CHAPTER 6 - CONNECTION

2 0 0
                                    

Nanatiling nakaupo si Felicity sa loob ng kotse ni Jasper at halos wala na itong balak na bumaba pa. Nasa tapat sila ng simbahan dahil sa kagustuhan din ni Felicity.

"Tara... puntahan muna natin yung pinangyarihan ng krimen", saad ni Felicity na hindi na tinanggihan ni Jasper.

Agad na pinaandar ni Jasper ang kotse nito hanggang sa mapunta sila sa Bonifacio Highway. Ipinark ni Jasper ang kotse nito sa tabi atyaka sila pumunta sa pwesto kung saan natagpuan ang bangkay ni Karen. Wala na ang bakas ng dugo na naroon marahil ay dahil sa ilang buwan narin ang nakalipas. Inilibot ni Felicity ang paningin niya sa buong paligid. Naghahanap ng mga bagay na posibleng makatulong sa kaso.

"Saan nakita yung kahoy na ipinukpok kay Karen?", tanong ni Felicity kay Nicolai.

"Doon", sagot ni Jasper atyaka itinuro ang damuhan ilang metro ang layo sa pinangyarihan ng krimen.

Tumango-tango lang si Felicity atyaka tumingin sa mga poste sa kalsada. Doon niya nakita ang isang CCTV. Lumapit siya roon at kumaway. Napasin niya na may pulang ilaw doon tanda na gumagana ito.

"I-check natin ang CCTV", sabi nito kay Jasper atyaka naunang pumasok sa kotse.
Sumunod naman si Jasper sa kanya atyaka sila pumunta sa security para tingnan ang footage doon.

"May kopya ho ba kayo no'ng nangyari noong January 3? Mga bandang 9:00 - 10:00 po ng gabi", tanong ni Felicity sa nagmomonitor ng CCTV sa buong Bonifacio Highway.

May kinuha na flashdrive ang tagabantay atyaka sinalpak iyon sa PC. Hinanap no'n ang video na nakuha noong araw na iyon atyaka pinlay. Finast-forward niya iyon hanggang sa may makita si Felicity.

"Ayan po! Paki-stop", utos ni Felicity kaya naman hininto iyon doon ng taga-monitor.

Makikita sa CCTV si Karen. Naglalakad ito habang nakatutok sa phone niya nang may biglang humampas sa likod ng ulo nito. Napaluhod ito sa sahig atyaka lumingon sa taong humampas sa likod niya. Mapapansing pareho ang yuniporme nilang dalawa dahil sa paldang suot nito. Hindi nga lang makita kung sino yun dahil sa naka-hoodie ang batang yun. Nasa kanang kamay nito ang kahoy na ginamit niya habang lumalapit kay Karen. Paatras namang gumagapang si Karen. Makikitang nagmamakaawa pa si Karen pero hindi siya pinakinggan ng batang yun. Natakpan niya si Karen atyaka ito hinampas ng hinampas. Matapos non ay umalis ito habang bitbit ang kahoy na ginamit niya. Makalipas ang ilang minuto ay makikitang dumating si Britani. Lumapit siya sa katawan nito habang pinagmamasdan ito. Wala siyang ginawa kundi ang tumayo lang. Maya-maya ay makikita naman ang pagdating nina Caryl at Ericka. Lumapit sila kay Britani atyaka siya dinuro-duro. Natapos ang video na yun nang hindi kami nagsasalita.

"Gusto niyo bang humingi ng kopya?" tanong ng taga-monitor habang nakatingin sa kanila "Abogado kayo, diba? Ilang buwan kong tinago ang kopya na yan. Ang akala ng mga pulis ay sira ang CCTV na yun. Hindi nila alam na nasa akin ang kopya no'n" dugtong nito.

"Bakit niyo po tinago? Wala po bang nag-imbestiga?", tanong ni Felicity.

"Kilala ko ang abogado ng napagbintangang pumatay noon. Wala akong tiwala sa kanya dahil minsan niya na ring hinawakan ang kaso ng pamilya ko. May ebidensya din kami noon pero ipinagsawalang bahala lang niya. Ang sabi niya ay makakatulong daw yun sa kaso pero ibinasura rin ng korte. Hindi niya man lang dinipensahan yun kaya naman hind nabigyan ng hustisya ang pamilya ko. Namatay sila at hindi man lang binigyan ng patas at maayos na sistema. Pulis kase ang bumaril sa kanila... at kahit na may ebidensya ay madali lang na matatapon nila" ngumiti ito kay Felicity "Kaya sana ay mabigyan niyo ng hustisya ang batang yun. Gamitin niyo ng tama ang ebidensya para mapawalang sala ang inosente at makulong ang tunay na may kasalanan"

De NovoWhere stories live. Discover now