CL 26 - Like A Song!

1K 13 6
                                    

CASS’s POV

Nagising ako nang may benda na ang braso ko, inikot ko ang paningin ko kung nasan ako, nang makita ko sa may couch si Dwayne.

Sya nga pala ang kasama ko kagabi, napangisi na lang ako ng mapakla, bakit nga ba ako nagpakita ng kahinaan sa kanya?

Sh*t! Damn it! Tumayo ako at naghanap muna nang mapapagkaabalahan dito.

Napansin kong iba na yung damit ko, hindi ako worried dahil alam kong walang ginawa saken si Dwayne, why? Takot na lang nun na mabugbog ko.

Atsaka hindi ako lasing kagabi para makalimutan ko ang nangyari.

Malaki ang lugar, condo siguro ni Dwayne... Nang may makita akong piano, nakakapagtaka namang may piano dito?

Marunong ba syang tumugtog... hindi halata.

Naisipan kong lumapit doon at automatic ang kamay kong pumindot ng mga nota.

It’s been a long time since nung huli akong humawak ng ganito, my lolo taught me how to play piano.

(A/N: Click the video at the right side!!!)

I can't forget you when you're gone

You're like a song that goes around in my head

And how I regret, it's been so long

Oh, what went wrong? Could it be something I said? ♪~

Sh*t! Bakit ko na naman naiisip yung wal*ng hiyang yun? Napangisi ulit ako ng mapakla.

Baliw ka Cassandra! Baliw na nga siguro ako, bakit ko nga ba kinakausap ang sarili ko?

Siguro tuwang tuwa naman yang si Syruss kasi nalaman nyang gangster din ako at nadala ako sa mga plano nya.

Haha! Bakit ba ako ganito ka apektado? I don’t love him ever since.

Nang maramdaman kong may pumatak na tubig sa may keyboard ng piano.

Time, make it go faster or just rewind

To back when I'm wrapped in your arms♪~

Napasinghot ako at itinuloy ang pagtugtog... Well that’s life, kaya nga mas gusto ko pang mapag isa.

First my parents who abandoned me...

Second... si Syruss

Third my lolo who passed away... Napatawa na lang ako ng walang emosyon.

Yun naman talaga ang masakit sa lahat eh... ang maiwan? Tapos yun pang pinagkatiwalaan mo? Yung nangakong di ka iiwan?

Parang tang* lang, mangangako tapos di naman tutuparin.

I understand lolo, I know he’s too old kaya kailangan na nyang umalis...

But? Syruss?! Hell no!

Flashback...

Papunta ako sa bahay nila Syruss, aissh! Kailangan ko ba talagang i-surprise yung lalakeng yun?

Adik lang ni kuya, eh kasi alam nya, nahuli akong may boyfriend. T3T Pinagalitan pa ako.

Pero ayos lang naman daw, so heto ako at dala dala ko yung cake.

Aba kahit mukhang di kayang kainin to ng iba, masasabi kong ako ang gumawa nito at nag iisa lang ito.

So heto na ako sa labas ng bahay nila, nag doorbell ako at may lumabas namang maid.

Si Syruss? -tanong ko ng walang gana sa maid nila, bakit pa ko magiging mabait dun eh hindi ko naman kilala. =____=

Hell Mistress?![ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon