CHAPTER 4 - STOCK WITH YOU

3 0 0
                                    


"Will the witness stand to be sworn in the bailiff", umalingawngaw ang boses ng judge sa loob ng court room habang naglilitis ng kaso.

Pirme namang nakaupo si Felicity sa loob ng korte habang pinapanood ang paglilitis sa kaso. Matapos ng nangyari kanina sa mall ay agad na itong dumiretso sa korte. Lagi siyang dumidiretso sa korte kapag may problema siya o di kaya ay kapag hindi siya makapagdesisyon ng maayos. Para sa kanya, ang korte ang nagsisilbing pahingahan niya. Puno ng tao sa loob ng korte ang iba ay kakilala ng nasasakdal ngunit ang karamihan ay nakiki-echoso lang. Ang iba nga ay mga estudyanteng gustong maging abogado kaya naman naroon sila, ngunit imbis na manood at pag-aralan ang bawat galaw ng mga taong nasa loob nito ay mas pinili pa nilang mag-chikahan at mag-selfie sa loob nito.

"Tsk" singhal ni Felicity atyaka inilabas ang cellphone niya at tinutok sa mga estudyanteng nagse-selfie sa tabi niya "tingnan pa natin kung makaka-graduate kayo... imbis na mag-focus ay panay selfie ang inaatupag... mag-aabogado ba talaga ang mga ito?" tanong niya sa sarili atyaka muling ibinalik ang cellphone sa bag niya.

"Please raise your right hand. Do you promise to tell the truth, the whole truth, and nothing but the truth?", tanong ng Bailiff sa witness na nasa witness chair ngayon.

Kung susuriin mo ang mga tao sa loob nito ay nasa kaliwang bahagi ng korte ang prosecution, nasa gitna naman ang judge at jury, at nasa kanang bahagi naman ang defense habang nasa unahan naman ang witness. Isa-isang sinuri ni Felicity ang mga taong naroon. Sa defense side ay naroon ang defender at ang kliyete nito. Hindi niya kilala ang defender at maging ang kliyente nito pero base sa ityura ng kliyente ng defender ay mukhang hindi na mapagkakatiwalaan ang mukha nito, habang ang defender naman nito ay babae. Mas lalong sumingkit ang mata ni Felicity nang mapansing panay ang tingin ng kliyente nito sa bandang baba ng defender niya. Hindi naman ito napansin ng defender dahil nakatigin siya sa witness sa unahan. Sunod naman niyang tiningnan ang Judge. Napangisi ito nang may maalala.

"Ang kapatid ko ay judge sa korte suprema pero hindi naman ganyan katalas ang bibig niya. Ang laki ng pagkaaiba ninyong dalawa"

Napangiti siya nang mapansin ang pagkakahawig nilang dalawa. Mataba rin ito at mas mukha lang kagalang-galang dahil sa suot niya.

"I do", sagot ng witness.

Pagkatapos no'n ay lumayo na ang bailiff at siya namang paglapit ng defender.

"Hello" bati nito sa witness "please state your name for the court" utos nito sa witness atyaka naman sinulat ng witness ang pangalan niya sa makapal na notebook na nasa gilid nito.

"Around 12:00 - 1:00 in the midnight ay nakarinig ka ng malaks na tunog mula sa labas ng bahay niyo hindi ba?", pag-uumpisang tanong ng defender.

"Opo", sagot naman ng witness.

"Pwede mo bang sabihin kung anong klaseng tunog yun?", tanong muli ng defender.

"Ahh.. hindi ko na po matandaan", sagot ng witness.

Napaarko naman ang kilay ni Felicity dahil sa sagot ng witness.

"Okay... so ibigsabihin... hindi ka sigurado, tama ba?", tanong ng defender dahilan para makita ang panic sa mukha ng witness.

"S-Sigurado po ako", sagot ng witness.

"Eh anong tunog yun?", muling tanong ng defender.

Makikita sa mukha ng defender ang pag-asa na maipapanalo nito ang kaso habang nanatiling nakataas ang kilay ni Felicity na nakatingin sa kanila.

De NovoWhere stories live. Discover now