CHAPTER 2 - ATTORNEY ON DUTY

2 0 0
                                    

Nasa loob na ng interrogation room si Felicity at kaharap si Britani. Nasa labas naman at nanonood si Jasper kasama ang iba pang pulis para magbantay sa mga mangyayari. Ilang sigundo ring nagtitigan si Felicity at Britani na parang sinusuri ang isa't-isa. Kaya napagdesisyunan na ni Felicity na putulin ang titigang 'yon. Kinuha niya ang laptop na nasa bag niya at inilapag sa lamesang namamagitan sa kanilang dalawa ni Britani.

Binuksan niya ang laptop niya bago siya nagsalita.

"Pinatay mo ba si Karen?", tanong ni Felicity kay Britani.

"ILANG BESES KO BANG SASABIHIN SA INYO NA HINDI AKO ANG PUMATAY!?", sigaw ni Britani.

"Attorney Cinsera" lumingon si Felicity sa camera na nasa sulok "turn off the camera" utos nito kay Jasper.

"Hindi ko pwedeng gawin 'yon. Gagamitin natin 'to sa kaso", tutol naman ni Jasper habang nakatutok sa mic.

"Trust me. Basta gawin mo na lang", pagpupumilit ni Felicity.

Noong una ay nag-aalangan pa si Jasper pero dahil na rin sa sinabi ni Felicity ay ginawa na lang din niya. Pinindot nito ang isa sa mga button doon kaya nawala na sa screen ang mukha nila at hindi na rin maririnig ang usapan nila. Mabuti na lang at may salamin na pader sa likod nila kaya kahit papaano ay nakikita nila ang nangyayari sa loob.

Napatingin naman si Felicity sa camera at nag thumbs up nang masiguradong nakapatay na ito.

"Bakit nandoon ka noong gabing 'yon?", tanong ni Felicity kay Britani.

"Nakipagkita ako sa ex ko noong gabing 'yun. Pagkatapos no'n ay uuwi na sana ako. Wala akong masakyang taxi dahil gabi narin no'n. Nang maglakad ako sa St. Bonifacio Highway ay nakakita ako ng katawang nakahandusay sa kalsada. Hindi ko siya kilala pero dahil sa pareho kami ng yuniporme ay nilapitan ko na siya. Maniwala ka. Wala akong ginawa. Gusto ko nang tumawag ng pulis pero hindi ko kaya. Natakot ako at kinakabahan hanggang sa dumating sina Caryl at Ericka", pagkikwento niya.

"Kung nakita mo lang siya roon. Bakit hindi ka nagpaliwanag sa kanila nang makita ka nila?", tanong muli ni Felicity.

"Nagpaliwanag ako pero hindi sila nakikinig! Hindi ko alam! Ayaw nilang maniwala sakin!", halos mangiyak-ngiyak na sagot ni Britani.

"Ang balita ko ay hindi kayo laging nagkakasundo ni Karen. Totoo ba 'yon?", tanong muli ni Felicity habang nagtatype siya sa laptop niya.

"O-Oo.. Hindi kami nagkakasundo pero hindi ko siya kayang patayin. Artista siya sa network na pagmamay-ari ng pamilya namin. Simula nang maging artista siya roon ay lagi na siyang nagmamalaki sa akin. May mga oras na sinasabi niyang kung hindi dahil sa kanya ay baka hindi daw ganoon kasikat ang network namin. Sinabi ko na 'yun sa mga magulang ko pero ang sabi nila ay makisama na lang daw ako dahil asset daw siya ng company namin. Kaya simula noon ay hindi na kami magkasundo. Hindi ko kayang pagtiisan ang ugali niya", mahabang paliwanag ni Britani.

"Sinasabi mo bang totoo na hindi talaga kayo magkasundo?", tanong ni Felicity.

"Oo pero hindi parin sapat yun para sabihin nilang ako ang pumatay sa kanya", pagpupumilit parin ni Britani.

"Sige... pero totoo rin bang nasangkot ka sa isang drug operation?", tanong ni Felicity na ikinagulat ni Britani.

"P-Paano mo...?", hindi na natapos sa pagsasalita si Britani nang magsalita ulit si Felicity.

"A simple yes or no can do, Ms. Tungstem", saad ni Felicity.

"S-Saan niyo nakuha ang impormasyong yan?", tanong ni Britani.

De NovoWhere stories live. Discover now