Mga 20 minutes na kaming nag sesketch dito. Pakamot kamot na lang sila ng ulo. Parang trying hard na trying hard sila. Ganoon ba sila ka bobo sa arts. 'Yung pusang 'yun di ko akalain na 'di rin siya marunong mag drawing. Yung pating naman maiiyak na ata, bura siya ng bura, isang guhit bura. Itong Aguila na to, di ko alam, kanina pa tinititigan 'yung canvas na para bang sinusukat kung pano niya ilalagay yung idadrawing niya. Si Ruka nag dadrawing siya kahit halata ko ring nanahihirapan siya. Para akong teacher ng mga batang paslit. Ito namang gagong leon na 'to nakangiti pa. Parang proud na proud sa dinodrawing niya. Ano bang dinadrawing niya? Di ko magets?
Naka align kami sa canvass. Kami ni Von ang nasa gitna, nasa kaliwa ko si Jerome at Ruka. Nasa Kanan ko naman si Von, Steven at Warren.
Si Nath nakaupo lang siya sa may couch habang nag cecellphone. Masyado na ata akong nakakaabala sa kanya.
"Yan! Natapos ko na tong basketball ring! Ang galing ko talaga!" pagmamalaki ni Von. Tiningnan namin 'yung drawing niya. Natahimik naman kaming lahat. Parang natameme kami sa nakita namin. Bumalik na lang yung apat sa ginagawa nila.
"Anong problema?! Ha?!"
"Tumahimik ka na nga lang diyan nagcoconcentrate kami dito oh," sabi ni Warren.
"Aba't!"Binitawan ko muna ang lapis ko. May isang salita ako, tuturuan ko sila kung kinakailangan. Lumapit ako kay Von. Hinawakan ko ang kamay niya habang hawak niya ang lapis niya. Nagulat ata siya kasi ramdam ko na medyo parang napaatras siya.
"Wag mo kasing bastahin ang pagguhit ng line, dahan dahan lang." sabi ko habang isinusunod ko ang kamay niya sa pagguhit ng lapis niya. "At kung magdadrawing ka ng bola, wag kamasyadong pakatrying hard magperfect ng circle, pwede ka namang gumamit ng plato."
Siguro naman maganda ang pagtuturo ko sa kanya, di siya na angal eh. Subukan niyang umangal tutusukin ko siya ng lapis.
"Ano gets mo ba?" mahhinahon kong tanong sa kanya.
"Bitawan mo nga ako, kaya ko'to." sabay irap. Langyang leon na to, parang timang. Kaya? Parang guri guri nga lang yung drawing niya. Masyado kasing mataas tingin sa sarili. Bumuntong hininga langa ako. Naalala ko nandito pa nga pala si Nath. Lumapit ako sa kanya at tumabi sa kanya.
"Sorry ha, naabala pa tuloy kita."
"Okay lang ako naman yung may gustong sumama."
"Haha. Ganito na lang pagkatapos ng session na to ituloy natin ang pagma mall, libre ko." suggest ko sa kanya.
" Okay lang ba? Hindi ka pa ba pagod nun?" Ang bait talaga niya.
"Hindi okay pa ko nun, malakas resistensya ko no, kaya ko pang magpatumba ng kalabaw".
"Haha, nakakatuwa ka talaga." sabay pat ng ulo ko. Haha, syempre ako medyo kilig. Ang cute niya kasi may kamukha din siyang anime character na crush ko. Mukha na ba akong anime."Ehem, pwedeng ito muna ang tapusin natin?" pambasag ni Von. Langya talaga to pinaglihi ata 'to sa martilyo, galing mambasag.
"Wow, ang sipag naman." sarcastic kong sabi. "Oo na babalik na 'ko d'yan, masyado mo naman ata akong namimiss."
"Masuka nga sa sinasabi mo amazona, lalagnatin ako isipin ko palang na mamimiss kita."
"Wag ka mag alala hindi nilalagnat ang mga hayop."Itinapon niya ang lapis niya at dali daling lumapit sa'kin at itunulak ako, nasalo naman ako ni Nath. Napaka pikon talga ng hinayupak na'to
Umawat na 'yung apat.
"Pikon pala ang mga Leon, asar talo ka pala eh."
"Aba't"
"Guys, ano ba tama na yan!" sigaw ni Ruka. "Hindi ba napag usapan na natin 'to na kahit ngayon lang magkunwari tayong magkaka ayos.""Sino bang naguumpisa ng gulo?!, diba yang babaeng yan."
"Wow! At ako pa ngayon ang may kasalanan.""Siguro let's call it a day, umuwi muna kayo sa mga bahay niyo at sa susunod na natin ulit ituloy, masyado nang nagkakagulo." mahinahong sabi ni Steven, pero I felt authority in his voice. Nakalimutan ko bahay niya nga pala to.
BINABASA MO ANG
Beauty And The 5 Beasts
Teen FictionPaano kung nakaencounter ka ng isang halimaw kagaya sa fairytale na Beauty and the Beasts, kikilalanin mo rin ba ito o hindi. Pero paano kung limang beast ang nakilala mo sa isang pagkakataon? Mas pipiliin mo ba silang makilala pa dahil sa likod n...