CHAPTER 1 - DE NOVO

4 0 0
                                    

"Matatandaang noong makalipas ang ilang buwan, nang mabalitaan natin ang pagkasawi ng isang aktres na nagngangalang Karen Bismuth. Ang suspek at kinilalang pumatay dito ay ang anak ng may-ari ng kilalang T.V. Station sa bansa, ang Tungstem Network. Sa trial ng kasong ito sa korte ay nalamang guilty ang suspek at napagpasyahang makulong ito sa bilangguan habang buhay. Ngunit, subalit, datapuwa't, nitong nakaraang araw ay pinag-usapan ang kasong ito sa korte dahil sa nais ng mga Tungstem na ilabas ang katotohanan at mapalaya ang anak nila. Ito ang maiksing clip na ibinahagi sa media ng korte"

Habang nakasakay sa isang bus ay makikita ang isang babaeng tutok na tutok sa screen ng telebisyon na iyon. Base sa ityura nito at pagkakasuot ng damit ay mapagkakamalan itong nagtatrabaho sa isang opisina. Nakasuot ito ng black shoes na mayroong kaunting katangkarang heels. Nakasabit naman sa kanang balikat nito ang shoulder bag niya.

"Tsk" ngumisi ito "kung hindi ka lang magaling magbalita ay baka napatalsik ka na dahil sa pagpapahaba mo sa balita, hilig mo na talaga yan" dugtong nito atyaka muling ibinaling ang mata sa telebisyon.

"The errors committed by the last hearing are numerous. The most appropriate course of action is to restart the proceedings from the very beginning. I am ordering a de novo trial in this matter"

Makikita roon ang matandang lalaki habang nakatingin sa camera nito. Base sa ityura nito ay nasa edad na ito ng singkwenta o higit pa.

"Yan ang pahayag ni Judge Francisco Thalimos na siyang hahawak sa kasong ito at tatayo bilang judge habang isinasagawa ang paglilitis. Wala pang nailalabas na pahayag ang korte kung sino ang tatayo na defendant ng suspek at ang mga prosecutor na hahawak ng mga ebidensyang mahahanap. Ako po si Athena Califord. Nakatutok."

Pagkatapos na pagkatapos ng report na iyon ay ang biglaang paghinto naman ng bus na sinasakyan ng babaeng yun na nagngangalang Felicity.

"Sino ang bababa!?", sigaw ng driver habang nakatingin sa traffic enforcer na nilagpasan ng bus niya.

Agad namang tumayo si Felicity at iniabot ang bayad nito sa driver.

"Naku, kuya. No Loading and Unloading dito lagot ka sa traffic enforcer", biro nito sa driver atyaka nagmadaling bumaba.

Nang makalingon siya sa bus na sinakyan ay nakita nito ang mabilis na pagharurot nito at ang pagbuga nito ng makapal at itim na usok.

"Mga sakit talaga sa ulo ang mga tsuper na yan! May karatula na ngang nakalagay ay hindi pa sumusunod!", galit na sabi ng traffic enforcer na ipinagsawalang bahala lang ni Felicity atyaka nagpatuloy sa paglalakad patungo sa trabaho nito.

Nang mapatapat na ito sa opening door ng building ay kinuha nito ang I.D. na nasa bag niya atyaka isinuot sa leeg niya bago mapagpasyahang i-swipe yun sa laser na nasa harap niya. May nakalagay na bar code sa likod ng I.D. nito na naglalaman ng impormasyon tungkol sa taong nagmamay-ari ng I.D. na yun.
Nang mabasa na iyon ng laser ay ang pagbukas naman ng pinto. Pumasok na si Felicity atyaka dumiretso sa opisina nila.

"5 minutes late Attorney Darmstad", rinig niyang sabi ng isa sa mga katrabaho niya bago makapasok sa opisina nila.

"Sorry na po, boss. Traffic lang hehe", sagot naman ni Felicity atyaka naupo sa upuan niya.
Hindi pa man niya nailalapag ang bag niya nang may humarang na papel sa mukha niya.

"Ano 'to?", tanong niya.

"Letter yan. Ipapadala ka sa Manila. Doon ka na magtatrabaho. Hindi ka na pwedeng tumanggi dahil may nakaabang na rin na kaso sayo roon", sagot ng ka-trabaho nito.

"T-Teka? Biglaan naman ata. Ilang linggo pa lang ako dito ah!", reklamo ni Felicity.

"Yun na nga eh. Ilang linggo ka palang dito pero lagi ka ng late. Yan din siguro ang dahilan sa dati mong trabaho kaya palipat-lipat ka", saad naman ng ka-trabaho niya.

De NovoWhere stories live. Discover now