Twaylem POV
Nandito kami ngayon sa canteen at kumakain.
Etong si Von kanina pang pinagmamasdan yung labi nya sa cellphone niya. Pinapicturan pa nga nya yung lips nya e, para daw mas makita niya.
Kawawa naman si Von, nagkasugat tuloy sya.
Aawayin ko iyong babaeng yun e. Hahaha.
She seems not too bad but, masyado naman atang grabe ang ginawa niya kay Von.
Concern lang talaga ko sa lahat na nasa miyembro ng 5 Beasts. Mga kuya na ang tingin ko sa kanila. Kasi naman nag-iisa lang akong anak tapos ni hindi ko nakikita ang mga magulang ko dahil naka base ang kompanya namin sa ibang bansa.
"Nakakainis talaga ang babaeng iyon! Sa susunod papatulan ko na sya! Humanda siya at baka matuliyan ko siya!" galit na galit na sabi ni Von habang pinagmamasdan pa rin ang mukha niya.
"Wag ka ngang ganyan dude, ang ganda kaya nya." banat naman ni Jerome.
"Lahat naman ng babae para sa'yo maganda," kontra naman ni Warren.
Ganito kami lagi kapag magkakasama. Hindi maiiwasan ang pikunan. Si Steven, silent mode lagi.
Itong tatlo naman, lagi lang sila ang nagkakapikunan tapos minsan umaabot ng sapakan pero agad din namang nag kakaayos.
"Dudes, gusto nyo tugtugan ko kayo?" Napatingin naman agad silang apat sa'kin.
"Sige Twaylem, kailan ba kami huminde sa'yo, galing mo tumugtog eh", pagsang-ayon ni Von.
Paborito ko silang tugtugan ng gitara kasi napapansin ko medyo gumaganda ang mood nila pagnakakarinig sila ng music ko.
Wala ako sa mood kumanta kaya, acoustic lang ang balak ko. Tinugtugan ko sila. Yung slow lang.
At dahil nasa canteen kami, syempre 'yung ibang tao sa canteen nakatingin at nakikinig din.
Mahal ko ang music, 'yun lang ang masasabi ko kaya gumawa ako ng banda.
Nang matapos na ang break. Naglakad na kami pabalik sa classroom. Hindi muna ako pumasok sa loob ng classroom.
"Guys, una na kayo, magccr lang ako".
"Sige", sabay sabay nilang sabi. At nagtungo na nga ako sa CR.
Nagmadali na ako pagkalabas ko sa CR pero napatigil ako nang may maaninag akong nakakalat sa hallway.
Isang bag na white na ang design ay patak ng iba't - ibang kulay na pintura.
Bakit 'to nandito? Kanino ba'to?
Sino ngang bang may bag na ganito?Parang may nakita na kong ganito eh.
Tama, sya nga hindi ako pwedeng magkamali.
Si Hime Jiro Escallejo.
Ang ipinagtataka ko, bakit 'to nakakalat dito. Ang alam ko hindi nya pinapabayaan ang gamit nya. Hindi kaya ipinadampot na siya ni Von?
Hindi, hindi naman ganoon si Von. Kapag gusto nyang gumanti, siya talaga ang gagawa. Hindi siya mag-uutos sa ibang tao.
Mapwera na lang kung umeksena na naman ang mga fans niya.
Kawawa naman siya. Mahanap nga.
*
Von POV
Bakit parang antagal ata mag CR ni Twaylem?
BINABASA MO ANG
Beauty And The 5 Beasts
Teen FictionPaano kung nakaencounter ka ng isang halimaw kagaya sa fairytale na Beauty and the Beasts, kikilalanin mo rin ba ito o hindi. Pero paano kung limang beast ang nakilala mo sa isang pagkakataon? Mas pipiliin mo ba silang makilala pa dahil sa likod n...