CHAPTER 9 - SOLIDARITY

1 0 0
                                    

Kasalukuyang naghihintay sa isang restaurant sina Jasper at Felicity sa pagdating ng mga prosecutor na hahawak rin sa kaso ni Britani. Kung hindi man makahanap ng impormasyon si Felicity sa suspek, biktima at kaanak ng biktima ay maaaring makakuha siya sa mga taong may hawak ng ebidensya. Yun ay kung makikipagtulungan ito sa kanila.

"Sino nga pala ang mga nasa prosecution?", tanong ni Felicity kay Jasper.

Nakatutok lang si Jasper sa cellphone nito at naglalaro ng candy crush. Hindi narinig ang sinabi ni Felicity.

"Uyyy" tawag ni Felicity sa kanya "Nakikinig ka ba?" tanong nito pero hindi parin siya pinapansin ni Jasper.

Kinalabit ni Felicity si Jasper pero hindi parin siya tinitingnan nito.

"I'm busy", sagot lang ni Jasper.

Alam ni Felicity na wala siyang mapapala kung kukulitin niya si Jasper kaya naman kinuha na lang din nito ang phone niya atyaka nagsalpak ng earphone sa tenga niya.





Sa kabilang banda ay makikita ang isang babaeng nag-aayos ng suot nito.

Nakasuot ito ng isang fitted pink dress na bumagay lalo sa kulay niya. Nakaayos din ang buhok nito na bumagay sa pearls na hikaw niya. Naglagay siya ng orange lipstick sa labi niya dahilan para mas magmukha siyang barbie. Light make ups lang ang nilagay niya para manatiling natural ang ityura niya.

Maya-maya pa ay narinig nito ang pagbukas ng pinto sa kwarto niya. Hindi niya naman napansin yun dahil alam niyang isang tao lang ang pumapasok sa kwarto niya bukod sa kanya.

"Dana" tawag ng babae sa likod niya "Balitang-balita ang pakikipagsagutan mo sa isang Attorney sa pinagtatrabahuhan mo, ah" dugtong nito.

Lumingon si Danalyn sa babaeng nasa likod niya.

"Mom... kailan ba ako nawala sa chismis?", sarkastiko nitong tanong.

"Anak, hindi magandang laman ka lagi ng chismis. Lalo na sa trabaho mo, baka ikabagsak mo yan", paalala ng nanay nito.

"Tsk. Kahit ano namang gawin ko ay ganon parin ang nangyayari", sagot ni Danalyn atyaka muling humarap sa salamin.

"Sino ba ang Attorney na nakasagutan mo?", tanong ng nanay niya.

Umirap ito bago nag salita.

"You won't believe me, mom" humarap siya sa nanay niya "She's my dear step sister, that b*tch" sagot nito na ikinagulat din ng nanay niya.

"Si Felicity?! Ang iyaking bata na yun? Haha! Abogado na pala siya? Alam niya bang namatay na ang walang pakinabang niyang ama?", tanong ng nanay niya.

Bumuntong-hininga lang si Danalyn bago nito isinukbit sa balikat niya ang bag niya.

"I guess she don't have an idea about her lovely father, mom" sagot nito atyaka humalik sa pisnge ng nanay niya "I'll go first. I'm with Nicolai, don't worry" dugtong nito atyaka nag-umpisang maglakad palabas ng bahay nila.

Nang makalabas ito ay agad na bumungad sa kanya ang sasakyan ni Nicolai. Nasa loob no'n si Nicolai at halatang kanina pa siya hinihintay.

"Hindi mo ako pagbubuksan ng pinto?", tanong ni Danalyn sa kanya.

"If you're a human and not disabled, you have the strength to pull the door. Wag tamad, Danalyn", sagot sa kanya ni Nicolai.

"Tsk. Matagal na tayong magkakilala pero wala sa bokabularyo mo ang salitang "gentleman", Nicolai" inis na sabi ni Danalyn atyaka binuksan ang pinto ng kotse "Bakit di ko mabuksan?" tanong nito atyaka pilit na binubuksan ito.

De NovoWhere stories live. Discover now