JESSICA
Marami pang ginawang activities kanina hanggang sa umabot ng 10pm ay hinayaan na kaming gawin ang gusto namin. Ang sarap ng pagkaing sinerve nila samin kanina sa bonfire narinig ko pa na kasama si miss Henrietta sa mga nagluto.
"Ma'am? Nababagot po kayo?" napalingon ako sa lalaking nagsalita sa tabi ko.
Tila nahihiya akong kausapin nito.
Naalala kong siya yung pinag jogging kanina ni Jack.
"Ah Oo, medyo. Ang hina kase ng signal dito." sabi ko saka bahagyang inangat yung cellphone.
"Nako ma'am ganon po talaga dito. Training grounds kase namin to kaya may signal jammer. Siya nga po pala may pinapabigay sa inyo si boss Jack." sabi nito saka may inilabas na papel.
Binuksan ko yon saka binasa sa isip ko.
"Magkita tayo sa lawa"
"Uhm, saan may lawa dito?" tanong ko saka ibinulsa tung sulat.
"Ah dun lang po sa kakahuyan yon. Di nyo naman po kaylangang lumabas ng boundaries para makarating dun, diretsuhin nyo lang po yan." sabi nito saka tinuro yung gubat sa malapit.
"Salamat.." sabi ko.
Kabilin bilinan kase samin na bawak kaming lumabas ng bakod lalo na pag gabi. Ang sabi samin ay may land mines daw sa paligid nitong area. Anytime daw kase pwede silang salakayin. Pero sa ngayon ay safe dito at nagkaroon ng briefing kanina sa mga pwedeng mangyare at kung ano ang dapat gawin.
Tumingin muna ko sa paligid saka nagtungo sa kakahuyan. May trails naman pala and iilang bumbilyang magkakalayo na nagbibigay liwanag sa daraanan.
Natatanaw ko na ang tubig ng lawa na pinakikislap ng maliwanag na buwan. May talon sa di kalayuan na katamtaman lang ang agos.
Palapit na ko ng palapit pero di ko matanaw si Jack. Asan kaya sha--
"Hmp!! Hmmm!!" nagpumiglas ako nang may magtakip ng bibig ko.
"Shhh, wag kang maingay. Ako to." napalunok ako nang maramdaman ang pagdampi ng labi ni Jack sa tenga ko.
Niyakap ako nito mula sa likod. Madilim ang parteng kinatatayuan namin at nakatanaw lang kami sa lawa sa di kalayuan.
"Kamusta na yung pakiramdam mo?" tanong nito.
"Medyo magaan na. Di gaya kanina." sabi ko saka inalis ang pagkakayakap nya sakin.
Humarap ako sa kanya saka siya hinalikan.
Agad naman nitong tinugon ang mga halik ko saka ako isinandal sa pinakamalapit na puno.
Bumaba ang mga halik nito sa leeg ko at naglakbay ang kanyang mga kamay sa aking katawan.
"Jack, baka may makakita saten." bulong ko.
Saglit siyang tumigil saka ako tiningnan.
"Walang pumupunta dito pag gabi. May oras yung pagtulog ng mga tao dito. Bawal din silang pumunta dito kada gabi." sabi nito saka tinuloy ang ginagawang pag dampi ng labi sa leeg ko pababa.
Tanging manipis na tela ng pajama lang ang suot ko kaya ramdam na ramdam ko ang kanyang paghinga.
"Ah!" napakagat ako sa labi nang ipasok nya ang daliri sa isang bahagi ng aking katawan.
"S-Sandali lang. Ah! Jack tumigil ka. Baka may makakita satin dito." nahihiyang pag uulit ko sa sinabi ko kanila. Halos pabulong lang kaming mag usap dagil natatajit akong baka may makarinig.
Tumigil siya sa ginagawa saka ako hinalikan.
Parehas kaming hinahabol ang pag hinga nang maghiwalay.
"come with me." sabi nito saka ako hinila.
"Saan?" tanong ko.
"Sa baracks" tipid nyang sagot saka ako hinila.
Bahagya akong napangiti dahil naiisip ko na ang mga bagay na pwedeng mangyari pagpasok namin sa pinto sa di kalayuan.
