Kaya ko to!! Isa akong palaban na babae base na rin sa pagkakasulat ng istorya ko.
Alam kong pag ginawa ko 'to mas lalong gugulo ang buhay ko. Pero pagkatapos nito wala na akong utang na loob sa isa sa mga mokong na 'yun.
Pag ginawa ko to one down, four to go nalang. Mas gugustuhin kong pagpyestahan ako ng mga kung sinong babae, imbes na magkautang na loob sa Leon na 'yun.
Shete!!
Hindi sumagi sa isip ko na gagawin ko ito sa tanang buhay ko.
"1..2....hoooo. 3 go!"
"Go Von Dominique Castro, talunin mo mga yan, I-I love you!!!!!"
Nasusuka 'yung inner self ko.
Von POV
"She have something to do for me."
Yeah, ngayon ko gagawin yung ganti ko sa kanya. Maganda man 'yung alok niya kanina tungkol sa hinayupak na painting na 'yun, pero 'di ko yun ipagpapalit sa napakagandang chance na to.
"Okay," sang ayon ni Teacher. Hahah, malakas ako sa matandang teacher na to eh.
At yun nga lumabas na kami ni Amazona sa classroom. Yung iba takang taka. Lalo na ang reaksyon ng babaeng 'to, bentang benta sa scary movie 3.
"Oy Azkal ano namang plano mo?" lintres na'to tawagin ba naman akong Azkal.
"FYI Leon ako! Oo nga naman, nakalimutan ko bobo ka kaya hindi mo alam ang pagkakaiba ng Leon sa asong kalye."
"Nakalimutan ko rin pala hindi ka tao, masahol ka pa sa asong kalye, atleast yun may utak ikaw wala."
"Aba gusto mo bugbugin kita, hinayupak kang babaeng ka!"
"Aba mas hinayupak kang kutong lupa ka, mas mukha kang lupa kesa sa kuto!"
"Shut up!" pagtatapos ko sa usapan. Lahat ata ng sabihin ko may pang bato siya.
"Teka! Bakit ka ba galit at pasigaw eh ikaw 'tong nagsama sa'kin dito."
Oo nga pala nakalimutan ko kung ano nga pala pakay ko.
"Okay, I just wanted you to know, na ngayon ko na ibibigay ang favor ko. Ahm, but its a punishment in such way."
"What? Talagang ngayong may klase pa?! Nag iisip kaba!?" Tarantado!"
"Yes! Ang pagganti este ang pagpapagawa ng favor walang pinipiling panahon. I want now and in the first place ikaw naman ang may gusto nito di'ba? At ayaw mo nun tapos agad yung akin."
"Follow me."
'Di na sya nagsalita at sumunod sa'kin.
Nang makarating kami sa school gym marami rami na nag taong nandoon. Ito din kasi 'yung oras na karamihan may vacant time, eh tamang tama may practice game kami.
"Oh anong gusto mong gawin ko dito? Wag mong sabihing pagsasayawin mo ko ng budots sa gitna nitong Court?!"
"Relax amazona, hindi ako ganoong kasama."
"Anong hindi ka ganoong kasama? Tanga ka na ata para hindi mo malaman ang tunay mong ugali!"
Langya talaga, kanina pang balahura ang bunganga niya, nakalunok ata 'to armalite.
"Can you just shut up for a minute?! Babaeng amazona narito ka para gawin ang gusto ko at yun lang ang gagawin mo!" sigaw ko na may kasamang pinakamasamang tingin.
BINABASA MO ANG
Beauty And The 5 Beasts
Teen FictionPaano kung nakaencounter ka ng isang halimaw kagaya sa fairytale na Beauty and the Beasts, kikilalanin mo rin ba ito o hindi. Pero paano kung limang beast ang nakilala mo sa isang pagkakataon? Mas pipiliin mo ba silang makilala pa dahil sa likod n...