CL 36 - ???

786 11 0
                                    

CASS’s POV

Isang linggo na rin nang mailibing si Syruss... at isang lingo din akong hindi lumabas ng bahay ko.

Ding! Dong! Napalingon na lang ako ng marinig ko yun, pero hinayaan ko na lang. Baka kasi si Zayn, Xander o si Dwayne lang yun.

Oh baka si Princess, ayoko muna ng kausap ngayon. Umubob na lang ako sa sulok, hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko, kung hindi dahil saken hindi mamamatay si Syruss, kung hindi nya sinalo ang balang para sana saken... buhay pa sya ngayon.

Napa hagulhol na lang ako. Maya maya pa ay naramdaman kong may tao na sa harapan ko, hinawakan nya ko sa balikat, pero tinabig ko lang yun.

Ano bang kailangan nyo? –malamig kong tanong, pero hindi parin ako tumutunghay sa pagkaka ubob ko.

Anak... –bigla akong natigilan nung marinig ko yun, at ano namang ginagawa nila dito? Pasimple kong pinunasan ang luha ko at tiningnan ko siya... sila.

Anong ginagawa nyo dito? –malamig kong tanong ulit sa kanila.

Akmang hahawakan na naman ako ni Mrs. Fontez pero tinabig ko lang yun.

Hindi ko kailangan ng awa nyo. –sabi ko na lang at nag iwas ng tingin.

Hinawakan nya ang kamay ko, ng mahigpit na mahigpit, pagkatapos inilapit nya ako sa kanya para… yakapin?

Anak!!! *sniff* patawarin mo kami… *sniff* patawarin mo kami sa lahat ng ginawa namin sayo… patawarin mo kami sa pag abandona sayo. –sabi nya saken habang umiiyak, napangisi na lang ako at itinulak ko sya ng mahina.

Bigla na lang akong napatawa ng malakas, umiling iling pa ako...

Haha!!! Nasan ang press? Wow! Best actress at actor talaga kayo eh no? Wala naman talaga kayong pakialam saken eh! Ni hindi nyo nga ako kinikilalang anak eh! –naisigaw ko na lang at napatayo na, nakakuyom na lang ang kamao at nagtitimpi.

Palagi na lang ganito! Ano na namang palabas to?!

Tumayo naman si Mr. And Mrs. Fontez…

Anak… maniwala ka sana samen, at kung pu-pwede sumama ka na samen… sa bahay… -sabi naman ni Mr. Fontez.

Pardon? Parang nabingi yata ako? Ako? *sabay turo ko sa sarili ko* Pinapabalik nyo sa bahay?! –sabi ko at tumawa na lang ako na parang wala nang bukas.

Anak... nag aalala lang kami sayo. Makinig ka naman. –sabi ni Mrs. Fontez at hinawakan pa ako sa magkabilang balikat.

Tiningnan ko lang sya…

*smirk* Nag aalala? Parang hindi ko yata mahanap sa vocabulary ko yun ah? Kayo? Mag aalala saken?! Eh buong buhay ko nga tinakwil nyo na ako! Para ngang pinagsisisihan nyong pinanganak ako eh! –naisigaw ko na lang, at the same time lumuluha, pinunasan ko na lang yun at tiningnan ko sila ng masama.

Niyakap na naman ako ni Mrs. Fontez…

Anak… patawarin mo kami… sana naman naiintindihan mo, ginawa namin yun para sayo, kasi mahal ka namin. Kukunin ka nila pag nalaman nilang may pangalawang anak kami at babae pa... kaya hindi ka namin ipinakilala sa mga tao. Naiintindihan mo ba? *sniff* -sabi pa nya, what is she talking about?! Sh*t!

Get off of me! –ma awtoridad kong sabi…

Anak… -narinig ko pang sabi nya.

It’s not true! Hindi na ako magpapaloko pa sa inyo! –sabi ko, pero ramdam ko ang mga luha ko sa pisngi.

Cass... –narinig kong sabi ni... kuya.

Napatingin na lang ako sa kanya, si Mrs. Fontez naman nasa tabi ko lang, at umiiyak pa rin.

Hell Mistress?![ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon