Umiiyak ang isang bata habang hawak ang litrato ng isang taong kasalukuyang inililibing lulan ng isang itim na kabaong. Itinatago ng ulan ang kanyang luha at tila ba nadagdagan pa ang bigat sa kalooban kada maiisip nyang wala na syang kasama sa buhay.
Nagpakawala ng dalawampu't isang bala ang mga lalaking nakasuot ng uniporme sa di kalayuan.
Walang shang alam kung para saan yon, ang alam lang nya ay nagbuwis ng buhay ang kanyang ama para sa mga taong hindi naman karapat dapat na mailigtas ang buhay.
Awa at pagkadismaya ang naririnig nya sa mga taong nakiramay..
"bakit pa kase siya pumasok sa pagmimilitar? Edi sana buhay pa sha?" sabi ng isang ginang.
"magkano kaya yung makukuha ng anak nya?" sabi pa ng isa.
May isang sundalong lumapit sa kanya at nag abot ng bandilang nakatupi.
"eto, itago mo. Pag malulungkot ka, tignan mo lang tong medalya na to. Sagisag to ng kabayanihan ng papa mo."
Sabi ng lalaking naka uniporme na lumuhod sa harap nya..
Tumango siya at hinigpitan ang hawak sa litrato..
Nakita nyang may humintong van sa di kalayuan kung saan bumaba ang mga iniligtas ng kanyang ama sa isang kidnapper at suicide bomber.
Isang anak ng milyonaryo, artista, Heneral, doktor, senador at isang bias na principal.
Nagbigay lang ang mga ito ng perang nakasobre na parang ayaw nyang tanggapin. Halos mabasag na ang salamin ng picture frame sa sobrang higpit ng hawak nya dito.
Pero alam nyang kakaylanganin nya yon balang araw kaya naman tinanggap nya yon at nagpasalamat.
Nakita nya ang mga batang tumatawa sa di kalayuan habang nagkukwentuhan. Nabuo ang galit sa dibdib nya. "anong karapatan nilang tumawa samantalang nawala yung papa ko ng dahil sa kanila" sabi nya sa isip nya.
Natapos ang libing at naiwan sya sa libingan.
Tuloy parin ang ulan. "papa, pangako. Hindi sila magiging masaya." sambit ng bata saka naglakad palayo.
Nawala ang kanyang ina isang buwan na ang nakakaraan ng dahil sa maling pamamaraan ng mga doktor sa pag opera dito. Kaya naman ulila na sya at wala nang ibang mapupuntahang pamilya.
Umuwi siya sa kanila at nagpalit.
Itinaob nya lahat ng litrato ng kanyang magulang.
Kaylangan nyang maging matatag at mabuhay para makapag higanti.
12 years later...
"Guys! Tara na may pasok pa tayo kay Miss Henrietta. Pag tayo na late na naman ha." Sabi ni Jessica sa mga kasama habang nag aayos ng gamit.
"ugh! Wait lang so mainit kaya. Saka may 30 minutes pa ano ka ba." sabi ni Tamara(Tammy) habang nag aayos ng make up.
"Tara na Jessica una na tayo pabayaan na natin yang kakambal kong napaka arte." sabi naman ni Samara(Sammy) habang nag aayos ng cap.
"Ewan ko ba sa inyong mga babae, kuntodo make up pa kayo. Tatakbo talaga ko pag nabura yung mga mukha nyo e." Kerwin
"tara na!! Ambabagal nyo pa! Bahala kayo una na ko." inis na sabi naman ni Hecarim saka hinila yung girlfriend na si Heaven.
Walang nagawa yung iba pa kundi sumunod na.
Pag dating nila sa class room ay marami nang mga estudyante ang nakaupo.
"Hoy Betty la panget, lumayas ka nga jan. Jan kami uupo." sabi ni Tamara sa kaklase nilang may malaking salamin.
Yumuko ito saka naman umalis dahil sa takot.
BINABASA MO ANG
Behind You
Mystery / Thrillerif your mom died due to medical malpractice and your father died serving the country for the people who never appreciate his heroic act at all. what were you gonna do? Me? I'll take my revenge, so be careful. I'm always right BEHIND YOU.