Chapter 6

4.3K 123 2
                                    

"Are you fucking kidding me!?" Saka sya tumawa ng malakas. Bwiset to! Lakas makaasar!

"Mukha ba Kong nagbibiro?" Humalikipkip pa ko at tiningnan sya ng masama. Kundi lang sya nagda-drive baka nakurot ko na ng pinung pino.

"Shit! I didn't know you have it in you." Medyo natatawa pa sya pero pinalampas ko na. "Kung balak mong i-seduce si Dmitri, di dapat ganyan. I mean, dress up nicely." Napatingin lang ako sa suot ko. OK naman ah. "And don't try seducing him, papagselosin mo sya siguradong mapapaikot mo sya sa mga kamay mo."

"What do you mean?" Nagtatakang napatingin ako sa kanya.

"Seduce me instead." Nakangiti sya bumaling sakin ng nakapark na kami at kumindat pa sya.

"Gago!" Ngayon nabatok ko na talaga sya dahil nakahinto na ang sasakyan nya.

"Aray Ku naman!" Hinihimas pa nya ang kanyang batok pero nakangisi pa rin.

"Gago ka talaga. Eh si Dmitri ang gusto ko kaya sya ang ise-seduce ko!"

"Hear me out first." Pinatay na nya ang makina ng sasakyan at hinarap ako. "Pagpasok natin sa loob, sayawan mo ko. Makipag flirt ka sa akin. Eye to eye na malalagkit. Be touchy-feely. Gets mo?"

"Oo gets ko." Napangiti pa syang lalo sa sagot ko. "Gets ko na gusto mo maka score sakin! Gago!" Binatukan ko pa sya ulit pero nasangga na nya.

"Tch! Maganda ka, sexy, matalino pero di kita type. Mas gusto ko ang mga matured. Alam ang ginagawa. Tinutulungan lang kita at si Dmitri. Promise di kita chachansingin kung yun lang ang kinakatakot mo. Pero siguraduhin mong wag sirain ni Dmitri ang pretty face ko ha?"

"Bading!" Natatawa Kong sabi sa kanya. Kung sigurong di lang ako nababaliw sa kakisigan ni Dimitri baka Kay Nicko ako magkagusto. Gwapo rin naman kasi sya but blame Dmitri's French blood. Hindi lang oozing ang sex appeal nya kundi nakakalunod pa!

"Fine! Pero subtle lang ha? Yung di masyadong obvious para di sya ma turn off sa akin."

"OK akong bahala sayo. Just go with the flow di ka mapapahiya sa akin. Sa gwapo Kong to? Tsk! Baka nga kainggitan ka pa!" Kapal talaga nito. Di nalang ako nag comment at sumunod ng lumabas ng sasakyan sa kanya.

Nasa may entrance palang kami ng club, naramdaman ko na agad ang kamay nya na umakbay sa akin. Piniksi ko to at tiningnan sya ng masama.

"Chill! Friendly hug lang to. Wala pang kalahating oras, kakaladkarin ka na nya pauwi. Trust me with this OK?"

"Teka lang." Inalis ko ang kamay nya at hinarap sya. Namewang pa ko para ipakita na seryoso ako. "Anong catch? Anong kapalit ng lahat ng to?"

"Well..." I knew it! Lahat nalang dapat may kapalit. Wala na talagang libre ngayong panahon na to. "Kailangan ko ng tutor. Bumababa kasi ang mga grades ko."

"Yun lang?" Nagdududa ko syang tiningnan.

"Oo. Wala ng iba. Ano bang akala mong kapalit ang hihingin ko? Marami akong pera." Kahit na mayabang sa pandinig, totoo naman ang sinabi nya.

"Deal!" Sabay lahad ko ng kamay ko sa kanya na tinanggap naman nya.

Umakbay na sya sa akin at sabay ng naglakad papunta sa club. Sa labas palang dinig na dinig na ang maharot na tugtog. Sya na ang nagbayad ng entrance fee namin.

**

"What are you doing here? At bakit kasama mo si Nicko?" Pagpasok palang namin kanina, nakamamatay na ang tingin na binibigay nya sa amin ni Nicko. Kung di lang ako ine-encourage ni Nicko baka kanina pako umuwi. "Si Nicko ba? Ha?"

"What's wrong with Nicko? He's your friend!" Gusto Kong mainis sa kanya pero tinitimpi ko nalang.

Sasagot pa Sana sya pero dumating na si Nicko at nilapag ang inumin na in-order nya para sa akin.

Pinausog nya ko palapit pa Kay Dmitri kaya di maiwasang di magdikit ang mga hita at braso namin. Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko at parang umalinsangan sa paligid.

Umusod pa sya hanggang sa dumikit na sya sa pader. Wala na sana akong balak na umusod pa pero naramdaman ko nalang ang kamay nya sa bewang ko at inuusod ako papunta sa kanya.

"Waaa...!!! What are you doing?!" Di ko maiwasang maibulalas sabay alis pa ng kamay nya pero mas hinigpitan pa nyang lalo ang pagkakahawak sa bewang ko. Lalo tuloy bumilis ang Tibok ng puso ko.

"Tch! Dito ka lang. Wag kang didikit Kay Nicko." Di na nya kailangan pang sumigaw dahil ang mga labi nya ay nakadikit na sa tenga ko. Napasinghap tuloy ako at alam Kong namumula na ko. Mabuti na lamang at medyo madilim sa parte namin.

Hindi ko alam kung bakit nagiging possessive ngayon si Dmitri. Dati naman kulang nalang ipagtabuyan ako. May times nga na hindi man lang nya ko sinusulyapan man lang.

Ah Ewan! Ang gulo nya! Sala sa init, sala sa lamig!

Ng napatingin ako Kay Nicko, binigyan nya ko ng nakakalokong ngiti na para bang sinasabi nya na 'I told you so'. Sya na! Siguro nga effective ang Plano nya.

"Dance with me." Kahit na nakahawak sa bewang ko si Dmitri, nakuha pa ring bumulong ni Nicko. Ano ba tong mga lalaki na to? Hindi ba nila alam na kada bumubulong sila sa may tenga ko ay nakikiliti at nangingilabot ako?

Tiningnan ko muna si Dmitri at laking pagsisisi ko ng binigyan lang nya ko ng nakamamatay na tingin. Tumayo naman si Nicko at nilahad ang kamay nya.

"Move!"

"Huh?" Nagtatakang tiningnan ko si Dmitri ng pausurin ako hanggang sa pinatayo nya ko pero nakahawak pa rin sa bewang ko. Ng pareho na kaming nakatayo, pinagbaliktad nya ang posisyon namin at pinaupo ulit ako at pinausod hanggang nasa dulo na ko at nakasiksik na sa pader. Bakit kasi ganito ang pinili nilang table? Dapat yung individual na upuan nalang para free akong makagalaw.

Iiling iling nalang na umalis si Nicko at nakisayaw sa iba pa nilang mga ka team na ngayon ay napapaligiran na ng mga babae. Di ko naman masisisi ang mga babae dahil ang tatangkad, matitipuno at mga gwapo naman kasi sila.

Seducing DmitriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon