CHAPTER 3 - KNOW YOUR OPPONENTS

2 0 0
                                    


Tahimik na nakatuon ang isang babae sa mga papel na hawak nito habang kagat ang isang ballpen sa bibig nito. Sinusuri nito ang bawat detalyeng makikita niya sa mga papel na iyon at sinusulat sa isang maliit na notebook ang bawat mahahalagang pangyayari mula roon na magagamit niya sa pagbabalita.

"Kamusta ang ibabalita mo?", tanong ng superior nito.

Inialis muna nito ang ballpen sa bibig niya atyaka saglit na nag-unat ng braso.

"Wala pa akong ibabalita tungkol doon, sir. Malayo pa ang hearing at kakaumpisa pa lang din ng defender niya sa pag-iimbestiga ng kaso", sagot naman ng babaeng yun.

"Defender? Kilala mo na kung sinong defender niya?", tanong muli ng superior nito.

Tumango lang ang babae atyaka nagpatuloy sa ginagawa.

"Eh kailan mo balak kausapin ang defender?", dugtong na tanong ng superior nito.

Nakaramdam na ng inis ang babae dahil sa tanong ng superior nito. Kilala niya ang defender dahil matagal na silang magkasama nito. Hindi lang niya mabasa ng maayos ang mga nasa papel dahil sa tanong ng tanong ang superior nito. Gustuhin man niyang sumagot ng pabalang ay hindi niya magawa dahil bago pa lang siya sa trabaho at baka matanggal siya.

"I'll talk to her later, sir. Please excuse me po muna... di po ako makapag-concentrate eh", nagpipigil sa galit na sabi nito.

"Okay... nga pala" pag-iiba ng superior nito at kahit inis na ang babae ay pinilit parin nitong ngumiti sa kanya "kausapin mo si Steven Parsen, makakatulong siya sayo dahil siya ang nagbalita ng kasong 'yon noon"

Nang marinig iyon ng babae ay agad nitong tinigil ang ginawa at itinuon ang atensyon sa superior nito. Nakaramdam ito ng excitement dahil sa narinig. Gusto niya na kasing makapagbalita pero dahil sa wala pang inilalabas na impormasyon ay hindi pa siya makakapagbalita lalo na kung walang koneksyon ang balitang 'yon sa krimeng nangyari noong nakaraang buwan.

"Sinong Steven Parsen, sir?", tanong ng babae sa superior nito.

"Steven Parsen... Hindi mo kilala? Sikat ang batang yun dahil sa gwapo siya at magaling din magbalita tulad mo. Bagay kayo", sagot naman ng superior nito.

"Wews? I'll take the compliment but not the last one", saad ng babae.

"Which one? Na bagay kayo?", tanong ng superior.

"Nope the first one sir", sagot nito.

"Wow huh!? Ganda ka? Ang gwapo ng batang yun at matalino rin tapos choosy ka pa?", tanong ng superior nito pero nagkibit balikat lang siya.

"Well.. maganda naman talaga ako at matalino pero di ko siya bet", mataray na sabi ng babae.

"Hayyy naku.. bahala ka mag-aasume diyan. Basta kung kakausapin mo siya ay nasa kabilang department lang siya. Sabihin mo lang ang pangalan niya at kilala na siya ng mga tao roon. Sige na, aalis na ako", matapos no'n ay umalis na rin ang superior niya.

Napahawak na lang ang babae sa batok niya atyaka sunod na kinuha ang cellphone nito. May hinanap itong contact sa phone niya atyaka tinawagan iyon.

"Uy, ungas", bungad nito sa kabilang linya.

"Who's this?", tanong ng kausap nito sa kabilang linya.

"Wow huh!? Naging abogado ka lang nakalimot ka na", saad ng babae.

"Stop wasting my time, Ms. WhoeverYouAre. Kakasuhan kita", pagbabanta ng kausap niya dahilan para matawa ito.

"Ungas ka talaga, Felicity. Ako 'to. The one and only Athena Califord. Ang pinakamagandang reporter sa balat ng lupa", sagot ng babaeng nagngangalang Athena.

De NovoWhere stories live. Discover now