CL 39 - (-_____________-)Tss...

733 9 2
                                    

XANDER’s POV

 

Napatingin na lang ako kay Cassandra, parang syang makakapatay sa hitsura nya, napalunok na lang ako ng malamig.

Yung katulad na lang nung sa kanya. –sabi nya dun sa waitress.

Ah… o-ok ma’am, and for drinks po? –nangangatal na tanong nung waitress.

Coke, yung hindi malamig. –sagot naman nya, alam nyo may napapansin ako dito kay Cassandra, bakit ba hindi sya umiinom ng coke na malamig?

Matanong nga minsan, kaso baka barahin na naman ako. -___________-

Tinanong na rin naman nung waitress yung apat pa naming kasama.

Habang naghihintay kami, nakita ko lang naman na dumaan si Lance. Sh*t!

Oy, Xander? Long time no see… -sabi pa ni Lance, napatingin na lang din sina Casper at Jeremiah.

Kakilala nyo? –tanong ni Princess, napatingin na lang din si Myku.

Ngumisi na lang si Lance, at napatingin sa dako ni Cassandra na parang bored na bored na.

Bored na yung kasama mo Xander ah... –panunuya pa nya. Tss… naghahanap pa yata ng gulo itong si Lance.

Tumingin sa kanya si Cassandra, yung tinging matalim, nakita kong napalunok na lang si Lance.

Ano bang kailangan mo? –tanong ni Cassandra, parang nakaramdam ako ng lamig… at tumaas ang balahibo ko sa batok. *____*

Tang*na!

Napakamot na lang si Lance ng ulo at weird na tumawa…

Geh… may gagawin pa pala ako… hehe… -sabi nya, pambihira! Sa apat na salitang binanggit ni Cassandra nagawa nyang paalisin si Lance?

Jerry, nilalamig ako. ( ‘3’) –sabi naman ni Princess, kaya nilagyan sya ni Jeremiah ng coat nya.

Si Myku naman napayakap na lang sa sarili, tiningnan sya ni Casper at nilagyan sya ng coat.

Napatingin na lang ako kay Cassandra na naka halumbaba...

Tss... tagal ng pagkain. –sabi pa nya, Tang*na! Yun pa ang inalala. -_____________-

***End of Xander’s POV…

 

 

 

LANCE’s POV

 

Napalunok na lang ako nung magsalita yung kasama ni Xander, na kung hindi ako nagkakamali ay madalas kong makitang kasama ni Uno. (A/N: Si Dwayne po yun… ^_____^)

Hell Mistress?![ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon