Chapter 5

4.5K 119 4
                                    

"Fuck! Fuck! Fuck!" Ito ang patuloy lang na sinasabi ni Dmitri kanina pa sabay sipa pa sa gulong ng kotse nya na flat.

"Ayoko. Ayoko. A-yo-ko. Gets mo?"

"Sige na naman. Sabi mo tutulungan mo ko." Kanina pa ko nagsusumamo Kay Gian na tulungan ako sa pag seseduce ko Kay Dmitri.

"Ang kulit mo naman girl. Ayaw na nga sakin ni fafa Dmitri tapos tutulungan pa kita edi lalong magagalit yun." Maktol na sabi nya sa akin.

"Matutuwa pa yun sayo kasi sya naman ang ise-seduce ko di ba? Sige na. Pag naging successful ito magiging slave mo ko for one whole day. Promise. Gusto mo pinky promise pa eh." Nakita ko syang ngumisi na parang may iniisip na di kaaya aya kaya parang gusto Kong bawiin ang sinabi ko.

"OK. What do you want me to do?" Masiglang tanong nya na ikinangiwi ko nalang.

"Shit! Sino namang putang Ina ang gagawa nito!?  Malaman ko lang lintik lang ang walang ganti! Fuck!"

Napapangiwi na ko sa mga mura at galit nya. Mali ata ang naging Plano namin ni Gian.

"Utusan mo si Roger. Yung frat na ex mo? Yung maraming tattoo? Sigurado magagawa nya yon. Eto ang limang daan. I'm sure gagawin nya yan."

"Ang cheap mo naman. Di lang sya 500 pesos no? Sya kaya ang pinaka expensive na naging ex ko." Napasimangot nalang sya ng maalala ang kanilang nakaraan. Kahit na kaibigan ko sya, ayaw ko pa rin na nagbabayad sya ng mga lalaki. Alam ko may pangangailangan sya ayon na rin sa kanya. Pero bata pa kami baka kung anu anong sakit ang makuha nya.

"Fine, eto pa ang isang limang daan. Pwede naman na siguro yan no?" Masakit man sa loob ko, inabot ko na sa kanya ang natitira Kong pera. Mabuti na lamang at Friday na ngayon.

"Sa next Friday, di ulit ako masusundo ni mommy kaya dun mo pagawa ha? Siguraduhin mo no?" Medyo kinakabahan na ko sa gagawin namin.

"OK. Ano namang gagawin mo para maseduce sya?"

"Ayon sa nabasa ko, gamitin daw ang greatest asset mo. So I'll use my killer smile." Ngumiti pa ko ng maganda para ipakita sa kanya.

"Ay naloko na." Tinampal pa nya ang noo na. Kainis to. Sige sya na! Sya na ang baklang malandi! Sinamaan ko nalang sya ng tingin.

"Tsura nito! May suggestion ka ba?" Naiinis ko lang na sabi sa kanya.

"Next week from Monday til thursday, ire-ready kita. Sige na babush." Bumeso pa sya sa akin pero Hindi naman nagdikit ang mga pisngi namin.

"Fine!"

"Tumawag nalang tayo ng magpapalit. May alam ka ba?" Tiningnan lang ako ni Dmitri na para bang ngayon lang na realize na nandito lang ako.

"Tatawagan ko nalang si kuya Gorge. Sya ng bahala dito. Tara na mag taxi nalang tayo." What?! Pero Hindi to ang Plano namin. Paano na yan?

"Pe-pero... Tumawag ka nalang ng magpapalit ng gulong mo. Hintayin nalang natin." Nagpapanic Kong sabi sa kanya. Sayang ang effort namin ni Gian. Apat na araw nya Kong niready para dito!

"Wag na. Oras na. Kailangan na nating umuwi, may lakad pa kami ng barkada mamaya." Dismayado man, wala na Kong nagawa kundi magpatianod nalang sa kanya.

Paglabas namin ng school sakto namang may dumaang taxi na walang pasahero. Gusto Kong magmaktol dahil parang naji-jinx ang Gabi ko. Maghapon akong kinakabahan para dito pero mapupunta lang sa wala!

Pag uwi namin, binayaran nya agad ang taxi kaya wala nakong nagawa kundi bumaba na. Pero instead na dumeretso ng uwi, sumunod ako sa loob ng bahay nila.

"Oh! Ano pang ginagawa mo dito?"

"Para namang di ako naglalagi dito?" Nakasimangot Kong sabi sa kanya. "And besides, mag-isa lang ako sa bahay, si ate Marie umuwi kaya wala akong kasama. Si mommy, mamaya pa ang dating kaya dito muna ako. Friday pa ngayon kaya mas lalong walang magawa. San ba ang lakad nyo? Sama mo nalang ako." Dire diretso Kong sabi sa kanya. Bakit ba ngayon ko lang naisip na sumama sa kanya?

"Di pwede. Puro mga lalaki kami." Balewalang sabi nya at umakyat na sa taas.

Mukhang wala din si tita Marcy kaya pumunta nalang ako ng sala at nanood ng TV.

Text ko kaya si Nicko at magpa invite sa kanya? May time pa siguro ako para mag ayos.

Umuwi na ko ng di nagpapaalam at balak na tawagan Si Nicko. I'm sure magpapasundo sya dahil wala syang sasakyan.

Nagsuot lang ako ng skirt at hapit na t-shirt na t-in-uck in ko at wedges. Tinali ko nalang ang buhok ko at konting pulbos lang at manipis na lipstick.

"O napatawag ka?" Ganda naman ng bati ni Nicko. Di man lang "hello" o "kumusta" man lang Sana.

"San ka?"

"Nagmamaneho. Papunta kami sa bagong bukas na club kasama ang barkada. Sama ka?"

"Sino yan tol?"

Narinig Kong tanong ni Dmitri.

"Sige sunduin mo ko."

"OK. Drop ko lang tong mga to---"

"Babae ba yan? Kala ko ba for the boys lang to?" Boses ulit ni Dmitri.

"--be there in 10. See you." Di na nya ko pinagsalita pa at binaba na ang phone.

Tumawag nalang ako Kay mommy para ipaalam na lalabas ako kasama si Dmitri. Well, kasama ko pa rin sya pero si Nicko nga lang ang magsusundo.

Seducing DmitriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon