Hello baby bullets! I'm sorry if the update was very slow. I'm kinda busy and I just feel unmotivated because I think this story was not picking anyone's interest. But I'm very thankful to those few people who always read my update.
Here we go!!
________________________________________________On the way ako papunta sa coffee shop nung Aguila na Jerome na 'yun. Hindi para uminom lang ng kape kung hindi tungkol sa favor.
Shems!!!
Ayoko talaga ng may utang na loob sa ibang tao, hindi ako makatulog ng maayos na para bang may bumubulabog sa utak ko. Ang kamalasmalasan lang talaga, sa lahat ng tao na magkakaroon ako ng utang na loob ay sa kanila pa talaga.
But, I'm decided. Wala namang mahirap na gawin kung anong gusto nilang ipagawa.
Nasa tapat na ako ng coffee shop. 'Tronics', yun ang pangalan ng coffee shop na'to.
'Di ko alam kung papasok ba ako o hindi. Langya 'yung weekend ko naging masalimuot.
Nang biglang may lumabas galing sa pinto. San pa nga ba?
"Teka? ikaw yun diba?" sabi ng isang customer na kalalabas lang sa coffee shop.
Ako ba ang kausap ng babaeng to? 'di 'ko naman siya kilala. Tumingin pa ako sa kaliwa at kanan ko, baka sabihan pa akong assuming.
Nang wala akong makitang ibang tao. A nakapaligid dun ko lang narealize na ako talaga ang kinakausap niya. Masyado ata siyang feeling close.
"Anong ako?" tanong ko.
"Ikaw yung girlfriend nung may ari ng coffee shop na 'to diba?"
"Ano?!" gulat na gulat na tanong ko.
What the heck was it all about?!
"Nandito kasi ako kahapon at nakita ko yung kaguluhan sa loob. Wow talaga parang nanonood ako ng isang live action wattpad story, bagay na bagay kayo nung owner neto." sabi niya na may pagtalon talon pa habang parang malalagutan ng hininga sa sobrang, kilig? Oo, kinikilig ata siya.
"Keep strong ha".
Umalis na yung weirdong babae. Ano ba 'yon may sapak sa ulo? Iba din siya ah. Kami bagay? Hinayupak na yon, tao ako, eh hayop yun!
Tinanaw ko yung daang tinahak nung babae. Baka bumalik eh.
Paglingon ko uli sa coffee shop halos mapatingin sa akin ang lahat ng tao sa daan nang mapasigaw ako ng malakas and take note nakapang bruce lee stance pa ako.
Eh kasi naman itong kutong lupang aguila na'to, nasa harap ko.
"'Bat nandito ka?" chill na tanong niya.
Inayos ko na ang sarili ko at ibinalik ang tingin sa kanya. Paano ko ba ito sisimulan? Pinractce ko na to eh.
"Ah, mabuti pa pumasok muna tayo sa loob." pagyaya niya.
Buti pa nga, may utak kadin pala eh.
Una siya pumasok sa shop then sumunod na lang ako. Umupo kami sa isang bakanteng lamesa na pandalwahang tao. Nahalata ko na nakatingin sa'min 'yung mgastaff nya.
Aba ang mga loko, parang may nakakalokong ngiti. Samaan ko nga ng tingin.
Umiwas naman sila ng tingin at bumalik na sa gingawa nila.
"Ah bakit ka nga pala nandito?" ulit na tanong niya.
"Gusto ko lang sabihin sa inyo na you can ask me fo a favor." halata kong medyo nagulat siya.
BINABASA MO ANG
Beauty And The 5 Beasts
Teen FictionPaano kung nakaencounter ka ng isang halimaw kagaya sa fairytale na Beauty and the Beasts, kikilalanin mo rin ba ito o hindi. Pero paano kung limang beast ang nakilala mo sa isang pagkakataon? Mas pipiliin mo ba silang makilala pa dahil sa likod n...