CHAPTER 7 - LONG TIME NO NEWS

2 0 0
                                    

"Congratulations", nakangiting bati ni Felicity kay Jasper.

Nasa tapat sila ng court room nang magsilabasan ang mga tao. May mga pulis din doon at mga nanood na malamang ay kamag-anak ng nasasakdal.

"Salamat", nakangiting sabi ni Jasper.

"I smell something, huh?" naghihinalang sabi ni Selena "Congrats sayo, Jasper" bati rin niya kay Jasper.

"Salamat, Selena", sagot sa kanya ni Jasper.

"Ikaw, huh? Syala kanina may pa Objection your honor! ka kanina. Dati naman ay pinapatapos mo munang magsalita ang prosecutor pero kanina eh sumingit ka. Inspired ka, boi?", kwento ni Selena kaya naman nagtawanan sina Jasper at Felicity.

"Hindi naman...", medyo nahihiyang sabi ni Jasper atyaka tumingin kay Felicity.

Maya-maya ay biglang napaluhod si Felicity dahil sa pagbangga sa kanya ng tao sa likuran nito. Inalalayan naman siya agad ni Jasper bago nito tiningnan ang taong bumangga sa kanya.

"Long time no news, Felicity", saad ng babae.

Kung titingnan ang suot nito ay malalaman mo agad na prosecutor ito. Matangkad ito at maiksi ang buhok. Mas lalo pang nagpatangkad sa kanya ang high heels nito na kumikinang pa. Maganda rin ito at masasabi mong parang artista.

"Ganyan ka na ba bumati ngayon?" napangisi si Felicity "Danalyn?" dugtong nito.

"Nah... that should be "Prosecutor Danalyn Dyspron" nomalize, Felicity", maarteng sabi nito.

"Tsk. Naging prosecutor ka lang ay yumabang ka na lalo", sabi ni Felicity.

"At least ako may ipagyayabang, eh i-", napahinto si Danalyn sa pagsasalita nang sumingit si Felicity.

"Attorney Felicity Darmstad, Prosecutor. Attorney ako", matapang na sagot ni Felicity.

Makikita namang nanggagalaiti si Danalyn dahil sa sinabi ni Felicity. Tumawa ito ng mahina atyaka lumapit kay Felicity.

"Talaga? I'm sure... kawawa ang kliyente mo dahil wala kang naipapanalo. Sabagay, hindi rin... bakit ka naman matatalo kung wala namang kumukuha sayo bilang abogado diba? Hindi ko naisip agad yun, hahaha", tumatawang sabi ni Danalyn.

"Mali ka. Wala pang natatalong kaso sakin. Maayos ang record ko bukod sa pagiging late ko", sagot muli ni Felicity.

"Oh? Talaga? Hahanga na ba ako? Tandaan mo... ako ang reyna sa Maynila... at ikaw? Sa probinsya lang nababagay ang posisyon mo. Naalala mo ba dati no'ng elementary pa tayo? Hindi ka nananalo sa debate dahil hindi ka magaling at mas magaling ako sayo. No wonder. Kaya nga iniwan ng tatay mo dahil diyan", mahabang sabi ni Danalyn.

Napapalibutan na sila ngayon ng maraming tao. Ang karamihan ay abogado at prosecutor. Hindi naman nila mapigilan dahil kilala nila si Danalyn. Kung si Felicity ang Reyna ng Korte, si Danalyn naman ang Reyna ng Prosecution. Walang ebidensyang nakakalampas sa kanya. Magaling rin itong magsalita sa gitna ng trial kaya naman siguradong nananalo ang prosecution kapag kasama siya. Walang nagtangkang magtaray sa kanya dahil mas mataray pa ito. Minsan ng nabalita na may binuhusan siya ng tubig sa CR. Kamag-anak ng akusado at pinakiusapan siyang wag ng ilabas ang conversation na nakuhang ebidensya ng prosecution. Sinubukan namang magtimpi ni Danalyn pero nang mag-offer ng pera ang babae ay kumuha ito ng isang timbang tubig at binuhos ito sa babae. Hindi na siya kinasuhan dahil sa ginawa niya dahil narin sa inunahan niya ng sampahan ng kaso ang babae.

"Kaya ako iniwan ng tatay ko dahil nilandi siya ng nanay mo" sagot ni Felicity dahilan para mapag-usapan sila ng mga tao "Tanda mo pa? Kakamatay lang ng nanay ko nang magpunta ang nanay mo sa bahay namin. Makikiramay? Tsk. May naikiramay bang diretsong pumapasok sa kwarto ng magulang ko? Umiiwas pa ang tatay ko pero grabe ang kati ng nanay mo, Danalyn. Wala na ngang respeto sa patay ay malandi pa. Kating-kati na ba ang nanay mo?" dugtong nito.

De NovoWhere stories live. Discover now