CL 16 - The Billiard Game!!!

1.1K 14 17
                                    

Kinabukasan...

CASS’s POV

Tinanghali na ko ng gising, 12PM na kami nagising, tanghalian na, nandito ako sa may salas nanonood ng TV.

Lumabas na yung tatlo sa kwarto na mumukat mukat, dumiretso si Xander sa CR, sumunod naman si Zayn pagkatapos si Dwayne.

Umupo sa tabi ko si Xander at nakinood din ng TV...

Wala bang pagkain? -tanong nya, gutom na rin siguro, umupo na rin si Dwayne at Zayn dun sa kabila.

Mukha namang ayos na kayo, tara sa labas may kainan dun. -sabi ko at tumayo na pagkatapos pinatay naman yung TV.

Sumunod na rin sila saken, yung carinderia kasi sa malapit ay may bilyaran sa loob, ang rami tuloy maingay. Umupo na kami dun sa table for 4.

Ano pong order nila? -tanong naman nung boy na lumapit samen.

Anong sa inyo? -tanong ko sa kanila, nagkatinginan sila.

Kaw ng bahala. -sabi naman nila, tss... wala talagang mga dila tong mga to. Tumingin ako dun sa parang papel na binigay nung boy nandun kasi yung mga menu nila.

Ah, ito... 4 na dinuguan, at  4 fried chicken, 8 na rice. -sabi ko naman, gutom kaya ako, masyado kasing mga pang sosyal yung pagkain kila Princess kagabi, di ako masyado nakakain.

For drinks po ma’am? -tanong naman ulit nung boy.

Anong drinks nyo? -tanong ko, talaga namang kung hindi tatanungin hindi sasagot tong mga to.

Coke na lang. -sabay sabay nilang sabi.

Coke na lang, apat... pero yung isa hindi malamig. -sabi ko, inilista naman nung boy at umalis na, may dumating namang mga dayo at magbi-bilyar yata.

Ano?! 1000Php ang pusta.

Sige ba... walang problema.

May maririnig pang hiyawan, aisssh... tanghaling tanghali ang ingay ingay, nagbulungan naman yung tatlo hindi ko naman narinig kasi sobrang hina.

Maya maya dumating na rin yung order namin... hmmmhh... ang bango ng dinuguan. Kinuha ko na yung fork and spoon at nagsimula ng kumain.

Napansin kong ako lang pala yung kumakain, napatingin ako sa kanila...

Bakit hindi pa kayo kumakain? -tanong ko sa kanila.

Ah... oo. -sabi nila at sumubo na, itinuloy ko na ulit yung pagkain ko, nakakalimang subo na ko ng biglang...

Blaaaggghhhss!!! Napatingin  ako, may tumumbang lamesa malapit sa bilyaran, aissh... ang ayoko pa naman sa lahat iniistorbo ako sa pagkain ko.

Ano?! Akin na yung pusta, talo ka!!! -rinig kong sabi nung lalake, magbubugbugan pa yata dito. Aiisshh...

Tumayo ako... nakita kong napatingin saken sila Dwayne, Zayn, at Xander.

San ka pupunta? -tanong ni Dwayne hindi ko na lang sya pinansin at pumunta na dun sa maiingay na lalake sa may bilyaran.

Sh*t!!! Di ba kayo nakakaramdam na may naaabala kayo?! -sigaw ko sa kanila.

Aba boss, may chicks oh. -sabi pa nung isang mukhang manyakis. Ahrrggh...

Napansin kong lumapit sila Xander saken.

Kaya naman pala matapang may kasama. -sabi pa nung isa, ahrgghh... naiinis ako.

Aissh... hindi ko sila kasama, pwede ba? Tumahimik kayo kasi kumakain ako. -sabi ko ng may malamig na boses.

Hell Mistress?![ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon