CL 25 - Nandito Ako...

1K 14 10
                                    

CASS’s POV

Suminghot ako at pinunasan ang luha ko, per dahil sa kanan ang naitaas ko... sh*t!!! Kumirot na naman ang sugat ko sa braso. =____=

Cassandra? -napalingon ako kung sino ang nagsalita...

Anong ginagawa mo dito? *smirk* Himala di mo ko tinawag na Nathalie? -sabi ko at tumungo na ulit, naramdaman kong tumabi sya sa may katabing swing.

Di ba sabi ko wag nyo kong sundan? -malamig kong sabi habang nakatungo ako.

Huminga sya ng malalim at naramdaman kong tumayo sya at lumapit saken. Naramdaman ko na yumuko sya at pinahid nya gamit ang thumb nya ang luha sa mukha ko.

Dw..ayne? -nasabi ko na lang, tumingin sya saken at kumuha ng panyo sa bulsa nya.

Tumayo sya at dahan dahan tinatanggal ang jacket ko.

Te..teka... ano bang ginagawa mo?! -naisigaw ko na lang. Hindi lang sya nagsalita at pinagpatuloy lang nya ang ginagawa nya.

Nang maalis nya ang jacket dahan daha nyang itinali sa kanang braso ko ang panyo nya, napatingin na lang ako sa kanya.

Bakit ba kayo ganyan?! Bakit ba kahit anong taboy ko sa inyo... heto pa rin kayo lumalapit! -sabi ko at hihikbi na, pero pilit kong pinipigilan.

Ayan... medyo titigil na sa pagdugo, halika na baka magka infection pa yan. -sabi nya at tumayo sa harap ko.

Teka! Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko! -sigaw ko at tumayo na. Sukat ba namang talikuran ako! Grrr.

Lumingon sya sa akin at isang ngiti lang ang ibinigay nyang sagot at tumalikod na ulit... pagkatapos saka nagsalita.

Kung mahalaga sayo ang isang tao... kahit anong taboy nya sayo, heto ka pa rin... lalapit at lalapit sa kanya. -sabi nya at nakita ko syang tumingala.

Hindi ko napigilang lumuha na... ito ang pangalawang pagkakataon may nagpahalaga saken. Pero natatakot akong maiwan ulit.

Natatakot akong abandonahin... mabuti pang wala akong kasama kesa malaman ko na lang isang araw na iniwan na pala ako ng taong pinagkatiwalaan ko... ng taong pinahalagahan ko...

Naramdaman ko na lang niyakap ako ni Dwayne.

Iiyak mo lang yan. Hindi naman masamang magpakita ka ng kahinaan kahit minsan. Dahil ang minsan na yun ang magiging dahilan para maging mas matibay ka. -sabi pa nya.

*sniff* *sniff* -iyak ko sa dibdib nya, ilang sandali kaming ganun ang posisyon, ng may narinig na lang akong harurot ng motor sa di kalayuan, tunog ng isang Suzuki Hayabusa...

Maya maya...

Tara na... gagamutin pa natin yang sugat mo. -sabi nya at hinawakan nya ang kaliwang kamay ko. Sumunod na lang ako. Dumiretso kami sa kotse nya.

Teka... yung motor ko... -sabi ko pa.

Don’t worry, ipapakuha na lang natin yun. -sabi pa nya, pinagbuksan nya ako ng pintuan sa front seat at pumasok naman ako, nginitian nya lang ako.

Isinara nya ang pinto at dali dali syang pumunta sa driver seat at sumakay.

Habang nakasakay kami sa kotse nya... tahimik lang kami, narinig ko na lang na binuksan nya ang stereo ng kotse nya...

Mayroon akong nais malaman

Maaari bang magtanong

Alam mo bang matagal na kitang iniibig

Matagal na 'kong naghihintay♪~

Unti unting pumipikit ang mga mata ko, ramdam ko ang kirot sa sa kanang braso ko, pero hindi ko na lang ininda.

Hell Mistress?![ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon