PROLOGUE

6 1 0
                                    

Sa ilalim ng madilim at tahimik na gabi ay ang nakakaawang sitwasyon ng isang batang babae habang pilit na nagmamakaawa.

"P-Parang awa mo na... h-hindi ako m-magsasalita... w-wag mo akong p-patayin"

Puno ng takot at pangamba ang mukha nito habang paatras ng paatras sa taong nasa harapan niya. Puro sugat na rin ang mga tuhod at kamay nito sa paggapang para lang makalayo sa lugar na yun.

"Akala ko ba ay nagkakaintindihan na tayo?", tanong ng taong pilit na lumalapit sa babae habang iwinawasiwas ang makapal na kahoy na hawak nito.

Puro iyak at paggapang lang ang tanging nagawa ng batang babae habang pinipilit na hindi siya maabutan ng taong sumusunod sa kanya.

"Gapang pa, Karen. Gumapang ka pa", mala-demonyo ang boses ng taong yun habang gumagapang ang batang babae.

Patuloy sa paggapang ang babae nang agad itong paluin sa ulo ng ilang beses hanggang sa mabasag at magdugo ng magdugo ang ulo nito. Nang mawalan na ng buhay ang batang babae ay ang pag-alis naman ng taong may kagagawan ng krimen na iyon.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay ang pagdating ng isang batang babae mula sa di kalayuan. Naka-yuniporme pa ito at parang naglalakad sa buwan habang subo ang isang lollipop.

Napahinto ito nang mamataan ang katawan ng isang babae sa gitna ng kalsadang dinadaanan din niya. Dahil sa pagtataka ay nagmadali itong tumakbo para malapitan ang taong yun.

Nang makalapit siya ay gano'n na lang ang pagkagulat niya nang makitang pareho ang yuniporme nilang dalawa. Hindi siya makagalaw ng maayos at nanatiling nakatitig sa taong nasa harapan nito.

"P-Pinatay mo ba siya?", aligaga ang babae ng makarinig ng taong nagsalita mula sa likod nito.

Agad itong lumingon at nakaharap ang dalawang babaeng nasa likuran niya. Una nitong napansin ang yunipormeng suot nila. Pare-pareho yun at base sa ityura nila ay mukhang pareho sila ng edad.

"U-Uulitin ko! Pinatay mo ba siya!?" tumaas ang boses ng babaeng yun atyaka tumingin sa kasama nito "tumawag ka ng mga pulis!"

"T-Teka... h-hindi ako ang g-gumawa nito!"

"SINUNGALING!"

Nag-dial na sa cellphone ang kasama nito atyaka agad na inilagay sa tenga niya.

"S-Sinasabi ko na sayo, E-Ericka... h-hindi ako", garalgal man ang boses ay ipinilit parin ng babae na hindi siya ang gumawa no'n.

"Britani Tungstem ang pangalan mo, diba? Section C ka dahil sa kulay ng I.D. mo. Pareho kayo ng babaeng yan" itinuro ng babaeng nagngangalang Ericka ang bangkay sa likod ni Britani "walang ibang gagawa niyan kundi ikaw dahil ikaw lang ang nandito at magkaklase pa kayo"

"O-Oo! Pareho kami ng I.D. pero hindi ko siya kilala! N-Napadaan lang ako dito dahil pauwi na ako at pagkatapos ay nakita ko siya! N-Nakahandusay na siya diyan... H-Hindi ko alam kung sino pero hindi ako...", mangiyak-ngiyak si Britani habang nagpapaliwanag siya kay Ericka pero hindi parin ito naniniwala sa kanya.

"Nasaan na ang mga pulis, Caryl!?", tanong ni Ericka sa babaeng kasama nito.

"P-Parating na raw sila, Ericka" sagot naman nito atyaka tiningnan ang umiiyak na ngayong si Britani "u-umamin ka na lang para hindi ka na mahirapan"

Nanlilisik naman ang mga mata ni Britani na tiningnan siya. Lalapit na sana ito sa kanya nang biglang magdatingan ang mga pulis.

"ITAAS NIYO ANG MGA KAMAY NIYO AT WALANG KIKILOS NG MASAMA", sigaw ng isang pulis na agad namang sinunod nina Ericka at Caryl. Samantala, nakatayo parin si Britani at tinititigan ng masama si Caryl.

Walang ano-ano'y lumapit bigla si Britani kay Caryl at hinablot ang buhok nito dahilan para agad na maglapitan ang mga pulis sa kanila.

"SINABI KO NANG HINDI AKO ANG PUMATAY SA KANYA! HINDI AKO ANG PUMATAY! HINDI AKO PAPATAY NG TAO!", sigaw ni Britani habang hawak ang buhok ni Caryl.

Agad naman silang inawat ng mga pulis pero hindi parin binibitawan ni Britani ang buhok ni Caryl kaya naman iniharang ni Ericka ang kamay niya dahilan para mabitawan nito ang buhok ni Caryl ngunit sa hindi inaasahan ay agad na kinagat ni Britani ang braso nito na naging dahilan sa pagdugo nito. Mabuti na lang at nailayo agad ng mga pulis si Britani kaya naman hindi gano'n kalalim ang sugat na natamo nito.

"INOSENTE AKO AT HINDI AKO MAGPAPAKULONG! HINDI AKO ANG PUMATAY, ERICKA! HINDI AKO!", sigaw ni Britani habang ipinapasok siya sa kotse ng mga police.

Nang tuluyan nang makaalis ang kotseng pinaglagyan kay Britani ay ang pagdating naman ng ambulansyang kukuha sa bangkay ng babaeng namatay.

"E-Ericka, ayos ka lang?", tanong ni Caryl sa kanya.

"Oo. Eh ang buhok mo? Hindi ka ba nakalbo?", tanong naman pabalik ni Ericka.

"Hindi naman, salamat, pero ang braso mo... dumudugo", nag-aalalang sabi ni Caryl.

"Miss, sumama ka na sa amin sa ospital para magamot ang sugat mo" singit ng isang nurse mula sa ambulansya "dito na kayo sumabay sa katawan ng babae, doon kayo sa dulo umupo para hindi kayo matakot" dugtong pa niya atyaka naunang pumasok sa sasakyan na yun.

Sumunod naman si Caryl at Ericka. Sumakay na sila at umupo sa dulong upuan nito. Habang umaandar ang sasakyan ay hindi mapigilan ni Caryl na tumingin sa katawang iyon. Una nitong sinuri ang suot nitong yuniporme at ang I.D. na nakasabit sa leeg nito. Base sa kulay nito ay masasabi ngang magkaklase ang taong yun at si Britani. Pinasingkit nito ang mata atyaka binasa ang pangalan ng taong iyon.

"Karen Bismuth", sabi niya na narinig din naman ni Ericka.

"Anong sabi mo?", tanong ni Ericka sa kanya.

"Karen Bismuth. Karen Bismuth ang pangalan niya", sagot nito atyaka itinuro ang katawang nasa harap nila.

"S-Si Karen Bismuth? Y-Yung artista sa T.V. Network ng mga Tungstem?", tanong ni Ericka.

"Alam ko ay artista si Karen, pero paano natin malalaman kung hindi na natin siya mamukhaan?", mungkahi ni Caryl na tinanguan naman ni Ericka.

Nasa ambulansya parin sila nang hindi na makatiis pa si Ericka at nag-dial ng numero sa cellphone niya.

"T-Teka... sinong tinatawagan mo?", tanong ni Caryl sa kanya.

"Tatawagan ko si mama, baka nag-aalala na siya sakin", sagot naman ni Ericka atyaka muling itinuon ang atensyon nito sa cellphone niya.

"Oo nga pala. Baka nag-aalala na rin si mama" saad rin ni Caryl at nagtext sa mama niya pero maya-maya ay kinalabit din nito si Ericka "ahh... Ericka... baka pwedeng makahiram ng phone mo... naubusan kase ako ng load eh"

"Sure. Use this", sagot ni Ericka atyaka ibinigay ang cellphone niya kay Caryl.

Kinuha naman agad yun ni Caryl at nagsimulang mag-type sa cellphone na yun.

Kinabukasan...

"Ang aktres na kinilalang si Karen Bismuth ay natagpuang nakahandusay at basag ang ulo sa kalsada ng St. Bonifacio Highway. Ayon sa mga pulis ay tinawagan sila ng isang babae na isa rin sa saksi sa krimen na iyon. Sa ngayon ay iniimbistigahan na ang dalawang saksi kasama ang pinaghihinalaang pumatay at nag-iisang suspek sa krimen na ito. Ako po si Steven Parsen. Nakatutok."

To be continue...

De NovoWhere stories live. Discover now