Chapter 8

8 2 0
                                    

Von POV

Nakakaiyamot!!!



Hanggang ngayon masakit pa itong mukha ko dahil sa babaeng iyon. Mabawasan lang ng kahit konti ang kagawapuhan ko papatayin ko siya.


Kasalukuyan akong bumaba sa hagdan ng gwapong bahay namin. Naisipan ko lang maggala paralumamig ang ulo ko.

Wala dito sa bahay ang magulang ko. Nagtatrabaho sila sa sarili naming kompanya. At sa palagay ko ay may isang buwan na kaming hindi nagkikita.

Ayoko muna sila pagkaiisipin kasi parang napipirat ako iniisip ko pa lang si Mom. Sobra akong yakapin na parang naging long lost son ako.

Hindi ko na rin pinoproblema ang pera. They've provided me debit card. Huwag lang daw ako gagastos para sa masasamang bagay.

"Onii~" (japaenese word for older brother)

"Bakit ba?! Ang tinis tinis ng boses mo ang sakit sa tenga!" medyo bata pa kasi itong si Shun kaya maliit pa ang boses.

Pero bakit kasi. Ang tinis tinis!

"Pakeelam mo ba!" masungit na sabi niya sa akin.

"Ikaw ang tumatawag diyan, ikaw pa may ganang magalit!"

"Ikaw kasi itong pasugaw na agad. Ibinalik ko lang." sabay tawa. "Itatanong ko lang kung saan ka na naman pupunta, at bakit ganyan ang mukha mo, natalo ka ba sa rambol?"

Naalala ko na naman iyong babaeng iyon!

"Whatever Shun. Pasalubong?" segway ko.

"Kahit ano Kuya, basta pagkain."

"OKS!"

Hindi ko alam kung malapit babg maiituturing ang samahan namin ng kapatid kong iyon. Madalas kami mag asaran. Siguro'y sa akin niya rin namana ang pagkamainitin ang ulo kaya lagi kaming nagsisigawan pero mabait naman iyon.

Malayo ang agwat ng age namin. 9 years old pa lang iyon eh.

Ganoon lang iyon. Kapag aalis ako, hindi pwedeng walang pasalubong. Hindi rin naman siya sumasama kapag inaaya ko.

At ayaw ko rin naman may akayin na bata.

Lumabas na ako sa bahay at pumunta na sa garahe. Ini-start ko na ang kotse ko at umalis na. Balak kong magmall. Baka may mga makakaagaw ng pansin ko na pwedeng bilhin para naman sa mood ko. At syempre para maipakita na rin ang kagwapuhan ko. Sayang naman kung palang sa bahay lang nakatago.

Hirap din kasing pasalubungan si Shun. Laging 'kahit ano'ang sinasabi.

Nagdrive na ako total bukas na ang mall sa mga oras na ito.

And, virgin pa itong si 'Gab' kasi wala pa akong naisasakay ditong babae. At wala akong balak magsakay dito ng kahit na sino.

Kapag may lakad ang tropa, ibang kotse ang dala ko.

Okay go na!!! Ready na ko pagkaguluhan.









*

BOOGGHHSS!!

Nagising na lang ako nang mahulog ako sa kama ko.

Ang sarap ng tulog ko ngayon ah.

Ito siguro ang epekto kapag ako lang ang nandito sa bahay.

10:30 am na nang makita ko sa phone ko. He! Magtatanghali na nga.

Bumangon na ako. Nagunat unat muna ako ng buto at dumeretcho na agad sa panliligo para magising ang diwa ko.

Beauty And The 5 BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon