CL 32 - Revenge of Hell Mistress!!!

883 9 0
                                    

CASS's POV

Naghanda na ako na ako ng gagamitin para sa paghihiganti ko. Ang kapal din naman ng mga apog ng mga yun para kalabanin ako?!!

At nandamay pa sila? Patayan ang gusto nila?!! Pwes magkakamatayan talaga kami!

Inihahanda ko na ang mga weapons na dadalhin ko, habang kinukuha ko ang chain saw, shuriken at swiss knife sa secret drawer ko, nakita ko ang larawan namin ni Syruss nung grade 6 kami.

Napa ubob na lang ako ng wala sa oras at napaiyak.

Ang tang* mo naman kasi Sy... *sniff* bakit mo ba sinalo yung bala!!! -sabi ko sa larawan nya nababaliw na ako. =__________________=

Cassandra? -narinig kong tawag ng isang tao mula sa likuran, at ano namang ginagawa nya dito? Pinunasan ko ang luha ko at lumingon sa kanya.

Did I give you any permission to enter my house? -malamig kong tanong ko sa kanya.

Talaga bang sigurado ka nang gagantihan mo sila? -tanong nya, napahalakhak ako ng mapakla.

Bakit ba ang pakialamero mo? -nasabi ko na lang, still nakatingin pa rin sa kanya.

Nag aalala lang ako, bakit ba wala kang pakialam sa taong nakapaligid sayo?! -tanong pa nya ng medyo mataas ang boses.

Oh c'mon Xander, how come that a playboy like you care about me. -sabi ko sa kanya.

Hindi sya nakasagot nang ilang sandali.

See... oh baka naman gusto mo rin akong maging queen, para ano? For fame? -sabi ko pa ng nangungutya sa kanya.

Nakatingin lang sya saken, as well as me.

Pwede ba umalis ka na kung wala ka ring sasabihin pang iba. -sabi ko at bumalik sa pag aayos ng mga weapons na gagamitin ko.

Pero parang hindi pa rin sya naiingli, tang* ba sya? Para na syang tuod sa kasusunod saken. Nakakainis sya. 

Hindi ka pa rin ba aalis dyan? Alam mo nakakaabala ka na. -sabi ko pa.

Bakit ba ganyan ka Cassandra!!! Wala ka ba talagang pakialam sa mga taong nagmamalasakit sayo?! -sagot nya.

Sorry, I don't give a damn for them. -sabi ko pa, narinig ko syang nagbuntong hininga, pagkatapos narinig ko syang humalakhak.

*smirk* Akala ko hindi ka tulad ng sinasabi nila, pero totoo nga pala ang sinasasabi nila. No emotions, *smirk* they're right... paano nga naman ba magkaka emosyon ang tulad mo? Wala kang pinakikinggan, kaya siguro ayaw sayo ng mga magulang mo. Kaya ka siguro nila itinakwil. -sa sinabi nyang yun dali dali akong tumayo at sinapak sya.

Pero sa halip na tingnan nya ako ng masama tumawa pa sya.

Masakit bang malaman ang katotohanan? Siguro kaya ka rin iniwan ni Syruss kasi hindi ka nya matagalan. -sabi pa nya, tiningnan ko sya ng masama at ngumisi pa sya lalo.

Hindi na ko magtataka isang araw kung mag isa ka na lang, hindi ka ba napapagod mag isa Cassandra? tanong nya pa.

Hindi ba ako napapagod mag isa?

Sa tingin mo ba may mangyayari kung maghihiganti ka? -tanong pa nya.

Nakatingin pa rin ako sa kanya, bakit ba tumatagos saken ang mga salitang sinasabi nya?

Umalis ka na! -sigaw ko sa kanya.

Bakit? Tinatamaan ka? *smirk* -sabi pa nya.

Umalis ka na! -ang sabi ko pa sa kanya.

Bahala ka. -sabi nya at walang lingon lingong umalis, nang marinig ko ang pag sarado nang pinto napalugmok na lang ako sa sahig.

May mangyayari nga ba kung maghihiganti ako?

Hindi ba ako napapagod mag isa?

Kaya nga siguro ako itinakwil nila mama at papa kasi ayaw nila saken.

Kaya siguro iniwan na ako ni lolo kasi matigas ang ulo ko.

Tapos ngayon iiwan naman ako ni Syruss? Pero... kung hindi ko gagawin ang paghihiganti ko, mas lalong dadami ang madadamay.

Baka sa susunod, si kuya na ang isunod nila, baka  mag isa na lang ako.

Paano na ako? *sniff*

Tumayo ako at pinunasan ang luha ko at inayos ang mga weapon, kinuha ko ang Ducati ko sa underground at saktong labas na sa highway yun.

Nang makita ko si Xander...

Matigas talaga ang ulo mo. -sabi pa nya, tiningnan ko lang sya.

Sasama ako sayo. -sabi pa nya, tang*na matapos nyang sabihin yung mga salitang yun, tapos sasama din sya f*cking sh*t!

***

Nandito na kami sa hide-out ni Death Master at Grim Reaper. At ang ganda din naman ng salubong nya samen.

Ilang mga gangster lang naman na may hawak na baseball bats at yung iba naman swiss knife.

Ang dami naman nila, expected na talaga nila na dadating tayo. -sabi pa ni Xander.

Pwede ka ng umalis kung gusto mo. -sabi ko sa kanya.

Haha!!! It's more fun here. -sabi pa nya at umuna ng sumugod sa mga kalaban.

Kinuha ko ang isang swiss knife at ibinigay ko kay Xander.

Just in case. -sabi ko pa sa kanya, tinanguan lang nya ako, parang tang* lang.

Sinipa ko sa tyan ang isang gangster na lumapit saken, sinuntok ko naman yung isa pang lalakeng lumapit saken na may hawak na baseball bat.

Aba't balak pa akong paluin sa ulo, pssh!

Kinuha ko ang isa ko pang swiss knife at dinaplisan ko ang tagiliran nung isa pang gangster na may hawak ng swiss knife.

Nagkatalikuran kami ni Xander, habang napapaligiran ng maraming gangster.

Huwag kang papatay, hanggat maaari. -sabi ko kay Xander.

*smirk* I'm not a murderer. -sabi pa nya psh.

Ready? -tanong ko sa kanya.

Ready. -sabi pa nya at sinugod na ang mga kalaban.

Makalipas ang ilang oras, naubos din sila. Tang*na, pinagpawisan ako dun ah.

Oh. -sabay abot ni Xander ng panyo.

Clap! Clap! Clap! Narinig kong palakpak ni Death Master at Grim Reaper.

Ang sweet naman... hahaha!!! -sabi ni Death Master.

Tiningnan ko sila ng matalim, at ngisi lang ang itinapat saken nila Grim Reaper.

Tapusin na natin to!!! -sabi ko.

***

UPDATE Sorry kung maikli!!!

Enjoy!!!

Hell Mistress?![ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon