CHAPTER 5 - RUINING THE CASE

2 0 0
                                    


Naalimpungatan si Felicity nang makarinig ng mga taong nag-uusap sa kung saan. Kinusot nito ang kaniyang mga mata atyaka sinilayan ang paligid. Napabalikwas ito ng bangon nang mapagtantong nasa loob parin sila ng elevator pero hindi katulad ng makatulog sila ay marami ng tao ngayon ang nakasakay roon.

"Aray", daing ni Nicolai nang makatayo si Felicity.

Nakasandal kase ang ulo nito sa balikat ni Felicity kaya naman agad siyang bumagsak sa sahig.

"OMG! Si Prosecutor Nicolai ba yan?", tanong ng isang babae.

"Mga batang ito... sa elevator pa gumawa ng kababalaghan", umiiling na sabi ng isang ale.

"Sanaol nakasama matulog si Prosecutor", naiinggit na sabi ng isang staff na nagtatrabaho rin sa building na yun.

Agad na kinuha ni Felicity ang bag niya atyaka hinila si Nicolai palabas ng elevator. Halos maghabol sila ng hininga ng makarating sila sa parking lot.

"Mauna na ako", paalam ni Felicity.

"Wag!" sigaw ni Nicolai dahilan para mapahinto si Felicity "bata ka pa" inirapan siya ni Felicity at aalis na sana ulit nang harangin siya ni Nicolai "ihahatid na kita" alok nito.

"Wag na. May paa ako at kaya kong magbasa kaya hindi ako maliligaw", sagot ni Felicity at aalis na sana ulit nang harangin na naman siya ni Nicolai.

"Sige, let's have a cup of coffee na lang bago ka umalis", alok ulit ni Nicolai.

"May trabaho ka?" tanong ni Felicity na tinanguan ni Nicolai "Ako rin meron kaya mauuna  na ako" dugtong ni Felicity atyaka umalis sa harap ni Nicolai.

"Sige! Mag-ingat ka na lang! Hahanapin kita! Mag-coffee tayo, huh?! Taba!", sigaw nito dahil wala na rin siyang magawa.

Sa isang banda ay makikita ang isang lalaking nakatulog sa isang lamesa. Gulo-gulo ang buhok nito at gusot-gusot narin ang damit na suot niya.

"J-Jasper?", tawag ng isang babae sa kanya.

Kinusot muna nito ang mata niya atyaka tiningnan ang babae sa harapan niya. Tulad ng inaasahan ay bagong ligo ito tanda na kakapasok niya palang sa trabaho. Maayos din ang damit na suot nito, na hindi na bago sa kanya.

"Ikaw pala, Selena", mahinang sabi ni Jasper atyaka nagstretch ng braso dahil sa pangangalay nito.

"Gosh! Dito ka natulog? Hindi mo ba mabuksan ang condo mo", sunod-sunod na tanong ni Selena.

"Hindi...", pagsisinungaling ni Jasper.

Maya-maya pa ay narinig naman nila ang pagbukas ng pinto ng opisina dahilan para parehong mapatingin si Selena at Jasper doon.

"Oh? Ngayon ka lang, Felicity", tanong ni Selena sa kanya.

"Ahhh.. oo", maikling sagot ni Felicity atyaka ito dumiretso sa pwesto niya.

"Saan ka nagpunta kagabi?", tanong ni Jasper kay Felicity.

Parehong napatingin si Felicity at Selena kay Jasper.

"Ako?", paniniguradong tanong ni Felicity habang nakaturo sa sarili niya.

"Oo, ikaw", sagot ni Jasper habang nakatingin kay Felicity.

"Ahhh... diyan lang", maikling sagot ni Felicity.

Saglit pang tinitigan ni Jasper si Felicity atyaka niya naalala ang nangyari kagabi.

De NovoWhere stories live. Discover now