CHAPTER 13: TAG OF WAR

1 0 0
                                        

Nagising ang lahat ng isang malakas na sigawan ng mga tao sa labas, tuloy parin ang training ng mga sundalo kahit pa may event sa mismong camp nila.

Nag labasan ang mga estudyante sa tent at nakita ang mga topless na kalalakihang nagjajogging na dumaraan. Nakasando naman ang kababaihan pero kahit magkakasama sila sa iisang platoon na nagmamartsa ay walang nababastos ni isa man sa mga ito.

Kilig na kilig ang mga kababaihan dahil sa nakikita.

Pero laking gulat nila nang makita sa hulihan ang iilang pamilyar na mukha. Sila Henrietta, Jack at Hunter.

"Ang ganda ni ma'am.." nakangangang sabi ng mga kalalakihan..

Kusot matang lumabas si Jessica sa tent ulang makita kung ano ba ang nangyayari sa labas pero may basang bimpo ang tumapal sa mukha nya.

"Oof!!" tanging nasabi nya nang bahagyang mapaatras dahil sa nangyari.

Tiningnan nya ang bimpo at nakitang may nakaburdang initials doon.

J??

Inamoy nya yon at napagtantong bago lang yon dahil amoy sabon pa.

Lumingon ito sa paligid pero parang walang nakapansin ng nangyare.

Tumingin ito sa mga taong kasalukuyan nang nakatalikod sa kanila at tuloy lang sa pagtakbo.

Pasimple itong napangiti.

"Jack." bulong nito habang nakangiti at nakatingin sa taong nasa hulihan ng mga tumatakbo.

Pinunasan nya ang kanyang mukha gamit yung bimpo saka tuluyan nang lumabas.

Nakapila siya sa pila ng mga babae para makapag banyo.

Subalit napansin nyang napakahaba non at ang iba sa kanyang mga kaeskwela ay nagpapasingit ng mga kakilala nila sa unahan.

Sa inis nya ay padabog siyang umalis sa pila habang hawak ang bimpo, sipilyo, toothpaste at iba pang essentials.

"Pasingit ng pasingit yung mga hinayupak na yon, palibhasa mga mukhang singit.." napipikong bulong nito saka nagpalinga linga.

Nakakita ito ng gripo kung saan maaring mag igib ng tubig, naisip nyang doon nalang maligo pero naunahan na sha ng mga sundalo.. Hayh.

May biglang pumasok sa isip nya na isang lugar.

"Lawa.." bulong nya saka lumingon sa direksyon ng kakahuyan.

Luminga linga sya sa paligid at nang mapansing walang nakatingin sa kanya ay mabilis syang tumakbo papasok ng kakahuyan. Dinire diretso nya ang masukal na trail na halatang walang mashadong nagagawi.

Natanaw nya ang lawa kaya mas binilisan nya. Alas otso ang sinabing oras ng mga guro para makarating sa open field at mayroon pa syang isang oras at Tatlumpung minuto.

Agad syang tumingin sa paligid. Walang tao.

Agad nyang inalis ang suot na tshirt at pantalon kaya naman tanging panloob nalang ang natirang suot nya.

Agad syang lumusong sa malinaw na tubig at saka nagtampisaw.

Sumisid sya ng mas malalim at aangat na sana nang pumulupot sa halamang tubig ang kanyang paa.

Hindi nya iyon matanggal at nawawalan na sya ng hangin.

Bumilis ang pagtibok ng kanyang puso dahil sa kaba.

Naibuga nya ang hanging tinitipid nya kaya naman mas lalo syang nawalan ng pag asa.

Napatingala sha at nakita nyang may lumundag sa tubig bago sya nawalan ng malay.

Sa kabilang banda naman,

Sa pagtatago ni Hecarim upang makapag sigarilyo ay nagpunta sya sa gubat.

Sisindihan na sana nya ang isang stick nang makarinig sya ng kaluskos sa di kalayuan.

Nilingon nya yon at inaninag kung sino ang taong papasok sa kakahuyan. Nang matanaw nyang si Jessica yon ay mabilis nya itong sinundan.

Tatawagin nya sana ito nang makitang nasa tapat yon ng isang lawa subalit nakita nyang isa isa nitong tinatanggal ang kanyang suot kaya naman namumula syang nagtago sa likod ng puno.

Napalunog sya nang sa kanyang muling pagsilip ay nakita nya ang magandang hubong ng pangangatawan ng dalaga.

Napaawang ang kanyang mga labi at nabitiwan ang sigarilyong hawak.

Nang lumundag si Jessica sa tubig ay muli syang nagtago sa puno. Naririnig nya ang pagaspas ng tubig na dala ng bawat pagpadyak ng taong naroon sa lawa.

Ngunit ilang sandali lang ay wala na syang narinig kundi ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa talon kaya naman agad nya itong sinilip.

"Jessica??" mahinang pag tawag nito subalit walang sumasagot.

"Umalis na ba sha." tanong nya sa sarili saka lumapit sa batuhan. Nagtaka sya nang makitang naroon pa ang mga hinubad na damit ng dalaga.

Nakita nyang may bula na nanggaling sa ilalim ng tubig kaya naman inaninag nya ang ilalim ng lawa at nakitang naroon si Jessica.

"Jess!!" sigaw nito saka na nagtanggal ng sapatos at pang itaas. Walang pagdadalawang isip nitong sinisid ang lawa.

"hindi ko mapapatawad yung sarili ko pag may nangyaring di maganda sa kanya." sabi nito sa isip atsaka mas binilisan ang pag langoy hanggang sa maka harap kay Jessica.

Hinalikan nya ito upang salinan ng hangin.

Nakita nyang dumilat ang mga mata nito kaya naman mabilis nyang sinisid ang bagay na nakapulupot sa paa nito.

Nang maalis ang halaman ay mabilis nyang niyakap si Jessica at inilangoy paitaas.

"Sh*t!! Are you okay!??" tanong nya rito dahil patuloy ito sa pag ubo.

Hinihingal pa syang inalalayan ito para mapunta sa batuhan.

Subalit isang pares ng sapatos mula sa isang taong nakatayo don ang sumalubong sa kanila.

Sabay silang napatingala upang makita kung sino ba yon.

"J-Jack.." Jessica.

Naniningkit ang mata nito sa kanila.

Napairap si Hecarim saka na umahon sa tubig at saka nilagpasan si Jack.

Nakatitig lang si Jack kay Jessica at tila hinihintay itong magpaliwanag.

"It's not what you think. Muntikan na kong malunod kaya sinagip lang nya ko." pagpapaliwanag ni Jessica saka nanghihinang umahon.

Walang reaksyon syang inalalayan ni Jack paalis sa tubig.

Laking pag tataka nya nang makitang nagtanggal si jack ng mga butones sa suot nito.

"A-Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Jessica at napatakip pa sa dibdib.

Nagsalubong ang kilay ni Jack saka sya inirapan.

Inabot sa kanya ni Jack yung polo nito saka lumangoy sa tubig.

"Oo nga pala. Puno yung banyo." bulong ni jessica sa sarili.

Behind YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon