JESSICA
Umakyat na ko sa harap para tumestigo. Hinarap sakin ang bibliya saka ko doon ipinatong ang kamay ko.
"Ako si Jessica Castro, Nanunumpa na magsasabi ng pawang katotohanan lamang." mahinang sabi ko saka na ko pinaupo ng Prosecutor.
"Miss Jessica? Totoo ba na pangatlo na ang pumanaw na si Hecarim Salvador sa mga kaibigan ninyong nawala?" Prosecutor.
"Opo, may kaibigan po kameng kambal. Sila Samara at Tamara na nawala sa brutal na paraan. Nabalita pa nga po yon sa TV." sagot ko.
"I see, mabalik tayo kay Hecarim. Ano ang nakita mo bago nangyari ang lahat? Mas maganda kung ikukwento mo kung pano nagsimula lahat"
"Nagsimula po lahat nung nasa bus kame papunta sa camp, parang nagdadabog po kase sya that time mula pa nung umalis kame sa bahay namen. Dun po kase kami nag overnight. Then pag dating po namin sa camp. After mag set up ng tent, tinanong sya ni Hecarim kung bakit di sya kinakausap nito. Sinigawan nya si Hecarim na narinig daw nya lahat. Hanggang sa lahat na yata kame inaway nya. The next morning, nagpalaro yung mga teacher, It was fun. Pero dahil magkaiba kami ng Handler na professor ni Hecarim ay di ko sya nakita. I just shrugged when I noticed that Heaven didn't play any games at all dahil kagroup ko sya. Then in the middle of the game events she's totally gone. Hanggang sa nung pabalik na kami sa shower area ay hinanap sakin ni Kerwin si Hecarim. Nakita ko rin sila non na magkausap habang nasa bleachers na magkatabi nung rest time that day kaya akala ko sila yung magkasama. Hanggang sa nakarinig kami ng isang malakas na putok ng baril sa kakahuyan.. Tapos---- Tapos pag dating namin don hawak ni Heaven yung Baril." naiyak na ko nang maalala ang nangyari.
Sumunod nang umakyat si Seraphine. Inalalayan naman ako pababa ni Kerwin saka inabutan ng panyo na mabilis kong kinuha.
"Seraphine, ano ang mga parte ng pangyayari ang nakita mo?"
"Nakita ko po si Hecarim na kinausap si Kerwin, kateam ko kase sya that time. Ang narinig kong usapan nila ay nakikisuyo si Hecarim mung pwede ba na papuntahin ni Kerwin si heaven dun sa lake sa gitna ng kakahuyan. Umoo naman si Kerwin sa kanya. And then nung kalagitnaan na ng program ay nawala na si Hecarim. Saktong kalabang namin yung grupo nila Kerwin and Jessica that time. Si Heaven. Never syang naglaro. Nakaupo lang sya sa puno the whole time at parang may malalim na iniisip. Hanggang ayun na nga. Gaya ng huling sinabi ni Jessica nakarinig kami ng isang malakas na putok ng baril sa kakahuyan. Pag dating namin don hawak ni Heaven yung baril at duguan na si Hecarim." malungkot na sagot nito.
Sunod nang umakyat si Kerwin na nagpatotoo sa mga statements namin.. Pinatawag nga daw ni Hecarim si Heaven sa kakahuyan matapos naming mag gun firing..
"Sa pagkakaalala ko po, nauna sa crime scene si Hecarim. Tapos sumunod si Heaven. Nakita ko sila habang pumapasok sila don kaya alam ko. Sinabi ni Hecarim na saglit lang yon. Kaya nagtataka ako nung mahigit ilang oras na di parin sya nakakabalik. Biglang pumasok sa isip ko na napansin ko lang na ang sinalihan lang na activity ni Heaven ay yung gun firing. Tapos non wala na. Hanggang sa naisip ko na baka nakita sya ni Jessica dahil ang sabi ni Hecarim after nyang makausap si Heaven ay si Jess naman yung kakausapin nya. Pero sakting pag tanong ko kay Jess, Narining namin yung putok ng baril. Pag dating namin don nakita naming may hawak si Heaven na baril." sabi ni Kerwin.
Pinaakyat na si Heaven sa harap para sabihin ang panig nya.
"totoong may nagpunta nga ako don, pero I swear yung baril na ginamit ko sa gun firing sinurrender ko yon!! Pero habang nasa trail at papunta ko sa ilog at natatanaw ko na si Hecarim na nakadapa, Nag alala ko kaya mas nagmadali ako. Pero may natapakan ako, pagyuko ko nakita ko yung baril. Kaya dinampot ko yon. Sa kinatatayuan ko nakita ko si Hecarim na may dugo sa hinihigaan nya kaya nagtatakbo na ko papunta sa kanya. Pero pag angat ko sa katawan nya. Hindi na sha gumigising. Hindi ko sha pinatay." depensa nito sa sarili saka humagulhol ng iyak.
--
Pinababa na sya, nagsalita sa harap yung prosecutor, representative ng forensics at investigation team.
Saglit na katahimikan ang namayani sa loob ng korte. Binasa ng judge ang nakasulat sa papel na hawak nya.
Inalis nito ang salamin.
Hinawakan ang martilyong gawa sa kahoy.
At sinabing..
"Miss Heaven Arevalo Chen, As the evidence leads towards you. And your reasonings found very suspicious. I announced you, Guilty!"
Isang malakas na tunog ang naging katapusan ng lahat.
"HINDE!! HINDI PWEDE TO!! Hindi ako yung pumatay kay Hecarim!! Mahal ko sha!! Mahal ko si Hecarim!!" nagwawalang sigaw ni Heaven habang nakaposas at inaalalayan na palabas ng pulis. Nahagip ako ng paningin ni Heaven.
"KASALANAN MO TO JESSICA!! KASALANAN MO!!" sigaw ni Heaven at aksidenteng nakaagaw ng baril.
Tinutok nito sakin yung baril kaya napapikit ako.
Isang malakas na putok ang umalingawngaw sa buong kwarto.
Pagdilat ko ay nakita kong dinapa ng mga pulis si Heaven.
Pero mas napansin ko ang isang babae na sumalo ng bala na dapat ay para sakin.
"Ma'am!!" sigaw ko saka tinulungan sila Kerwin na alalayan si Ma'am Henrietta.

BINABASA MO ANG
Behind You
Mystery / Thrillerif your mom died due to medical malpractice and your father died serving the country for the people who never appreciate his heroic act at all. what were you gonna do? Me? I'll take my revenge, so be careful. I'm always right BEHIND YOU.