Jerome POVAntagal naman ata ni Steven, baka may ginagawa na yung kababalaghan dun sa detention room. Matinik ako sa chicks, pero who knows? Baka si Steven ganoon din.
Tumingin ako sa right side ko at nakita ko lang si Von na nakaub-ob.
Bored na yan, sobra.
Si Warren borlogs din, hindi nakikinig sa klase.
Nakita ko din si Twaylem na nasa row six. Nakita nya din akong nakatingin sa kanya. Kumaway sya na parang bata.
Tuwang tuwa ako sa batang 'yan. Oo, tinatawag ko syang bata sa utak ko kahit magkakaedad kami. Masyado siyang cute para maging isang lalaki.
Nakakatawang isipin na sya lagi ang nagaawat kay Von at Warren pag nagaaway. Alam kong hindi nila kayang sapakin si Twaylem, parang bunso na namin yan e.
Tumunghay na iyung dalawa sa pagkakaub-ob.
Bilang ng mga gunggong ang oras eh.
Saktong sakto kapag tutunog ang bell, sign ng break time. Pagkatunog na pagkatunog, tumayo si Von at dali daling naglakad papunta sa pinto.
Parang walang preno eh.
Kami, 'matic' na kami na susunod, gutom narin e.
Hindi nako magtataka kapag may nakabanggaan ang Von na'to. Parang hindi pinapakain sa kanila e.
Pagkabukas nya ng pinto, dirediretcho sya. Nagulat nalang ako ng bigla nalang siyang natumba.
Or should I say, natumba SILA.
And the thing that happen makes us freeze.
Pinapaibabawan ni Von 'yung taong nakabanggaan nya, na ngayon ay nakahiga sa sahig dahil sa impact ng banggaan.
And accidentally......
THEY KISSED.
Dali dali silang tumayo at naghiwalay.
"BASTOS!!" sigaw nung babae. Si Hime na kaklase namin, yung nanapak. Wtf!
"How could you!?" sigaw ni Von.
Ngayon ko lang napansin na may konting dugo ang mga labi nila. Wala namang nakakita dun sa kiss, ang nakita lang ng mga taong nanonood ngayon ay itong pagsasagutan nila.
"How could me?! Walang hiya ka, bakit mo kasi ako binangga!!!"
"Ikaw 'tong bumangga!"
"Hayop!!!"
"Amazona!!"
"Asong kalye!!"
"Aba't!!"
Kaming apat ay nasa state of shock pa. Natauhan lang kami nang kwelyuhan ni Von si Hime.
Okay sya na ang nananakit ng babae.
"Dude, tama na yan, it was an accident." sabi ni Twaylem. Pero parang bingi lang si Von.
Nakaabang lang ako dito sa likod ni Von. Baka kasi biglang mag wala ng todo. Mahirap na.
"Ikaw sumosobra kana!" sigaw ni Von.
Ngumiti lang si Hime, 'yung nakakalokong ngiti.
Potek! Ang tapang! Hinawakan nya 'yung kamay ni Von na nakahawak pa rin sa kwelyo nya.
"Kung akala mo natatakot ako, p'wes hindi ako natatakot!" maangas na sabi ni Hime at tinuhod nya sa alam nyo na.
"Hooo!" sabi nung mga nanonood na estudyante, kahit kami.
Kahit ako, naramdaman ko ang sakit niyon. Foul yun! Foul!
Kasi naman, bilang isang lalaking pinagpala ng gwapong mukha, alam namin na masakit yung ginawa ni Hime.
Natanggal sa pagkakahawak sa kuwelyo si Von at napayuko sa sakit.
Eto namang si Hime inayos muna yung necktie niya bago hampasin sa ulo si Von gamit ng sketchpad na hawak nya. May buwelo ang paghamps niyang iyon kaya naman, napaluhod na si Von sa sahig.
Nabigla ako nung tiningnan ako ni Hime sa mata.
"Ikulong nyo yan sa zoo, nagwawala eh." sabay bawi ng tingin sa akin at umalis na.
Natulala ako doon ah. Pakiramdam ko kakainin niya ako ng buhay.
"Von? A-ayos ka lang?" tanong ni Twaylem.
Inakbayan ni Warren si Twaylem.
"Twaylem, wag mo nang tanungin si Von. Masakit talaga yun." sabay tawa.
This time si Warren naman ang kinuwelyuhan ni Von.
Hays! Salang katapusang away.
"Von!Warren! Tama na nga yan!" mabuti na lang talaga at nandiyan si Twaylem.
"Tara na nga lang sa canteen." yaya ni Steven.
Mabuti pa nga.
Pero yung babaeng yon talaga.
Hime Jiro Escallejo? Such a weird and manly name, huh.
Hindi ko siguro siya makakalimutan.
*
Yuuckksss!!! Bakit sa dami dami nang tao sa mundo!! Sa kanya pa!
Ano ba namang buhay to!
Naghihilamos ako ng mukha at kulang na lang ay gumamit ako ng scotch brite sa labi ko.
"Lord, kunin nyo na ako, hindi ko na matagalan ang buhay ko dito sa lupa"
"Lord, sinusundan po ako ng limang hayop na sugo ni Satanas"
Parang baliw kong kinakausap ang sarili ko sa salamin.
Hayysst! Lintres! Nagkasugat pa sa labi. Pagnakikita ko 'to, naaalala ko lang ang nangyari kanina.
Buwiset!!!!
Maya maya pa ay lumabas na'ko sa CR. Hindi ko maimagine kung gaano kadaming grupo ng babae ang nakaabang sa labas ng CR.
And I know galit sila sa akin. Gawin ko ba naman yun sa pinakamamahal nilang hayop. Lintres!!
Magsama sama sila sa zoo.
"Oh ano? Anong kailangan nyo?" nagawa kong itanong.
Bigla nila akong hinigit. Tinanggal nila yung bagpack ko at itinapon kung saan.
Ang bagpack ko!!!! TT__TT
Halos kaladkarin nila ako. And at the same time, hinahampas nila ko, sinasabunutan, sinusuntok at hinihila.
Ang sakit! Ano bang pinakain ng mga hayop na 'yon sa mga babaeng 'to.
Walanghiya naman oh!!
Hanggang sa makarating kami sa pina ka tagong parte ng school.
Sa basement.
Ikinulong nila ako. At iniwan.
Wow ha nahiya pa sila, hindi pa nila sinira ang damit ko. Langya talaga.
Hindi ako sumisigaw kasi alam ko, wala namang pumupunta dito.
Ang alam ko once a week lang 'to binubuksan para ayusin at linisin. Para na rin kasi itong stock room. 'Yung mga nakastock dito ay mga gamit na mapapakinabangan pa. Props, costumes, musical instruments at kung ano ano pa.
Umupo ako sa isang sofa na nandito at inenspeksyon ang katawan ko.
Andami ko namang pasa. Kakatayin ko ang mga babaeng 'yun e. May mga kalmot din ako sa braso.
At ang masama pa nito, hindi pa ako kumakain.
Gutom na ako.
At 'yung bag pack ko! Mamamatay ako pag nawala ang mga gamit ko!
Mamatay na ang mga hayop na yun, mailigtas lang ang bagpack ko!
BINABASA MO ANG
Beauty And The 5 Beasts
Teen FictionPaano kung nakaencounter ka ng isang halimaw kagaya sa fairytale na Beauty and the Beasts, kikilalanin mo rin ba ito o hindi. Pero paano kung limang beast ang nakilala mo sa isang pagkakataon? Mas pipiliin mo ba silang makilala pa dahil sa likod n...