-;-;-;-;-;-
05. You're Not Alone
-;-;-;-;-;-
"It's just like him
To wander off in the evergreen park
Slowly searching for any sign
Of the ones he used to love..."
[Kathryn]
Ibinuklat ko ang aking mga mata. Tumambad agad sa akin ang nag-aalalang mukha ng English teacher ko. Ay, English teacher ko lang naman pala.
Ipinikit ko ang mga mata ko. English teacher ko...Teka...Yung English teacher ko?!
Binukas ko kaagad ang mga mata ko at agad na umupo. Dahil nga biglaan ako umupo, hindi agad naiwas ni Mr. Padilla yung mukha niya. Tumama ang noo ko sa baba niya.
Shet! Masakit! Aray ko! Napahawak ako sa noo ko at binigyan si Mr. Padilla ng matalas na tingin.
"Tigas ng baba niyo sir," reklamo ko habang sapo ang noo ko. "Palambutin niyo nga yan."
Oras naman niya para samaan ako ng tingin. Akala mo papatay eh. Umuusok na ilong sa galit tapos nanlilisik na ang mata. Mukha na siyang si Sadako sa ginagawa niya.
"Ikaw!" sigaw niya. "Matapos kitang buhatin papunta sa infirmary, nakuha mo pang laitin ang baba ko? Leche kang bata ka. Kung nakakalimutan mo, pangalawang beses na kitang nililigtas!"
"Pangalawa?"
Napalingon kami kay Ms. Espasol at kay Boy Singkit. Si Ms. Espasol ay si...ano...si Julia...ayon ata pangalan niya. Tapos si Boy Singkit si Jerome.
Kung tatanungin niyo sa akin kung bakit ko sila binigyan ng nicknames, wala lang. Bored ako eh. Kaya sila napagtripan ko.
"Ah...Eh...Wala," sagot naman nitong English teacher namin.
Tinaasan ko siya ng kilay. Wala naman akong pakialam kahit ipagsigawan niyang iniligtas niya ako. Pero wala rin akong pakialam kung bakit niya gustong itago.
"Sigurado ka?" giit ni Ms. Espasol. Parang ayaw niyang maniwala kay sir.
Teka...Bigyan ko rin kaya ng nickname si sir.
Boy Angas. Ang pangit. Hindi naman na siya boy. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Ok. Ako na bastos.
Sir Tililing. Teka. Mukha namang hindi pa siya natutuluyang mabaliw.
Ang hirap naman gawan ng pangalan nito. Mr. Padilla na nga lang.
"Hoy!"
Naku. Ito talagang si Mr. Padilla, wagas na wagas kung makasigaw. Pagmamay-ari ba niya ang infirmary, hah?
"Ano nanaman?" tanong ko sa kanya ng pabalang. Nasasanay na talaga ako sa mokong na ito eh. Namumuro na sa akin. Kung hindi lang talaga niya ako nililigtas parati, baka nasapok ko na.
"Ayos ka na ba? Makakabalik ka na ba sa klase mo?" ani niya na nakalagay pa ang mga bisig sa tapat ng dibdib.
"Oo naman," sabi ko sa kanya sabay baba sa kama ng infirmary.
BINABASA MO ANG
Love Game (Song #1)
RomanceWhen delinquent student, Kathryn Bernardo found solace in her English teacher's arms, a dangerous love game begins.This is a story of two broken people living caged in their past with two mysteries to solve and a love that would save them both. For...