Chapter 1

23 3 0
                                    


Hime POV


Gusto kong maniwala na isang araw may isang taong makaka-appreciate ng mga ginagawa ko.

Na isang araw may magsasabing tama ang gingawa ko.

At isang araw may isang taong tunay na magmamahal sa akin na walang hinihinging kapalit.

"Hoy, Hime. Tigilan mo na nga iyang kahibangan mo sa pagpipinta, kung iyan lagi ang inaatupag mo paano ka pa magkakaroon ng interes sa academics nyan?!" sigaw na naman ng Ate Niji ko, habang hawak hawak ko ang mga paint brush na dadalhin ko sana sa kwarto ko.

"Oo nga ate, antagal ko naring pinagsasabihan yan e. Alam mo Hime, wala na akong nababalitaang gumiginhawa ang buhay sa pagpipinta. Madami nang artist ang nandito sa Pilipinas, hindi na kailangan ng bansa ang mga painting mo." dagdag pa ni Ate Kireina.

Sila ang dalawa kong nakatatandang kapatid. Si Ate Niji at Ate Kireina. You can notice how our names was out of the Philippines. Our names was actually Japanese words. Niji means rainbow, kasi daw bago daw ipanganak si Ate Niji ay may rainbow daw nung araw na 'yun. Kireina means beautiful and the word 'beautiful' explains why.

They are very talented and beautiful.

'Yung pangalan ko, masyadong malayo sa kung ano ang pagkatao ko. I don't really want to talk about it. It was not suited for me after all.

My family knows how much I love arts and how talented I am with regards to it. Pero, wala ni isa sa pamilya ko ang sumusuporta sa gusto ko. Not anymore.

May isang tao na alam kong full support sa gusto kong ito, pero pati siya nawala na rin.

Pinipilit nila ako na mag aral nalang daw ako ng mabuti at kuhanin ko daw na course sa college e iyong may kinalaman sa Law, Medicine, Education at kung ano-ano pang course na may kinalaman sa mga trabahong pang mataasan ang sweldo. Those courses that will give me a stable job in future.

O kaya naman ay Business Administration daw ang kunin ko para matulungan ko sina ate sa kumpanya ni Mom. Well it's not like na sa akin nila ipapamana iyon dahil nandiyan naman sina Ate. Kaya inalis ko na ang course na iyon sa utak ko matagal na.

Hindi ko daw kailangang mamroblema sa tuition basta kunin ko daw ang course na gusto nila. 'Yun bang mga bagay na walang kinalaman sa arts. I can just deal it nalanh daw with my minor subjects. Nothing more, nothing less.

Dahil daw nasa fourth year high school na ako, umpisahan ko na daw bitawan ang mga paint brush ko at magseryoso daw ako sa buhay.

Seryoso naman ako sa buhay ah.
Seryoso naman ako sa ginagawa ko ah.

That's what I am always saying. I am serious. Bakit naman hindi ko seseryosohin ang future ko?

Kainis!

I've always been serious to my passion!

Hindi naman ako bobo, pero wala ang passion and interest ko sa ibang bagay na walang kinalaman sa Arts.

'Di ba nila maintindihan na ipinanganak ako na pintura na ang dumadaloy at tumatalaytay sa mga ugat ko!!

That's the only thing I am very capable of. The only thing I can be me.

Nung sabihin ko sa kanila na Fine Arts ang kukunin ko pagkatapos ko gumraduate sa high school, wala na akong napakinig na pag sang-ayon sa kanila.

Bahala sila.

Basta masaya ako. 'Yun naman ang mahalaga di'ba? Everything's perfect when you're happy.







Beauty And The 5 BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon