CL 5 - Bad MOOD!!!

1.7K 21 5
                                    

CASS’s POV

 

Nandito ako sa room, first period at wala pang klase, sa totoo lang inaantok pa ko at the same time nagugutom. Paano ba naman kasi naubusan ako ng stock ng noodles sa bahay. Eh hindi nga ko marunong magluto.

Tapos na-late pa ko ng gising at buti na lang nakahabol pa ko. Tsk. Hindi pa rin dumadating ang teacher... F*ck! Kung alam ko lang na late yun, eh di sana kumain muna ako. Kruuu.Kruuu.

 

Pesteng tiyan to, hindi pa nakatiis. Napalingon si Vander saken, at ngumiti ng nakakaloko. Si Princess naman kinakalikot yung cellphone nya.

Anong tinitingin tingin mo dyan? –singhal ko kay Vander, at sh*t!!! Ang walanghiya nag smirk pa.

Ikain mo na yan wala pa naman ang teacher. *smirk* -sabi pa nya, naku naku... kung di lang nya iniiligtas ang buhay ko, nasapak ko na to. Na kung tutuusin... aishh... Nevermind.

Bakit? Sasamahan mo ko? –tanong ko, sinusubukan ko lang naman sya eh, para kung sakaling ma-late ako, pati sya damay. Haha!!!

Tara. Gutom na din ako eh. –sabi pa nya, pumayag agad sya, lumingon ako kay Princess na ngayon ay nagte-text naman.

Princess? Kain muna ko sa canteen? –sabi ko sa kanya. Tumango lang sya at tumingin ulit sa cellphone. Ano bang pinagkaka abalahan nun? Kahapon nga nung nag simula ang klase namin, marami ang nagandahan sa kanya. Mukha nga daw syang Barbie doll marami pating mga lalake na humingi ng number nya.

Lumabas na kami ni Vander sa room, at yung mga classmate kong matatabil ang dila nagbubulungan na naman, hindi naman nila maiparinig saken kasi alam na nila ang mangyayare sa kanila.

Papunta na kami sa canteen nang makasalubong namin si Xander. Himala yata? Bakit kaya late ang lalakeng yun, sa pagkakaalam ko bihirang ma late yung Xander na yun.

Tumingin sya saken, siguradong hanggang ngayon inis pa rin sya saken. Napa smirk na lang ako ng hindi oras. Maya maya napatingin sya kay Vander, nagtitigan lang sila, naka pamulsa lang si Vander at si Xander naman ay may naka sakbat na bag sa kanyang balikat.

Mukha yatang mag uusap pa sila, umuna na ko nang paglalakad, hindi ko ugaling magpaalam sa mga taong hindi ko ka-close. Ewan ko ba kung bakit kay Princess ang gaan gaan ng loob ko sa kanya.

Naramdaman kong sumunod na din si Vander sa ken, binilisan nya ang lakad at ngayon ay magkasabay na kami.

Kala ko mag-uusap pa kayo eh. Kaya umuna na ako. –sabi ko sa kanya ng hindi nakatingin. Narinig kosyang nag chuckle kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang sya sa malayo at naka pamulsa.

Bukas ang polo nya, na hindi normal para sa mga studyante, naka loose tight pa ang t-shirt parang si Xander lang, yun nga lang first section.

Nakarating na kami sa canteen, wala pang masyadong tao. Pumunta na kami sa counter para sana um-order ng kakainin. Noong nasa counter na kami...

Hell Mistress?![ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon