CHAPTER 10 - THE FINAL TRIAL

3 0 0
                                    

Maririnig ang iba't-ibang boses ng mga tao sa loob ng apat na sulok ng korte. Nasa loob no'n ay ang mga importanteng mga tao. Pirmeng nakaupo sa upuan ang mga magulang nina Caryl at Ericka. Ang pamilya naman ni Britani ay nasa kanang bahagi habang nasa likod naman nila ang media. Puno ng camera man ang buong paligid. May mga journalist din na nakaupo sa harapan. Maya-maya pa ay pumasok na ang mga prosecutor. Agad na nag-flash ang mga camera ng mga reporters. Matapos no'n ay ang pagpasok naman ni Britani kasama ang mga pulis habang nasa likod naman niya sina Felicity at Jasper. Agad na lumapit ang mga reporters para kunan ng litrato si Britani, mabuti na lang at may mga pulis kaya hindi sila nakalapit ng husto. Agad pinaupo ni Felicity si Britani sa tabi niya at si Jasper naman sa kabilang banda. Mas lalong nagkagulo nang dumating ang gobernador. Hindi na nagtaka ang lahat dahil lagi naman itong dumadalo sa paglilitis. Nang makaupo naman ito ay atyaka lang pumasok ang judge at mga jury.

"Please rise" panimula ng Bailiff.

Tumayo naman ang lahat atyaka tumingin sa Bailiff.

"The Court of the First Judicial Circuit, Criminal Division is now in session, The Honorable Judge Francisco Thalimos presiding", dugtong ng Bailiff.

"Everyone but the jury may be seated. Ms. Lenylou Rodriguez. Please swear in the jury", saad ng Judge sa bailiff.

Habang nanunumpa ang bailiff ay doon lang nagkaroon ng tyansa si Felicity na tingnan ang mga tao sa paligid niya. Ngayon niya lang napansin na sobrang dami na pala ng tao  sa loob.

"Members of the jury, your duty today will be to determine whether the defendant is guilty or not guilty based only on facts and evidence provided in this case. The prosecution must prove that a crime was committed and that the defendant is the person who committed the crime. However, if you are not satisfied of the defendant's guilt to that extent, then reasonable doubt exists and the defendant must be found not guilty. Ms. Lenylou Rodriguez, what is today's case?", tanong ng Judge sa bailiff.

"Your Honor, today's case is The Republic of the Philippines versus Britani Tungstem", sagot ng bailiff.

Napatingin si Felicity sa katabi niya, kay Britani. Nakatulala lang siya habang nakatingin sa mga kamay niya. Nakaramdam naman ng awa si Felicity.

"Is the Prosecution ready?", tanong ng Judge.
Sabay na tumayo sina Nicolai at Danalyn atyaka sinagot ang Judge.

"Yes, Your Honor", sagot nila atyaka sila naupo.

"Is the Defense ready?", tanong naman ng judge kina Jasper at Felicity.

Nagkatinginan sina Jasper at Felicity. Bumuntong-hininga muna si Felicity atyaka sila tumayo.

"Yes, Your Honor", sagot nilang dalawa bago sila naupo.

Tumayo si Danalyn atyaka naglakad papunta sa harapan. Binigyan niya muna ng isang ngiti si Felicity bago ito nagsalita.

"Your Honor, members of the jury, my name is Danalyn Dyspron and my co-council and I are representing The Republic of the Philippines in this case" humarap naman siya sa mga tao "We intend to prove that on the 3rd day of January, Ms. Britani Tungstem killed Ms. Karen Bismuth" humarap na naman siya sa Judge at mga jury "Please find Britani Tungstem guilty of the murder case. Thank you" dugtong niya.

Tumayo naman si Felicity atyaka humarap sa Judge at mga jury.

"Your Honor, members of the jury, my name is Felicity Darmstad and my co-council and I are representing Britani Tungstem in this case" humarap siya sa mga taong kasama nila "W-We intend to prove that on the 3rd day of January, Ms. Britani Tungstem..." inilipat niya ang tingin kay Britani na ngayon ay nakatingin din sa kanya "...is not the one who killed Karen Bismuth. Please find Britani Tungstem not guilty of the murder case. Thank you" matapos niyang sabihin yun ay muli na namang nagkuhanan ng litrato ang mga reporters. Ang mga journalist rin na nakaupo sa unahan ay nag-umpisa nang mag-type sa laptop nila.

De NovoWhere stories live. Discover now