CL 13 - Glimpse of THE PAST!!!

1.2K 17 4
                                    

Kinabukasan... (Saturday, 7AM)

CASS’s POV

Kakagising ko lang at naisipan kong mag-jogging muna, hindi ko naman ugaling gawin to pero ewan ko ba sa sarili ko, basta gusto ko na lang mag-jogging.

Nagpalit ako ng jogging pants at t-shirt, nagdala na rin ako ng maliit na towel at konting pera kung sakaling mauhaw ako, tinatamad kasi akong magdala ng mineral water.

Nagsimula na kong mag-jog... balak ko sanang ikutin ang buong lugar dito, ewan ko ba sa sarili ko, ang weird ng mga kinikilos ko nitong mga nakaraang araw.

Minsan nga gusto kong manuntok ng tao... aisssh.... normal bang gawain yun? Nababaliw na yata ako.

Sa kalagitnaan ng pagdya-jogging ko... may nakita akong isang lalakeng binubugbog.

Ano lalaban ka pa ha?!!

Wala ka palang binatbat eh!!!

Pustahan ay pustahan, ibigay mo na samin yang cellphone na yan!!!

Sabi pa nung mga nambubugbog dun sa kawawang lalake, hindi ko naman gustong makialam, natutuwa kasi ako sa dugo na nakikita ko.

Weird pa rin saken yung gusto kong makakita ng dugo, pero... I know simula bata palang ako, I like blood na, black and red are my colors.

Ahhhh... magagalit a..ang p..parents ko... -narinig kong sabi nung kawawang lalake.

Eh loko ka pala eh... pupusta ka tapos di mo ibibigay yan!!! -sigaw nung lalakeng may mahabang buhok.

H..hindi k..kayo p..patas lu..lumaban. -sabi nung lalakeng kawawa, ang rame na nga nyang dugo sa mukha eh... ohmy... I’m drooling.

May nakita akong tabla sa tabi ko and then umupo ako dun... wala lang feel ko lang manood.

Anong dinaya?!!! Sabihin mo sadyang talo ka lang talaga!!! -sabi nung isa pang lalake.

Nakapang halumbaba na ko sa kanila, para na nga akong nanonood ng sine eh... mas maganda nga lang ngayon kasi liveshow.

Biglang napalingon saken yung isa nilang kasamahan, Oow!!! Nakita ako.

Boss!!! May ispiya!!! -sabi nung lalake  sa pinaka boss nga yata nila, lake ng katawan eh.

Hulihin sya!!! -sabi nung boss nila, ako? Di na lang ako kumibo... hinila nila ako sa pwesto malapit sa kanila at ang mga loko tinulak ako dun sa lalakeng binugbog nila.

Aisssh... nadumihan tuloy ang jogging pants ko, hindi ba nila alam na mahal ang palaba ngayon? Aba dapat ipa-laundry nila to.

Tumayo ako sa harap nila at tiningnan ko sila nang masama!!! Nyemas na yan, ito pang favorite kong jogging pants.

Kita nyo tong ginawa nyo!!! -sabi ko sabay turo sa jogging pants kong nadumihan ng dahil sa pagtulak nila saken, eh di sana kung di nila ko tinulak... hindi ako mapapaupo sa kalsada... eh di sana... hindi nadumihan ang jogging pants ko.

Aba boss matapang!!! -sigaw nung mukhang bakulaw, ahrrrghh!!! Mamatay na sya.

M...Miss, w..wag k..ka n..ang lumaban pa, b..baka kung m..mapano ka lang. -sabi nung lalakeng kawawa, haiszzt... bading ba sya?

Nag crossed arms ako at tumingin sa mga nang bugbog sa kanya, wala na kong pakialam kung anong mangyare ngayon, basta ang alam ko nadumihan lang naman ang jogging pants ko ng dahil sa kanila.

Pinigilan ko ang sarili ko na wag uminit ang ulo, kasi hindi ko alam kung anong pwedeng kong magawa, last time nung kasama ko si Xander, ewan ko ba... automatic na biglang inatake ko yung 50+ na nakaharang sa tapat ng bahay ko.

Hell Mistress?![ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon