CHAPTER 8 - DECIPHER

2 0 0
                                    


"Tapos yung palaka, tumalon HAHAHAHAHAHA!", malakas na tawa ni Nicolai habang nagda-drive pauwi.

Kasama niya parin si Felicity at kakatapos lang nilang mag-roadtrip. Gusto pa sana nilang kumain pero tumanggi na si Felicity dahil may makakain naman daw siya sa condo, gabi narin kaya naman  pumayag narin si Nicolai.

"Kaya kulay sunog ka no'ng bata tayo eh kase grabe ka makakuha ng palaka hahhahahaha", saad naman ni Felicity.

"Parang hindi ka rin ganon, ah?", tanong ni Nicolai habang naniningkit ang mga mata.

"Duh? Oo nangunguha rin ako pero minsan lang", sagot ni Felicity.

"Pero at least maputi na ako", pagmamalaki ni Nicolai atyaka tiningnan ang sarili nito.

"Oo na, sabihin mo salamat Gluta", utos ni Felicity atyaka ito tumawa.

"Mapang-asar ka talaga", sagot ni Nicolai.

Patuloy lang sila sa pag-uusap nang biglang ipahinto ni Felicity ang kotse ni Nicolai.

"Bakit?", nagtatakang tanong ni Nicolai sa kanya.

Nasa madilim na parte sila ng kalsada at tanging ilaw sa isang masikip na eskinita lang ang nagbibigay liwanag roon.

Naningkit ang mata ni Felicity atyaka tiningnan ang kung anong bagay sa loob ng eskinitang yun.

"Tao ba yun?", tanong ni Felicity nang makakita ng taong nakasalampak sa sahig.

Inilibot pa nito ang paningin niya bago niya nakita ang kotse ni Jasper. Agad itong lumabas sa kotse at tumakbo sa eskinita. Mabilis ang tibok ng puso niya at masama ang hinala niya.

"Felicity!", tawag sa kanya ni Nicolai pero hindi niya na ito nilingon.

Lumapit siya sa lalaking nakasalampak sa sahig. Pamilyar ang imaheng yun sa kanya, maging ang suot nito. Agad nitong binaligtad ang lalaking yun para makita ang ityura nito.
Napatakip siya sa bibig niya atyaka inalog ang katawan nito para gumising.

"J-Jasper? Jasper! Jasper... gising na please... gumising ka!", sigaw ni Felicity habang patuloy na ginigising si Jasper.

"Wag mo siyang alugin" nasa likod niya na pala si Nicolai "May dugo ang ulo niya baka mas lalo siyang mapahamak" paalala ni Nicolai dahilan para hindi na ito hawakan ni Felicity.

"Nicolai... tumawag ka ng ambulance, please", pagmamakaawa ni Felicity.  

"Oo, sige... bantayan mo lang siya diyan", bilin ni Nicolai atyaka ito lumayo ng konti para makatawag ng ambulansya.

Hindi alam ni Felicity ang nararamdaman niya. Hindi siya umiiyak pero alam niyang malungkot siya. Hinawakan niya ang buhok ni Jasper.

"Oyyy... gumising ka, huh?", saad nito na parang maririnig siya ng kausap niya.

Maya-maya pa ay dumating na ang ambulansya. Agad na ipinasok si Jasper sa loob ng sasakyan habang nakasunod naman sa kanya si Nicolai.

"T-Teka?" pigil ni Felicity kay Nicolai "Bakit sasama ka?" tanong niya.

"Sasamahan kita", sagot ni Nicolai.

"Ako na lang, Nicolai. Sumunod ka na lang, okay? Pakidala na lang din ng sasakyan ni Jasper sa parking lot ng condo. Okay lang?", seryosong tanong ni Felicity.

Humakbang paatras si Nicolai atyaka tiningnan si Jasper. Matapos no'n ay ngumiti naman ulit siya kay Felicity.

"Sige. I-text mo na lang ako kung saang ospital at ang room number, huh? Susunod ako doon", bilin ni Nicolai atyaka sinara ang pinto ng sasakyan na yun.

De NovoWhere stories live. Discover now