambal. Tapos si Hecarim?? What if totoong may nauna nga kay Heaven sa crime scene.. Base sa pagkakakilala namin sa kanya she was so gentle and caring. Paano naman nya papatayin yung taong mahal nya??" paliwanag ko.
"Jessica dear. You don't know what people are capable of, lalo na pag nasaktan sila sa pag ibig." sagot ni Daddy.
"Is that base on your experience Dad, huh?" sarcastic na tanong ko.
He just smirk and let out a laugh.
"Kinda." he shrugged.
Matapos non ay sumeryoso sya saka kami isa isang tiningnan.
"So anong kinalaman ko sa hinala nyo?" tanong nya.
"Dad?? What happened before?? May tao ba kayong kilala na nagawan nyo ng masama o may humahunting ba sa inyo??" tanong ko.
Nagisip ito saglit.
"Wala, I've done nothing wrong to someone. Kahit sila tito nyo." sabi nito sabay tingin kay Kerwin.
"Pero may isang incident na nangyari noon. Mga bata pa kayo noon. Nakidnap kame. Yun yung reason kung bakit naging magkakakilala kami ng mga tito nyo." paliwanag ni Daddy.
"what if yung mga kumidnap sa inyo yung gumagawa ng mga to??" Kerwin
"That's imposible, namatay silang lahat sa shoot out.." Dad.
"Sure ba kayong lahat sila namatay?" tanong ko.
"Oo, and kung sakali baka sobrang tanda na nila by this time." Dad.
"pano po kayo nakaligtas?" tanong ni Seraphine.
"Ah yun ba. May isang matapang na sundalo yung naglakas loob na sumugod at iligtas kami kahit pa wala syang back up. Lahat sila sobrang nasugatan at napinsala dahil sa engkwentro nang mga panahong yon pero yung lalaking yon. Binuwis nya yung buhay nya para samin. At malaki yung utang na loob namin sa kanya." sagot ni Dad ng may ngiti sa labi.
"Dad, by any chance. May anak ba sha o kamag anak na may galit sa inyo?? O kaya yung asawa nya. Baka kayo yung sinisisi sa pagkawala ng asawa nya. Sa isang lesson namin noon. Miss Henrietta said that pag walang masisi yung ibang tao at para maovercome yung grief minsan sinisisi nila yin sa ibang tao, bagay o any supernatural things. What if ganon yung nangyayari ngayon?"
"sa pagkakaalala ko nung nilibing sya, wala shang asawang dumating. Isang bata lang yung naabutan namin don. Bitbit nung bata yung frame ng papa nya. Nakakaawa sya non. Ni hindi nga maayos yung damit na suot nya sa libing. Kada buwan pinadadalhan namin sya ng pera malaking halaga yon kung susumahin pero matapos yung tatlong buwan na pagpapadala namin sa mismong bahay nila ng pera, nagtataka kami dahil bumabalik na samin yung mga yon. Ang sabi wala na don yung bata. Nasunog daw yung bahay. Kung nandon ba sa nasunog yung bahay? Walang nakakaalam."
"Sino yung bata? Anong pangalan nya?" Kerwin
"Di hamak na mas matanda sya sa inyo kung buhay pa sya by this time siguro nasa around 30 to 45 years old na yung edad nya. Batang babae sya na may pangalang Vastaiah Vellardo."
Natahimik kami nila Kerwin. Nabasag lang yung katahimikan namin nang magring yung phone ni Papa at nagpaalam ito na aalis na.
"Magresearch tayo.." Sabi ni Seraphine kaya naghanap kami sa mga social media. Lahat ng posibleng pagbali baliktad ng pangalan ay ginawa na namin pero wala. May iilang tao kaming iniwanan ng mensahe kung sundalo ba yung mga tatay nila pero wala sa kanila yung hinahanap namin.
At the end of the day nakatulog lang kami sa pagod.
Magkatabi sa iisang kwarto yung magkasintahan samantalang ako ay natulog ng mag isa.
BINABASA MO ANG
Behind You
Mistério / Suspenseif your mom died due to medical malpractice and your father died serving the country for the people who never appreciate his heroic act at all. what were you gonna do? Me? I'll take my revenge, so be careful. I'm always right BEHIND YOU.