Nang biglang..
"Jessica.." nawala ang ngiti ko nang marinig ang boses ng tumawag sakin mula sa likod. Nabitiwan ko ang kamay ni Jack sa sobrang gulat.
Nilingon ko ang taong yon at di nga ako nagkamali.
"H-Hecarim.. Anong ginagawa mo dito.. Uhm--kanina ka pa ba?" tanong ko. Natataranta ako dahil baka may nakita sha.
"Where are you going?" tanong nito at nagpapalipat lipat ang tingin samin ni Jack.
"Sir?" sabi nito sabay tingin sa kasama ko.
"Hecarim, pwede bang bumalik ka nalang kay Heaven. Ayoko ng issue--"
"Issue? You think hindi issue tong ginagawa nyo? Lalo ka na, teacher ka pa naman namen tapos pasimuno ka sa kalokohan." sabi ni Hecarim kay Jack.
"Wait, pwede bang wag mong idamay si Jack dito?? Saka ano bang pakealam mo saken!?? Ano ba kita?" dire diretsong sabi ko at di na nakapag pigil pa.
Huli na para bawiin ko ang sinabi ko dahil natahimik na ang paligid. Tila hinihimay namin bawat detalye ng nga bagay bagay.
Lumunok ako nang maramdaman kong naiiyak na naman ako.
"Wala kang karapatang diktahan ako kung ano yung dapat at di ko dapat gawin, Wala namang namamagitan satin. Don't be so selfish, Let me be happy with someone I want to be with. Dahil may Girlfriend ka na. You should prioritize her more than anyone or anything." sabi ko at iiwan na sana sila, pero paglagpas ko sa kanya ay may pahabol siyang sinabi na nagpahinto sakin.
"Wala na kami ni Heaven.." mabilis nitong sabi na ikinalingon kong muli sa kanya.
"Ano!?"
"Wala na kami. Kanina, pag alis mo. Hinabol ko sha. Saka ko na tinapos lahat." sabi nito.
Para akong siraulong natawa sa sinabi nya.
Napayuko pa ko kakatawa habang nakahawak sa tuhod ko bilang suporta.
Lumanghap ako ng hangin saka inayos ang sarili ko.
"So?" taas kilay kong tanong.
"A-Anong 'So'?" tila naguguluhang tanong nito.
"Then what's your next plan Hecarim?" tanong ko.
"Liligawan kita--" isang malakas na sampal mula sakin ang nakapag pahinto sa kanya.
"Liligawan mo ko?? Hah! Gago ka ba? After what you did to me!? Tingin mo magiging tayo? Di kita gusto. Hindi NA kita gusto. Ni katiting na pagmamahal wala na kong nararamdaman."
"At sinong gusto mo? Sha? Eto?? Gumising ka Jessica professor natin yan!!--" sigaw nito pabalik.
"Oo!! Gusto ko sha!! Mahal ko sha kaya anong pakealam mo!?? Wala kang pakealam!! And don't you dare na pakealaman ako sa mga bagay na gusto kong gawin!! Kahit sampu pa yung maging lalaki ko wala kang pakealam!! At tandaan mo to Hecarim, kinamumuhian kita. Sukang suka ako kada makikita ko kayong naglalandian ni Heaven. Isa pa, pagsabihan mo yung shota mo. Sabihin mong di kita gusto kaya wag shang umastang may inagaw ako sa kanya or what. Dahil in the first place nagparaya lang ako sa relasyon nyo kaya naging kayo." sabi ko saka na sila iniwang dalawa.
Pumasok ako sa tent ko saka nahiga. Tulog na yung karamihan ng kalapit na tent. May mga nagbubulungan pa pero kanya kanyang good night na sila. Isa isa nang namatay ang ilaw at tanging nga ilaw nalang na nakatutok sa labas ng boundary ang nakabukas.
I must say, this day was quite tough.
BINABASA MO ANG
Behind You
Misterio / Suspensoif your mom died due to medical malpractice and your father died serving the country for the people who never appreciate his heroic act at all. what were you gonna do? Me? I'll take my revenge, so be careful. I'm always right BEHIND YOU.
