Chapter 16

3 1 0
                                    

Von POV

Nung umalis ang amazonang yun sa canteen kanina, umalis na rin ako.

Bakit ba sobrang close naman ata ni Twaylem dun.

Pero di na ako magtataka, friendly naman talaga si Twaylem, pero ba't sa babaeng 'yun pa?!

Naglakad lakad ako sa hallway nang makita ko na naman siya.

Sa dami dami ng makikita, bakit laging siya?!

Nakapikit siya, nakasandal habang yakap ang bagpack niya.

Nasa tapat niya lang ako.

Tinititigan ko lang siyang mabuti.

Ano ba ang meron sa babaeng to? Except sa hindi niya kayang kumilatis ng gwapo, she looks too simple.

Plain.

Innocent.

Parang hindi amazona pag natutulog.

I look over her face.

Puyat ba siya? Ngayon ko lang napansin na medyo parang mapula ang ilalim ng mata niya.

Umiyak ba siya? Siya iiyak? Amazona?

Maya maya pa ay napansin kong tumatabingi ang katawan niya.

Mahuhulog siya kapag nagtuloy tuloy. Gigisingin ko ba?

Hayaan ko na lang kaya mabagok ang ulo niya.

At the end, sinalo ko ang ulo niya.

Tsk. Annoying.

Umupo ako sa tabi niya habang hawak ko pa rin ang ulo niya.

Aalugin ko ba siya o hindi?

Tiningnan ko ulit siya. Malalim ang tulog niya.

Puyat nga ata.

Dahil gwapong gentleman ako ini-lean ko ang ulo niya balikat ko.

Naramdaman ko na lang na parang humikbi siya. At nagsimulang tumulo ang luha niya.

So this is the real you. Pretending strong. But you're totally bursting inside. Such a good liar.

Wala ba siyang kaibigan?

Maybe, kaclose naman nya ang mga tao sa pub, editor in chief siya eh.

Or maybe 'yung gumagawa ng Art Folio and 'yung gumagawa ng short comic stories.

Teka siya din ata ang gumagawa ng lahat ng 'yun.

Shit! gawa ata ng babaeng 'to, yung mga sinusubaybayan kong comics sa folio.

Pero kelan ko ba siyang nakitang may kasama?

Nakita ko na ba siyang may sinamahan o may sumama sa kanya?

Teka.

Why I even thinking about her? Its not me.

Mabuti walang masyadong nadaan sa hallway na to.

Bakit nga ba hindi pa ako naalis. Konting minuto na lang at magsisimula na ang klase.

Tumayo kaya ako ng bigla ng maumpog siya. Hindi, baka mamatay siya at makulong pa ako.

Medyo umibo siya.

Bigla siyang umayos ng upo. Tiningnan niya ang paligid, pati ako tiningnan niya.

Parang wala pa siya sa katinuan.

Naalala ko, ganito din siya nung dinala ko siya sa coffee shop ni Jerome. At biglang nanapak.

"Shhiiiit!!", sabay layo sa akin. Naka Jackie Chan stance pa siya.

Beauty And The 5 BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon