Naghanda na lahat ng estudyante para sa P.E. at lahat sila ay kanya kanyang kuha na ng damit sa mga locker para makapag palit.
Dumating sila sa open field at naka abang na don ang isang malaking stereo, microphone, large screen, camera at yung baging P.E. teacher.
"Line up!!' sigaw nito sa Mic. Kaya napaayos sila bigla dahil sa gulat.
"Hands forward!!" sigaw nito sa mic.
"Hands sideward!!" sigaw nya ulit.. Nang makitang nakaayos na ang mga estudyante ay maayos din itong tumayo.
Lahat ng kilos nya ay malinaw na nakikita sa screen..
"Grabe, mukhang terror" buling ng isang estudyante.
"Balita ko dati shang army." bulong ng isa pa.
"I'm Jack.. Jack Jimenez, former Captain ng Elite force sa military academy, pero no Worries. P.E. to, hindi military training. Kaya ituring nyo nalang akong kuya." sabi nito saka ngumiti.
"Uy Jessica, bat ka namumula?" tanong ni Seraphine sa katabi.
"Ha, ah kase.. Ano.. Wala.." aligagang sabi ni Jessica.
Sa loob loob nya ay nakaramdam sha ng pagbilis ng tibok ng puso dahil sa ngiti ng guro na kitang kita sa malaking screen.
"So, guys. Umpisahan natin sa warm up yung P.E."
Nag umpisa ang lahat sa stretching at iba pang warm ups.
"Subukan nyong sumipa paharap.. Sige pa! Taas pa. Naka pants kayo kaya walang masisilip jan." sabi nito.
"Miss? Excuse me, ganito yung proper position. Or else matutumba ka." sabi nito nang makitang mali ang posisyon ni Jessica.
"Can I?" tanong ng guro na para bang nagpapaalam muna bago sha hawakan.
"Uh, Y-Yah." sagot nito.
At dahil nasa pinaka harap sya ay hinarap sya ng guro sa mga kaklase.
"Stand straight" sabi ng guro.
Nakikinig lahat ng estudyante dahil bigla silang naging intresado sa P.E.
"This is what you call 45degree kick. This may use as self defense too. Now let me teach you the right position for this. Yung ipang sisipa ninyo, is kung saan kayo mas sanay, kung left yan or right walang problema. Etong hindi ninyo ipangsisipa ay tatawagin nating free leg. Okay? Ngayon dapat medyo isaside nyo yung paa nyo jan para nanjan yung balanse ninyo, slightly lean backward then kick!!" automatic na napasipa ni Jessica dahil sa sinabi ng guro.
"Good! Another one.. Lagyan mo ng konting power at pitik." sabi nito saka pumwesto sa harap ni Jessica.
"Sir, pano po ko sisipa kung nanjan kayo?" nahihiyang sabi ni Jessica.
"Sasaluhin ko yung sipa mo. Para malaman ko kung ayos yung kick." Jake
"O-Okay po"
Sumipa si Jessica at nasalo naman yon ni Jake pero may parang kuryenteng dumaloy sa katawan ni Jessica kaya nawalan sha ng balanse, nasalo naman sha ni Jake na halatang nagulat din sa nangyare.
"Jess? Are you okay?" Sabi ni Heaven na agad dinaluhan si Jessica kaya bumitaw na si Jake at pinaubaya sa mga kasamahan ng dalaga ang pag alalay dito.
Ilang sandali lang ay pinanuod na nya ang mga estudyanteng nagtatakbuhan sa field at nagpapasahan ng baton.
"Yung balance nyo students, baka may madapa." paalala nya sa mga ito.
"Dominguez wag mong ihagis yung baton. Nandadaya ka." sabi nito sa isa sa mga estudyante nya.
BINABASA MO ANG
Behind You
Misterio / Suspensoif your mom died due to medical malpractice and your father died serving the country for the people who never appreciate his heroic act at all. what were you gonna do? Me? I'll take my revenge, so be careful. I'm always right BEHIND YOU.
