Chapter 1

9K 210 4
                                    

"Bottoms up, Chelsea!" Sigaw ko sa kaibigan ko na Hindi nagawa ang dare ni Mitch na isa pa naming kaibigan.

Apat kaming magkakaibigan. Since third year kasi naging magkakaklase kami at hanggang ngayon nga, kami pa rin ang magkakasama sama.

Kahapon lang natapos ang final exams namin at bukas, uuwi muna ako ng Baguio para sa summer vacation then balik sa June para sa review for board exam.

Napag usapan na naming apat na sabay sabay kaming magrereview  at magbo-board.

After four years of nursing, eto na nga. Babalik nalang ulit ako ng manila para sa graduation ko kasama ang parents ko. Pero bukas gusto ni mama na umuwi muna ko para tulungan sya sa grocery store namin. In short, magiging tindera muna ako habang wala pang work.

"Now your turn.." Nakangising baling sakin ni Chelsea. Ako nalang kasi ang di nila nade-dare sa grupo.

Bawat lumalabas kami para mag clubbing, dine-dare muna namin ang isat isa.

"Can you see that guy?" Napatingin ako sa likod ko kung saan may nginusong lalaki si Chelsea. Napasimangot ako ng mapagsino ang tinutukoy nya.

"Not him, please? Anyone but him." Pagsusumamo ko sa kanya. Nakita ko ring ngumiwi sina Mitch at Paula.

Alam kasi nila na archenemy ko ang tinutukoy nya. Walang iba kundi si Dmitri Angelo Lefvre, half pinoy-half French.

Hindi naman sila super rich, above middle class sila tulad ng pamilya ko. In fact, ang mom nya at mom ko ay magkasosyo sa grocery store na pagsa-summer job ko.

Tatlo na ang branches ng grocery sa baguio. And every summer, kailangan Kong umuwi para magtrabaho dun. Unfair nga eh, kasi si Dmitri nandito lang lagi sa manila at puro pasarap lang.

"Why not him?" Pairap na tanong ni Chelsea.

"You know naman di ba? I'll just drink this. Bottoms up." Sabi ko sabay taas sa hawak Kong cosmopolitan.

"No can do. Ginawa namin lahat ng dare kaya dapat ikaw rin. No cheating." Nakairap ulit nyang sabi at kinuha ang hawak Kong inumin.

"Fine!" Sabi ko after bumuntong hininga. Sumimangot pa ko para ipakitang di ko gusto ang gagawin ko.

"Perfect!" Masiglang bulalas ni Paula na pumalakpak pa. Alam ko naman na pinag kakaisahan nila ako Simula kanina pang nakita nilang pumasok sa club si Dmitri kasama ang mga kaibigan nya.

"Now, I want you to go over there and ask him nicely to give you a two minute-kiss on the lips." Ngiting ngiting dare ni Chelsea sa akin.

"No way! Nuh uh!" Halos mabali na ang leeg ko sa kakailing at muntik mutikan nang lumuwa ang mga Mata ko.

"Yes way!" Chorus pa nilang tatlo.

"Fine! Whatever!" Inisang lagok ko ang cocktail na inagaw sa akin ni Chelsea kanina at inayos ang buhok at suot ko bago ako tumalikod papunta Kay Dmitri.

Sobrang lakas ng kabog ng puso at namamawis na nanlalamig ang mga kamay ko kaya naipunas ko ang mga to sa suot kong red dress na sobrang ikli. Nangangatog na rin ang mga tuhod ko kaya nagdahan dahan akong maglakad para di ako matapilok sa suot Kong 4 inches na wedges. Kahit naman sanay akong magsuot ng heels, sa nerbyos ko ngayon, Hindi malayong di ako madisgrasya kung di ako mag iingat sa paglalakad.

Nakatalikod sya sa akin kaya di nya ko nakita ng paparating pero ang mga kaibigan nya ay huminto lang sa kwentuhan at tumingin sa direksyon ko kaya mas dumoble pa ang tibok ng puso ko.

"Eherm..." Alam ko na imposible nya Kong marinig dahil medyo malakas pa ang tugtog sa pwesto nila kaya tinapik ko ang balikat nya para kunin ang atensyon nya.

Nakangiting nakanunot noo pa syang binalingan ako pero nalaglag ang ngiti nya ng malaman nyang ako ang nasa likod nya.

"Well... Well... Well..." Ngayon naman nakangisi na sya ng nakakaloko pagkatapos ng ilang segundong pagkatulala. "To whom do I owe this... This attention?" Siniguro pa nya na naririnig sya ng kanyang mga kaibigan kaya lahat ng mga Mata nasa amin. Lalo tuloy akong kinabahan at pinamulahan ng mga pisngi.

Isang buntong hinga muna ang pinakawalan ko bago ako Lumapit ng husto sa kanya. Dahil matangkad sya ng halos one foot sa akin kaya umabot lang sa may baba nya ang ulo ko kahit na Nakatong na ko.

Tiningala ko sya t nagulat ako na sobrang lapit na pala namin sa isat isa na halos dumikit na ang labi ko sa baba nya.

Hindi ko na sya tinugon sa tanong nya at sinaklit ko nalang ang batok nya at siniil sya ng halik bago pa magbago ang isip ko.

Automatic na nagsara ang mga Mata ko at halos pugutan ako ng hininga ng maramdaman ang mga malalambot nyang mga labi.

Walang ni isa sa amin ang gumalaw. Pero ramdam ko na na shock pa sya sa ginawa ko.

Kinibot kibot ko ang mga labi ko pero di ko ineexpect na sa ginawa ko para syang kugon na sinilaban.

Naramdaman ko nalang ang kamay nya na hinapit ako sa bewang at ang isa ay sinakop ang pisngi ko.

God! I know I'm starting to melt in his arms with my friends and his and other people we don't know around us.

Napahawak nalang ako sa dibdib nya and sure enough, I only felt the hardness of his muscles.

He tilted his head to deepen the kiss and I totally oblige when he parted my lips using his tongue.

Sinalubong na rin ng dila ko ang kanya at parang mga sandata na nag espadahan.

My hands snaked behind his head and i gripped his hair. Para bang sa pamamagitan ng pangunguyapit sa kanya ay Hindi ako mahuhulog kung sa ano mang nararamdaman ko ngayon.

Sa gitna ng ingay ng mga tao at sa kabog ng bass ng DJ, mas nangibabaw ang tibok ng puso ko at Hindi rin nakaligtas sa pandinig ko ang ungol na namutawi sa mga labi nya. O sa akin nanggaling ang ungol? Hindi ko alam. Ang alam ko lang, para nya Kong nilulunod sa sensasyong pinaparamdam nya sa akin.

Ng halos magpugto ang hininga namin, saka lang sya bumagal sa paghalik sa akin hanggang sya binibigyan nalang nya ko ng mga mumunting mga halik.

"Well... That was... Marvelous... Wife..."

Seducing DmitriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon