CL 10 - Mystery?!!

1.2K 15 13
                                    

XANDER’s POV

Nandito ako at nakikitulog sa bahay ni Miss 4-D at nakakainis ang mahal pa magpabayad dinaig pa yata ang hotel,  5000Php din yun.

12AM at nagising ako, may narinig kasi akong parang sumisigaw sa may salas, pumunta ako dun at nakita kong may TV na bukas, nakita ko si Ms. 4-D na nanonood ng horror.

Hindi ba sya natatakot? Ka-babae nyang tao tapos yun pa yung pinapanood nya. Tumayo sya at akmang lalabas.

San ka pupunta? -tanong ko sakanya, napalingon sya saken.

Bibili sa kanto. -sabi nya, sya nga siguro yung babaeng nakita ko dis oras ng hating gabi bumibili pa sya sa labas, what a unique girl.

Pasama. -sabi ko na lang at sumunod ako sa kanya, pumunta na kami sa labas, walang imik imik.

Bakit ba ang tahimik ng babaeng to? Tiningnan ko lang sya, simple lang naman sya, pero bakit ba may kung ano sa kanya na pinag i-interesan ko.

Wag mo kong tingnan. Tusukin ko yang mata mo eh. -rinig kong sabi nya, nakakatakot tong babaeng to, ang swerte nga nya at katulad kong gwapo ang kasama nya.

Tss. -nasabi ko na lang, nagpunta kami dun sa tindahan na binilhan ko dati ng royal.

Manang, coke nga po. -sabi nya, marunong din naman palang gumalang to eh. Binigyan sya nung manang ng coke pero hindi malamig.

Bakit hindi malamig? -tanong ko sa kanya.

Wapakels. -sabi nya, talaga nag iinit ang dugo ko dito, tinatanong ng maayos sasagutin ka ng pabalang.

Ah, manang royal nga po. -sabi ko na lang, si Ms. 4-D naman, akmang aalis na, pero hindi parin dumadating yung binili ko.

Oy, intayin mo ko. -sabi ko sa kanya, lumakad sya ng patalikod pabalik saken pagkatapos lumingon, umiinom sya ng coke.

Uminom lang sya pagkatapos maibigay yung binili ko,naglakad na kami pabalik sa bahay, walang imikan, mapapanis laway namin nito eh.

Sa lahat ng babaeng kilala ko sya palang ang naging ganito saken, kadalasan kasi yung babae pa ang nag a-attempt kumausap saken, pero sya kakaiba talaga eh.

May kung ano sa kanya na hindi mo mahahanap sa pangkaraniwang babae, nang malapit na kami sa bahay may humarang saming mga lalake at pinalibutan kami.

Mga kalabang gang namin to ah, ahhrrrg... yung mga naiinggit sa rank namin.

Wow!! Chicks. Oh, Xander? Nag iisa ka lang anong laban mo samen? -tanong saken nung lalake, medyo mag uumaga na at kita ko na sila.

Tiyak kong galing sila sa Wolf Gang, ahrrgg...

Anong kailangan nyo? Lumayas kayo sa harap ng bahay ko kung magbubug bugan kayo. -malamig na sabi ni Ms. 4-D sa buong buhay ko ngayon lang ako natakot sa isang babae, maliban sa ate ko.

Matapang pare oh? -sabi nung isa pa, at akmang lalapit pa kay Ms. 4-D, susugod na sana ako pero biglang sumugod si Ms. 4-D sa kanila, sa tantya ko nasa 50+ sila, ambush na yata to.

Wala pang 5 minutes natapos na nya yung mga kalaban nya, napanganga ako sa ginawa nya.

Sa susunod pag dito pa kayo sa labas ng bahay ko, hindi lang yun ang mararanasan nyo. -sabi pa nya, napalunok tuloy ako.

Pa..paanong?... -hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita agad sya.

Wag mo nang itanong, hindi ko rin alam kung paano ko nagawa yun. -sabi nya, pagkasabi nya noon napayuko sya.

Hell Mistress?![ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon