Von POV
Habang nagdadrive ako, may tumawag sa phone ko galing kay Jerome. Ano naman kayang kailangan ng taong to sakin.
Sinagot ko.
Von!!!!!! Help me!!!, bungad niya sakin
"oh bakit ba, may kaaway kaba na hindi mo kaya magisa, bakla ka pala eh."
Hindi, may number ka ba ni Hime Jiro Escallejo?, o alam mo ba kung saan ang bahay niya, kung nasan siya ngayon?
Bakit naman kaya niya naitanong alng lahat ng iyon. At di ko ala na alam niya ang buong pangalan ng Hime na 'to kahit ang weird ng pangalan niya.
"Actually kasama ko siya ngayon"
What! Bakit mo siya kasama? Anong ginawa mo sa kanya ha?!
Ano ba yun, affected?
"Mag-usap tayo mamaya, pero kung pwede lang dalhin mo siya dito sa coffee shop ko, I really need help na siya lang ang makakatulong, Von dalian mo, pilitin mo siyang pumasok sa coffee shop. I'll give you 5 minutes, kung pwede lang liparin niyo na hanggang dito. Mamaya ako magpapaliwanag." "Bye".
Call ended.
Ulol yun inuutusan niya bako? At talagang pinagmamadali niya ko. Ano bang kinalaman ng babaeng natutulog na to sa pangangailangan niya. Pero sige, dadalhin ko lang naman sa kaniya to eh. Hayyss, ako na lang ba talaga ang maaasahan sa grupo.
Jerome POV
Bakit kaya kasama ni Von si Hime? Hindi kaya may relasyon sila. Hindi, imposible yun. Haysss..sasabog na ulo ko.
"Sir Jerome nagwawala na po yung ex nyo sa labas, nag aalisan ang ibang costumer", sabi ni Ren mula sa labas ng hide out. Kaya lumabas na ako.
"Sir nasan po ba kasi 'yung girlfriend niyo, tinawagan niyo na ba?" aligaga nyang sabi. Ano ba'to mas hysterical pa sa akin eh. Maya maya may napakinig akong nabasag kung san naroon sina Annika. Dali dali akong pumunta doon.
"Ano ba Jerome, nasan na 'yung pinagmamalaki mong girlfriend ha! Natatakot ba siya kaya di makapunta dito."
Di ko siya masagot kasi naman di ko talaga alam kung madadala ni Von dito yun, siguradong magbabangasan muna ang dalawang yun bago makatuntong sa coffee shop ko. Halos nag alisan na ang mga tao dahil sa gulong ginagawa ni Annika. Please Von, hurry.
"Sir 'yung girlfriend niyo na ata yun", bulong sa akin ni Ren. Nakita ko nga sila . Hila hila ni Von si Hime, pero mukha atang kagigising lang ni Hime kaya wala pa sa katinuan para marealize na hinahatak na siya.
"Oh, nasan na siya Jerome"
"Jerome, oh nandito na siya". Sabi ni Von mula sa likod na naging dahilan para humarap sa kanila si Annika.Nilapitan ko si Hime na kasalukuyang kinukusot ang mata. Pumunta ako sa likuran ni Hime at hinawakan ang magkabilang balikat niya.
"Like I promise Annika, she's here, my GIRLFRIEND" Nahalata kong nagulat si Von na katabi ko lang. Si Annika hindi maipinta ang mukha sa galit. Si Himewala pa rin sa katinuan. Pasalamat ako sa kung ano man ang disorder na meroon si Hime pag bagong gising.
Akala ko magwawalk out na si Annika ngayong nakita niya na si Hime pero di ko inasahang sasampalin niya si Hime. Sigurado akong malakas yun dahil halos mapasunod ang mukha ni Hime sa sampal.
"How dare you to steal my boyfriend".
Tahimik lang yung mga crew ko, na shock sa sampal. And now, speechless lahat. Unti unting inaayos at inaangat ni Hime ang ulo niya. Binitawan ko na rin ang balikat niya, dahil parang may itim na aura na pumapaligid sa kanya, nakakatakot siya. Nahalat kong nag smirk siya. Habang nakahawak sa sinampal niyang pisngi.
BINABASA MO ANG
Beauty And The 5 Beasts
Teen FictionPaano kung nakaencounter ka ng isang halimaw kagaya sa fairytale na Beauty and the Beasts, kikilalanin mo rin ba ito o hindi. Pero paano kung limang beast ang nakilala mo sa isang pagkakataon? Mas pipiliin mo ba silang makilala pa dahil sa likod n...