Chapter 4

4.6K 136 5
                                    

11294

Incorrect Password

110294

Bingo!

Mag-i-internet lang ako.

Internet lang.

Internet.

*Gallery*

Tingin lang naman. Chance ko na to para makita kung ano ang laman ng cellphone ni Dmitri.

Kanina ko pa b-in-rowse ang gallery nya pero mga pictures lang ng mga kaklase at teammates nya. Kaya tuloy nag ka-idea ako na mag selfie.

Ilang pose rin ang ginawa ko bago ko naisipang mag internet na.

*How to seduce a guy*

Searching...

Halos lumuwa ang mga Mata ko sa mga nababasa ko. Tama nga si Gian, kailangan ng maraming self esteem at lakas ng loob para magawa ko ang mga to lalo na't wala nga akong hinaharap. Pero ang greatest asset ko naman ay ang akong killer smile. Ang sabi kasi sa isang advice, alam mo dapat gamitin ang mga assets mo.

Pero paano? Paano ko i-e-execute ang pang se-seduce ko? Kailan? Saan? Paano ang setting? Anong isusuot? Paano ko masosolo si Dmitri?

Ang daming dapat pagplanuhan. Kailangan ko si Gian para may kasama akong mag brain storming. Dapat ma set up namin si Dmitri para magawa ko ang Plano. Dapat pulido ang Plano. Mahirap na baka mahuli kami nila mommy at tita.

"What are you doing?" Shit! Dali Dali Kong in-exit ang browser nya at inabot sa kanya ang kanyang cellphone.

Tiningnan nya ko ng nagdududa habang inaabot ito. Kinabahan tuloy ako at pinagpawisan ng malapot. Bigla bigla naman kasi sya kung sumulpot.

"Wala!" Sabi ko sa defensive na tono. "Nag fb lang!"

"Bakit ang tinis ng Boses mo? May ginawa ka sa phone ko no?" Nagdududan pa rin ang mga tingin nya pero parang may pagka aliw na rin dahil siguro iniisip nya na guilty ako.

"Wala nga sabi." Sabi ko ng marahan at banayad na tono. Medyo naalis na rin ang kaba ko. "Let's go?" Kinuha ko na ang bag ko at tumayo na. Ganun din ang ginawa nya. Pero imbes na sa may parking lot tumuloy, sa gym kami pumunta.

"Magsa-shower lang ako. Saglit lang." Umupo nalang ako sa may malapit sa cr ng mga lalaki. "Oh.."

Nagtataka ko syang tiningnan ng iabot nya sakin ang cellphone nya.

"Para di ka mainip." Sya na ang naglagay sa kamay ko at tumalikod na. Ang weird nya ata ngayon?

Fifteen minutes lang akong naghintay at walang salita na pumunta na kami sa kotse nya.

Grabe! Ang bango bango nya! Ano bang gamit nyang sabon? Lalakeng lalaki kasi ang Amoy.

Nahiya tuloy akong dumikit sa kanya dahil kanina umaga pa ko last naligo. Tapos naarawan pa ko kaninang pumunta kami ng bleachers sa may field para panoorin ang practice nila.

"Iwasan mo na si Gian."

"Huh?" Nagtataka akong napatingin sa kanya. Seryoso syang nakatingin sa harapan habang nagmamaneho kaya Hindi ako sure kung ako nga ba ang kausap nya. Pero dalawa lang naman kami dito.

"Kailangan ko pa bang ulitin ang sinabi ko?" Saglit lang syang tumingin sakin at seryoso na ulit tumingin sa harapan.

"Bakit ko naman sya iiwasan?" Tanong ko pagkatapos Kong bumuntong hininga. Naiinis kasi ako dahil kung makautos sya Kala mo kung sino. Crush ko lang sya pero wala syang karapatan.

"Whatever." Tingnan mo to! Natural magtatanong ako tapos 'whatever' lang ang sagot!?

Wala ng umimik sa amin hanggang sa makauwi na kami. Ni 'thank you' di ko na nasabi dahil nagmadali din syang pumasok sa loob ng bahay nila.

***

"Problema mo?" Tanong ni Gian ng nasa bleachers na kami. Tatlong araw din kasi akong di sya niyayaya dito. At ngayon nga, Friday na at dalawang araw Kong di makikitang magpapractice sina Dmitri kaya niyaya ko na sya.

"Iniisip ko kasi kung paano ko i-seduce si Dmitri." Nakapangalumbaba Kong sabi sa kanya habang nakatingin sa field.

"Gaga! Itutuloy mo pa?"

"Uu. Kaya please..." Hinawakan ko pa sya sa braso nya at nag puppy dog eyes pa. "Help me naman friend... Help me seduce him. Pretty please...???"

"Eherm! At sino naman ang ise-seduce mo?" Napasinghap ako at napalingon sa may likod ko. "Ang bata bata mo pa yan na ang nasa isip mo!?"

Sinalubong ko ang galit na mukha ni Dmitri at biglang nag init ang mukha ko at kinabahan ako. Shit! Paano kung narinig pala nya ang pangalan nya na binanggit ko kanina?

"Sige friend, I'll help you." Narinig kong sabi ni Gian sa tabi ko at inakbayan pako. Nilagay pa nya ang baba nya sa may balikat ko.

"Tch! Don't you dare touch her!" Hinila naman ako ni Dmitri papunta sa kanya na muntikan ko ng ikatumba.

"Possessive much?" Maarteng sabi ni Gian at nag flip pa sa imaginary hair nya. I swear kung Hindi lang bading si Gian, iisipin Kong may something sa dalawang to.

"Wag mo ngang dinadamay tong si Angela sa kalokohan mo!" Galit pa ring turan ni Dmitri.

"Huh! Selos ka lang!" Tumayo na sya at kinuha na ang kanyang mga gamit. "See yah ANGELA. Pag usapan natin ang operation: seduction mo na yan. Later." At nag flying kiss pa sya para inisin pa lalo ang katabi ko.

"And don't call her ANGELA!" Pahabol namang sabi ni Dmitri.

What's wrong with these two? Naguguluhan na ko sa mga bantering nila.

"At ikaw," baling naman nya sakin na hawak pa rin ang braso ko. "Sinabi ko ng Iwasan mo sya." Tumalikod na sya after nyang sabihin yon. Naiwan nalang akong nakatanga sa likod nya.

Seducing DmitriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon