CL 35 - His Death...

831 12 3
                                    

CASS’s POV

Bakit ba? –malamig kong tanong sa kanya. Grr... sa lahat ng ayaw ko yung mga PDA.

Intayin mo naman ako... ano.. uhm... teka? Nagseselos ka ba? (*▽*)/ –bigla nyang tanong, pinang samaan ko lang sya ng tingin.

Ang kapal mo din naman. Tss. –sabi ko na lang sa kanya, basta naiinis ako sa mga PDA (っ-●益●)っ ,︵‿Period!!!

Nakita ko na lang syang ngumisi. -_______- Ano bang nasa isip nang lalakeng to?

Alis na ko, tinamad na ko. –sabi ko sa kanya at akmang maglalakad na paalis, pero pinigilan nya ako.

Bitiwan mo nga ako. –sabi ko sa kanya, pero hindi lumilingon.

Selosa ka pala no? –sabi pa nya pero alam kong nakangisi sya habang sinasabi yun.

Kapal! At bakit naman ako magseselos? Ano ba kita? –tanong ko sa kanya sabay harap at pinag taasan ko sya ng kilay.

Your future boyfriend. ᕙ( ^ₒ^ c)  –sabi nya saken nang nakangiti.

Never gonna happen. -_______- Alis na ako. –sabi ko sa kanya at kumalas sa pagkakahawak nya saken.

Wait! Saan ka ba pupunta? –tanong nya pa.

Sa ospital... bibisitahin ko si Sy... –hindi pa ako nakakatapos mag salita pero sumabat na sya.

Tss... go! –sabi pa nya, pero hindi ko sya nililingon.

Kahit hindi mo sabihin, pupunta talaga ako. –sabi ko sa kanya at naglakad na palayo, kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa, nakalimutan ko palang i-switch on...

Pagkabukas ko... ang daming messages... binuksan ko iyon, majority galing kay kuya.

“Pumunta ka dito sa ospital!”

“May nagtangkang pumatay kay Syruss.”

“Kailangan ka nya!”

“We’re here at the funerals.”

Hindi ko na nakayanang buksan pa ang ibang message, at napasalampak na lang ako sa sahig… wala akong pakialam kung nagtitinginan yung mga tao saken.

This can’t be… hindi pwedeng mamatay sya! Hindi pa sya nagpapaliwanag!

Unti unting nagpatakan ang mga luha ko, tumayo ako at hindi ko alam kung saan ang patutunguhan ko. This can’t be!

Syruss… bat kasi hindi ka lumaban?

Nakalabas ako ng mall at akmang tatawid na sa may kalsada nang may umaarangkadang sasakyang ang muntik nang makasagasa saken… kung hindi lang ako iniiwas ni…

Xander?

Nagpapakamatay ka ba?! –pangangaral nya saken.

Pakialam mo ba?! Wala na sya! Wala na ring saysay ang buhay ko!!! –sigaw ko sa kanya, pero sa halip na sagutin nya ako ay niyakap nya na lang ako.

Iiyak mo lang yan. I’m here. –sabi pa nya saken, hindi ko napigilan at napa hagulhol ako. Bakit kailangan nyang mawala?

Sya lang naman yung nagmahal saken. Sya pangalawang taong nakakaintindi saken! Bakit sya pa yung kailangan mawala?

Kailangan ko sya! Ito na ba yung parusa ko sa pagiging masama ko?

***

Nandito kami ngayon ni Xander sa labas ng funeral, hindi ko kayang makita si Syruss ng sa ganung kalagayan. Nandito yung mga kamag anak nya at parents nya.

Si kuya naman kaaalis lang kanina kasama si ate Monique.

Nakahawak lang ako sa door knob, sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng kaba at takot. Kaba na totoo ngang sya yung nasa loob at takot na wala na talaga sya.

Napapikit na lang ako nang mariin nang iniikot ko ang door knob…

Isang mahabang lamesa na may puting tela ang tumambad sa harapan ko. Dahan dahan akong lumapit at animoy para akong takot na bata dahil hindi ko mahawakan ang puting  telang nakataklob sa kanya.

Dahan dahan ko yung tinanggal at nakita ko ang mukha nya, hindi ko napigilan umiyak at niyakap ko agad sya.

Syruss naman eh! Gumising ka nga dyan! *sniff* Magpapaliwanag ka pa saken!!! –sigaw ko habang nakayakap pa rin sa kanya.

Bakit hindi mo naman ako hinintay! Adik ka rin eh! Paano naman ako?!!! –sigaw ko pa, naramdaman ko na lang na may humila saken palayo sa kanya.

Bitawan nyo nga ako!!! –pagpupumiglas ko.

Tama na yan... –sabi pa ni Zayn, sinamaan ko lang sila ng tingin. Tumayo ako at nagpunas ng luha ko. Lumapit saken si Dylan at hinawakan ako sa balikat.

Pinapabigay nya pala sayo, bago sya… uh… -sabi nya at tumungo, kinuha ko yung sulat... at dumiretso na ako paalis.

***

Nandito ako ngayon sa isang lugar na hindi ko matukoy kung saan. Nakatingin lang ako sa sulat sa harapan ko. Nagdadalawang isip kung babasahin ko ba o hindi.

Di kalaunan ay naisipan kong buksan na rin.

Dear… Sugar ko. ^___^

        Siguro pag nabasa mo to, naghihingalo na ako o wala na talaga ako. I wrote this the night before the party. Alam ko ang plano nila Grim Reaper na pagpatay sayo, kaya kahit anong mangyare sasaluhin ko ang balang yun para sayo, ganyan kita kamahal eh.

Sana mapatawad mo ko sa pag alis ko dati… hindi naman talaga ako umalis ng bansa, nagkataon lang na kailangan kong pamahalaan ang ipinamana ni lolo at ayaw kong mapahamak ka, kaya lumayo ako sayo.

Lagi pa nga kitang sinusundan pag may oras ako to make sure you’re always safe. Ang tang* ko rin naman at hindi ko nalaman agad na ikaw pala si Hell Mistress, I’m sorry sa lahat ng nagawa ko sayo.

Kumampi lang din ako kila Grim Reaper para ma-protektahan ka, mahal na mahal kita at saksi ang Dyos doon. Sana mapatawad mo ako, alam mo… ikaw ang pinaka magandang nangyare sa buhay ko. Alam mo ba noong sinagot mo ako noon? Ang saya saya ko…

Kahit na sinusungitan mo ko lagi, I think it’s cute. You’re the beautiful girl I’ve ever known. Wala akong minahal na iba ikaw lang talaga.

I wish you all the happiness, gusto ko maging Masaya ka kahit wala na ako. Gusto kong i-enjoy mo ang buhay mo, gusto kong makahanap ka ng isang lalakeng magmamahal sayo ng higit pa sa pagmamahal ko, dahil he’s lucky for having you.

Remember nung dinalhan mo ko ng cake? That time I thought I’m the luckiest guy in the whole world. Yung ang pinaka masarap na cake na natikman ko, know why? Dahil galing yun sayo, I appreciate all your efforts.

Hanggang dito na lang, basta lagi mong tatandaan… lagi kitang babantayan kahit saan man ako naroroon. Mahal na mahal na mahal na mahal kita…

                                                                          Always here…

                                                                           Your Sugar…

***

Hope you’ll like it!!! Enjoy!!!

Inuutay ko na syang tapusin… hehe!!! Sorry kung panget…

Eh teka? May nagbabasa pa ba? Comment naman kayo oh… PLEASE (*/”|”\*)

Hell Mistress?![ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon