06. Closer You and I

1.6K 53 8
                                    

-;-;-;-;-;-

06. Closer You and I

-;-;-;-;-;-

"...Every little smile

That special smile

The twinkle in your eye

In a little while

Give it a time

Just a little more time

So we can get closer

You and I..."

[Daniel]

Umuwi ako sa condo ko na mabigat ang kalooban. Halo-halo na ang emosyong nararamdaman ko. Galit, panghihinayang at pagsisisi...Lahat na ata ng negatibong emosyon ay nararamdaman ko na.

Nanlulumo na talaga ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko naglalakad ako sa isang tulay na malapit ng bumagsak at hindi ko alam kung saan kakapit para mabuhay. Hindi ko alam kung tatakbo pa ako para mailigtas. Malapit na akong mahulog...

Sino ang sasagip sa akin?

Napatda ako ng marinig ko ang ring ng doorbell ko.

Wala sa sariling tinungo ko ang pinto at walang pakialam kung sino man ang nasa likod noon. Kung magnanakaw o mamatay-tao...Wala na talaga akong pakialam. Basta-basta ko nalang binuksan ang pinto at mas lalo akong nagulat ng makita ko ang isa sa mga taong dumadagdag pa sa problema ko.

"Anong ginagawa mo dito?" kunot-noong tanong ko.

"Hindi mo man lamang ba ako papapasukin, Mr. Padilla?" saad niya.

Oo. Ang nasa harapan ko ngayon ay walang iba kundi si Kathryn Bernardo, ang walang modo kong estudyante na pumupunta sa bar pag may problema kahit minor de edad pa lamang ito.

"Paano mo nalaman na dito ako nakatira?" giit ko sa kanya.

Nagkibit-balikat siya at bigla nalang pumasok kahit hindi ko pa siya niyayaya. Itinulak niya ako ng kaunti para makapunta siya sa loob. Di ko talaga mabasa ang babaeng ito.

"Tinatanong kita...Bakit ba hindi mo ko sinasagot?" ani ko. Hindi ko pa rin sinasarado ang pinto. Pwedeng pwede ko pa siyang itulak palabas pag hindi niya pa rin ako sinagot.

Huminga muna siya ng malalim bago magsalita, "Tinanong ko si Ms. Maja kung saan ang address mo. Laking gulat ko na binigay niya agad-agad at tuwang-tuwa pa siya."

"Bakit mo ba kasi ako pinuntahan dito?" tanong ko ulit.

"Hindi mo ba isasara ang pinto?" saad niya.

"Hindi mo ba ako sasagutin?" tugon ko naman sa kanya.

Inikot na lamang niya ang kanyang mga mata at inilagay ang mga bisig sa harapan ng dibdib niya.

Love Game (Song #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon