Naglakad pabalik sa loob ang dalawa nang makitang bahagyang nakabukas ang pinto ng game room kaya naman nagtaka sila.
Naabutan nilang tulog pa sila Seraphine at Heaven kaya tinabihan na nila ang mga to.
---
Kinaumagahan ay sabay sabay silang nakarating sa university kung saan may mga nakapark nang bus sa tapat.
"Excited na kooooo!! Woooh!!" sigaw ni Kerwin saka hinila si Seraphine.
"Wag kang tumakbo Kerwiiiin!! Yung sintas mo!!" sigaw ni Jessica na humabol na kay Kerwin papasok ng gate para mahanap ang mga kaklase nila.
Nabigla sila sa pagpasok dahil naka kalat ang mga sundalo sa loob.
"Hello mga kuyaaaaa!!!" Kerwin
Natatawa nalang si Seraphine sa kinikilos ng kasintahan.
"Good morning sir." bati ng mga ito pabalik kahit pa di nila kilala ang binata.
Sa kabilang banda naman ay naiwang nakatayo sila Heaven sa tapat ng gate.
"Tara na babe" nakangiting alok ni Hecarim saka inilahad ang kamay sa dalaga.
Pansin nyang kanina pa ito wala sa sarili dahil di man lang ito umiimik.
"Is there something wrong?" Hecarim
"Hecarim.. Uh.." tila nag aalangan ito sa sasabihin.
"Masama ba yung pakiramdam mo?" Tanong pa nya.
"Wala. *sigh* tara na" sabi ni Heaven saka na naunang naglakad papasok.
Nagkibitbalikat nalang si Hecarim saka na sumunod.
Nagtipon tipon na lahat sa tapat ng stage at nakinig sa pari sa tapat.
Matapos magsalita ang pari ay hinarap sila ng kanilang guro saka sinabi ang mga rules and regulations.
" May mga tents naman daw na ipapahiram yung mga armies na nandon pero much better if may dala na kayo.. Obviously yung iba sa inyo may dala base sa mga bag na dala nyo. Pero please lang ha. Yung mga magshoshota wag na wag kayong magsasama sa iisang tent.. I'll be watching you guys.. All the time.." Henrietta.
"Ang sungit mo naman sa mga bata. Chill ka lang." napalingon lahat sa taong nagsalita sa likod nila.
"Major General Hunter Gray!!!" tili ng ilang kababaihan sa klase ni Henrietta.
"ayoko lang na pagkatapos ng Camping ay kalahati na ng klase ko yung buntis." nakataas ang kilay na sabi ni Henrietta.
---
Sumakay na ang lahat sa designated bus kasama ang mga guro.
Tahimik lang ang lahat sa byahe at may kanya kanyang ginagawa.
"Seraphine pag inaantok ka eto lang yung balikat ko ha. Gusto sana kitang makatabi sa pagtulog mamaya kaso bawal e.. Ehehe.." Kerwin
"Ah, ayos lang. Di pa naman ako inaantok e." Seraphine.
Sa kabilang banda naman ay nagtataka si Hecarim kung bakit tahimik parin si Heaven at walang imik na nakikinig lang ng kung ano sa headset na nasa tenga nito.
Tinetext nya ito kahit pa magkatabi lang sila para lang tanungin kung may problema ba, pero di man lang ito nag atubiling silipin ang cellphone na hawak hawak lang nya.
Nakapikit lang ito at nakasandal ang ulo sa salamin ng bus.
Nabagot si Hecarim kaya dahan dahan shang tumayo at lumipat ng upuan sa likod saka kinalabit si Jessica na mag isa lang sa upuan at tanging bag lang ang katabi.

BINABASA MO ANG
Behind You
Misteri / Thrillerif your mom died due to medical malpractice and your father died serving the country for the people who never appreciate his heroic act at all. what were you gonna do? Me? I'll take my revenge, so be careful. I'm always right BEHIND YOU.