CL 6 - Hell Mistress???

1.8K 13 1
                                    

XANDER's POV

Tinanghali ako ng gising, at eto ako ngayon nag mamadali papuntang school. Aisssh!!! Malalagyan pa ata ako ng late. For the first time. Lagot ako kay dad nito. At worst hindi pa ko nagbe-breakfast.

Habang nagmamadali ako papasok sa school nakasalubong ko sa may hallway si Ms. 4-D kasama yung leader ng Demon Crushers' at dito pala yun nag aaral, tanda ko pa rin kasi ang mukha nya nung hinubad nya ang helmet nya kagabi kaya natatandaan ko pa sya.

Nagkatinginan kami ng matagal, hinding hindi ako makakapayag na may makakatalo samen, ng biglang umuna naman si Ms. 4-D at umalis na din yung Zayn yata ang pangalan kung hindi ako nagkakamali.

Magka ano-ano ba sila ni Ms. 4-D, tsk, nag-sama pa pala ang dalwang  taong kinaiinisan ko. Dumiretso ako room at pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko. Kruu.kruuu

Walangjo namang tiyan to. Si Casper naman natatawa lang. Hindi ko yata napapansin si Jeremiah, baka nag-cutting na naman. Nag paalam muna ako sa teacher na kakain muna ako, pumayag naman sya.

Alam nya kasing matino ako. WAHAHA!!! Dito lang sa school, dahil patay talaga ako kay dad, siguradong cut lahat ng allowance ko sa buong buwan, o kung hindi man a half year.

Pumunta na ko sa canteen at um-order na ko ng breakfast meal at saktong nakita ko si Ms. 4-D iinisin ko lang, at kasama nya yung Zayn. At mukhang nagtagumpay naman ako sa pang iinis sa kanya.

Maya maya... kinuha nya yung cellphone nya, nag text ata, pagkatapos nilagay nya sa tenga nya. Nag-usap lang sila, kumain na lang muna ako, mabilis naman akong kumain eh. Pagkatapos nyang makipag usap sa ewan ko kung sino...

Why? -tanong nya samen, hindi na kami nakasagot... ang taray ng babaeng to... pagkatapos kinain nya nang dire diretso yung pagkain nya. Babae ba talaga to? Wala pang 5 minutes ubos na nya yung kinakain nya.

May halimaw yata ang bituka nito eh. At pagkatapos nyang kumain, tumayo na lang sya bigla. Walang manners yata tong babaeng to, dinaig pa ako. Sumunod na lang ako sa kanila. Tapos na rin naman akong kumain.

Nang nandun na sila... sa may pinto ng room nila...

Hoy! Miss 4-D hindi ko pa nakakalimutan yung ginawa mo saken. -sigaw ko sa kanya iinisin ko lang naman sana sya. 

WAPAKELS!!! Kung gusto mo ilagay mo pa sa calendar mo eh, para lalong hindi mo malimutan.  -balik nyang sagot saken, talaga namang pinapainit nya ang ulo ko. Tinalikuran nya ako at binuksan ang door knob.

Yung Zayn naman nag smirk lang, pasalamat sya nasa school kami kung hindi nabangasan ko na sya. Napatingin ako sa relo ko at nakita kong late na late na ko. Kaya umalis din ako agad.

Hell Mistress?![ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon