EPILOGUE

2 0 0
                                    

JASPER

Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi ko man lang namalayang natapos ng maayos ang kasong hinawakan ni Felicity. Hanggang ngayon ay puno parin ako ng katanungan tungkol sa mga bagay na nangyari noong araw na yun.

Hindi ko alam na may mga video siyang nakuha. Ang akala ko nga ay matatalo kami pero hindi.

Si Caryl at Ericka ay under ng Juvenile Criminal Law dahil menor de edad pa lang sila. Pinadala sila sa isang young offenders' institution nang maisaayos ang mga papel nila. Si Britani naman ay nakauwi narin nang mapatunayang inosente ito. Samantala ang gobernador ay nahaharap ngayon sa maraming kaso at ang kapatid niyang tumayong Judge noong araw na yun ay napatalsik sa pwesto at tinanggalan ng lisensya.
Wala na akong balita kina Danalyn at Nicolai matapos ang trial dahil agad silang nawala.

"Alis na ako", paalam niya.

Kinuha ko ang mga bagaheng dala niya at inihatid siya sa airport.

"Sigurado bang aalis ka na?", malambing na tanong ko sa kanya.

Ipinakita niya sakin ang mga ngiti niya atyaka niya ako niyakap ng mahigpit.

Mami-miss ko ang babaeng ito.

"Kailangan kong bumalik sa probinsya para hanapin ang kapatid ko. Ang sabi ni Danalyn ay nagkaroon daw ng anak si tatay sa ibang babae bago ito mamatay. Gusto ko siyang makita. Kahit na galit ako sa tatay ko ay natutuwa naman akong malamang may kapatid ako, Jasper", puno ng pag-asang sagot niya.

Iniharap ko siya sakin atyaka dinampian ng halik ang noo niya.

"Promise me you'll come back", saad ko.

"I promise", sagot niya atyaka siya nagsimulang maglakad papalayo sakin.











-END-

De NovoWhere stories live. Discover now