Dahil nga sa pangyayari kanina, heto ako nasa detention room, kung saan DAW pinagsisihan ang mga pagkakamali.
Ang daming alam.
Ano bang pagsisihan ko?! 'Di ba wala naman!
Oo. Wala! Hindi naman masakit iyong suntok ko kahit dumugo yung ilong niya.Okay, siguro masakit ng konti. Pero wala akong kasalanan!
Nakakaiyamot.
Dumagdag pa sa init ng ulo ko yung 5 Beasts na yon.
Sa katunayan dahil I got curious nung simula may ginawa akong personal description sa kanila base sa nakikita, naririnig at syempre prejudice at judgment ko.
First, their leader, Von Dominique Castro - the Lion. May pagkagangster. Laging napapasabak sa gulo, kinakatakutan ng lahat dito sa school, except me syempre.
Sabi nga nila matakot kana sa buhay, huwag sa nagmamagaking. Hahaha!
Aminado akong gwapo siya, kaya magpasalamat siya sa magulang niya dahil sa papuri ko. Laging tulog sa klase. He got that code name dahil siya nga ang leader, you know, Lion King.
Magaling sa basketball. Kaya nya DAW pumuntos ng 100 points kada quarter. Well, I think it's just an exaggeration coming from his overacting fanclub.
Kung maraming tao ang bumibilib sa kanya, pwes ako hindi kahit mahilig ako manood ng basketball games. Atittude matters, okay? That's all, talented siya pagdating sa sport na iyon.
Second, Prince Jerome Hernandez - the Eagle. Gwapo period, sobrang manloloko, hindi mapagkakatiwalaan. Masyado bang harsh, well wala akong balak ipakilala sila ng walang halong pangmamaliit. At base rin naman iyan sa mga napapakinig ko kung saan.
Tinawag syang Eagle kasi mahilig daw siya mandagit ng chicks, in other words, playboy. Katangahan naman ng mga babae, nagpapauto sa mga salita nya at kung ano mamg da-moves niya sa buhay. Sayang naman ang brains ng mga babaeng niloloko nya.
Gamitin ang utak wag ang kalibugan, okay? Saka na kapag kayang ibalik ang feelings.
Balita ko magaling daw siya pagdating sa electronics. Sa bagay na 'yan siya matalino. Sa mga paggagawa ng mga programs, panghahack ng kung ano ano. 'Di nakapagtatakang champion din sya pagdating sa mga online games. Wish ko, makoryente sya hanggang sa mamatay. Masama ba ako? Well, hayop ako sa kapwa ko hayop.
Third, Warren De La Cruz. The Shark. Wala silang pinagkaiba nung Leon. May pagkagangster din. Kadalasan, silang dalawa yung nababalitaan kong nagaaway.
Para silang timang, sila na nga ang magkagrupo, sila pa ang nagaaway. Siguro normal lang iyon sa magkakaibigan? Malay ko ba, wala naman akong kaibigan. Magpatayan na kaya sila para matuwa ako.
Shark kasi champion pagdating sa swimming contest. Nakasali na sya sa International swimming contest at siya lagi ang nananalo. Habulin din ng chicks, lahat naman sila eh.
Hindi ko alam kung bakit pa siya nandito sa school na ito kung ganoon siya kagaling.
Fourth, si Steven Hailey. The cat. Pusa kasi charming daw. Siya yung tumulong sa akin kani-kanina lang. Ang sabi ng marami mabait daw sya, sweet daw, hindi pala away. Gwapo syempre. Crush ng bayan. Wala pang record sa guidance.
Okay hanga na ko. Meron na kasi akong record sa guidance office e, malapit ko na rin maging tropa 'yung guidance councelor.
Matalino? Super. Sya ang best sa lahat ng subject. Di na ko magtataka kung siya ang magiging Valedictorian sa graduation.
BINABASA MO ANG
Beauty And The 5 Beasts
Ficção AdolescentePaano kung nakaencounter ka ng isang halimaw kagaya sa fairytale na Beauty and the Beasts, kikilalanin mo rin ba ito o hindi. Pero paano kung limang beast ang nakilala mo sa isang pagkakataon? Mas pipiliin mo ba silang makilala pa dahil sa likod n...