CL 43 - 2nd Set?!

652 13 11
                                    

CASS's POV

Napataas na lang ako ng kilay, ano bang problema ng lalakeng yun.

*smirk* Pakialam ko naman sa kanya ano.

"Ah, Cassandra, bago ko nga pala makalimutan pinapatawag ka nga pala ng kuya mo." napataas na lang ulit ako ng kilay.

Kinuwelyuhan ko si Dylan at tiningnan ko sya ng masama.

"Umamin ka nga saken! Bakit ka ba FC kay kuya?! Tang*na naman, sa kanya mo ba nakuha yang lintek na picture na yan?!" sabi ko sa kanya.

"Cassandra naman, eh wala kasi akong mahanap na picture mo sa facebook." pag dadahilan pa ng hinayupak.

"Tang*na naman Dylan, di ka pa nakahalata?! Kita mong wala nga sa facebook ko, nilagay mo pa sa banner?!" binitawan ko sya at napahawak na lang ako sa noo ko.

Talaga bang slow tong si Dylan, o sadyang ta-tang* tang* lang?!

Prrrrttt!!!

Isinauli ko na sa kanya yung tuwalya at coke nya, arrrhhhhggg!!!

Samen yung bola at dun ulit ako sa may net, nakita kong nakipag palit si Ms.Varsity ng pwesto at pumunta din sya sa net.

"This time, we'll gonna win! *smirk*" sabi pa nya.

"If you say so..." sabi ko sa kanya sabay ngisi.

Nag serve na yung server at nakuha naman agad nung kakampi ni Ms.Varsity.

Ipinasa nya ang bola kay Ms. Varsity at ii-spike nya sana kaya lang bigla rin akong tumalon nang mas mataas sa kanya at hinarang ko yung bola, ng hindi lumalapat sa net.

Napangisi nalang ako, walang nakasambot ng bola sa kabilang kampo, at natumba pa si Ms. Varsity.

Prrrrrttt!!!

"Time out!" sabi sa kampo nila Ms. Varsity, nagpunta na lang ako sa may bench namin.

Nakita ko si Princess na kumakaway at nakita kong kasama nya si kuya.

Nginitian ko si Princess at sinamaan ko ng tingin si kuya, napatingin naman ako sa dako nila Dylan at nakita kong wala na si Xander at si Zayn at Dwayne na lang ang nandun.

Naupo ako sa bench at nakita ko si sport chairman.

"Ah... Cassandra? Ang galing mo palang mag volleyball..." sabi pa nya, arrggghhh!!! Parang kanina lang ayaw nya kong palaruin ah. -______-

"I don't want you're compliment, as*hole!" sabi ko sa kanya at nag de-kwatro pa.

Prrrttt!!!

Nagsimula na ulit ang laro at ang sama lang nang tingin saken ni Ms. Varsity.

End of Cassandra's POV...

XANDER's POV

Putang*na!!! Sino ba yung hay*p na umaaligid lagi kay Cassandra?!

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Naiinis ako na parang kumukulo ang dugo ko.

Naramdaman ko na 'to dati eh, nung nakita ko sila ni Dwayne dati.

Putek! Ayoko ng ganitong pakiramdam.

Bumili na lang ako ng royal, nandito ako sa canteen nagse-senti modes. Tang*na! Parang bakla lang. -_____-

Habang umiinom ako ng royal, nakita ko si Princess, kumaway sya saken at lumapit saken.

"Uy, Xander... bakit di ka nanonood ng laro ni Cassey?" tanong nya saken.

"Kanina nandun ako." sagot ko na lang at uminom ulit ng royal.

"Ah geh, alis na ko... babye!!!" sabi nya at umalis dala dala yung popcorn na binili nya.

Napaupo na lang ako dun sa malapit na upuan...

"Ahhhrrrggg!" at ginulo gulo ko pa ang buhok ko.

Napatingin na lang ako sa di kalayuan at nakita ko ang kuya ni Cassandra na may kausap sa phone...

Hindi naman sa gusto kong makipag tsismis... pero...

"Ma, hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol sa engagement nya..."

"Opo, after ng laro ni Cassandra, sasabihin ko sa kanya."

"Ok, bye."

Napalaki na lang ang mata, anong sinasabi nyang engagement?!

May fiancè na si Cassandra?!!!

***End of Xander's POV...

Ayan ang UD, ewan ko kung may 1 page yan... haha!!! Anyway, thank you po pala sa lahat ng nag a-ADD, nag pa-FOLLOW, nag ko-COMMENT, at nag vo-VOTE!!! Thank you so much!!! ENJOY!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hell Mistress?![ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon