"order kayo ng pizza!!" Sigaw ni Kerwin pagkarating sa loob ng Mansyon nila Jessica.. Napagkasunduan nilang lahat na sa gaming room sila matutulog dahil nandon lahat ng Ps4 at gaming PC ni Jessica.
"Ikaw na kaya, ikaw naman nakaisip." Hecarim.
Natigilan sila sa pag lakad nang dumaan sa harap nila si Jack na tutok na tutok sa cellphone habang nagkakape.
"Hello? Tara na palit na tayo. Oo, jan naman ako sa garden. Ikaw na dito sa ilalim ng hagdan.. Oo, oo.. Geh.." sabi nito sa cellphone sabay higop ng kape.
Dun lang nya napansin na may mga tao sa tapat ng pinto.
"Uhm.. Hi?" Tulalang sabi nya sabay kurap.
"Sir!??" halos sabay sabay na sabi nila maliban kay Jessica.
Habang pinapaliwanag ni Jessica lahat ay kinukuha isa isa ni Jack ang mga bitbit nilang bag.
"Unfair yun!! Kasama mo yung teacher natin sa bahay. Edi pasado ka na." Kerwin.
"Ndi ah. Ndi ganun yun." Jessica.
---
Kanya kanya nang pwesto sila Jessica para sana matulog na matapos maglaro nang biglang may kumatok.
"Pasok!!" Jessica.
"Have you packed your things?" Jack.
"Hala wait ndi pa!! Iwan ko muna kayo guys wait lang mag eempake ako." pagpapaalam nito sa mga kasama.
Nagtatakbo ito papunta sa kwarto saka naglabas na ng malaking bag.
Napalingon sha sa pinto nang biglang may kumatok.
"Pasok." sabi nito pero parang gusto nyang bawiin yung sinabi nang makitang si Jack yon.
Agad sinara ni Jack ang pinto nang makapasok na sha.
"Need help?" Jack.
"Ah, no okay lang." Sabi ni Jessica at di na naman nya alam kung bakit sha natulala habang tumititig sa mata ni Jack..
"Jess, tungkol dun sa kanina---"
"Wag!! Tama na!! Ayokong marinig!!" sabi ni Jessica saka nagtakip ng tenga saka pumikit..
Huminga ng malalim si Jack saka umupo sa tapat ng kamang kinauupuan ni Jessica.
He held her chin na ikinatingala ng dalaga, at bahagyang napangiti habang tinititigan ang nakapikit nitong mata.
Inabot nya ang kamay nito saka marahang inalis yon sa pagkakatakip sa magkabilang tenga ni Jessica.
"Hindi ko....." he paused and sigh before continuing his words.
"Hindi ko pinagsisisihan yung nangyari kanina." nakangiting sabi nito.
Biglang namula ang mukha ni Jessica kaya mas napangiti ang binata..
"Ba't ngumingiti ka. Di ka naman palangiti ah." sabi ni Jessica habang inilalayo ang tingin kay Jack.
"Jessica." seryosong sabi nito at hinigpitan ang hawak kay Jessica.
Biglang naging seryoso ang aura ni Jack saka sinabing.
"Sa camp. Alam kong hindi kita mashadong makakasama at mababantayan. Pero pangako, isang tawag mo lang saken. Darating agad ako." Jack.
Tiningnan sha ni Jessica saka ngumiti.
"Promise?" Jessica.
"Oo. Pangako. At kahit ikamatay ko. Basta para sayo. Gagawin ko lahat." tugon ng binata.
Ilang segundo silang nagkatitigan.
Hanggang sa..
Hindi na nila napigilang tawirin ang espasyo sa pagitan nila.
BINABASA MO ANG
Behind You
Mystery / Thrillerif your mom died due to medical malpractice and your father died serving the country for the people who never appreciate his heroic act at all. what were you gonna do? Me? I'll take my revenge, so be careful. I'm always right BEHIND YOU.
