Chapter 16

4.3K 112 0
                                    

"Your room is ready. Nandun na ang mga gamit mo." mahinang sabi ni Dmitri. Tumango lang ako at awkward na nakatayo sa may sala. Kahit sya alam ko hindi nya alam kung ano ang next na gagawin o sasabihin. I can tell that he's nervous base na rin sa paglalaro nya ng susi ng sasakyan nya.

After ng dinner sa bahay, sa bahay naman ni Dmitri kami tumuloy. Ayoko sanang sumama pa dahil ang daming memories dito pero sinabi ni mommy na mag asawa pa rin kami kaya sumama nako. Kung sabagay, kahit naman sa Manila sa condo nya ko nakatira. Yun nga lang hindi kami nagpapasinan. Or hindi ko sya pinapansin. Pag alam kong nasa bahay sya, nagkukulong lang ako sa kwarto ko.

"Pagod ka ba? Kung.. Kung gusto mo magkape muna tayo?"

"No, matutulog na ko. Goodnight." malamig na sambit sa tumalikod na sa papunta sa taas. Napasinghap ako ng bigla nalang nya kong hilain sa braso at iharap sa kanya. Parang may kuryenteng dumaloy mula sa braso ko papunta sa kaibuturan ng pagkatao ko.

"I will let you go... Tonight." seryosong sabi nya sakin at ang mga titig nya ay parang tumatagos sa kaluluwa ko. Na para bang nababasa nya ang nilalaman ng utak ko. "But tomorrow? I will start seducing you." bulong nya at nilapit pa nya ang mukha nya sa mukha ko hanggang kadangkal nalang ang mga labi namin. All the while, his eyes never leaving me. Amoy na amoy ko ang hininga at ang natural na amoy nya na isang taon ko ring pinangulilaan kahit na may galit ako sa kanya.

"I will make you mine again." tiim bagang turan nya at naglulugutok ang panga. "I will exercise my rights as your husband.. Kahit na galit ka pa sa akin. I will use your anger to make you love me again." kinakabahan na ko sa mga sinasabi nya dahil kahit na i-threaten nya ko, alam ko na matutunaw nya ang galit ko sa kanya at mapapaibig nya kong muli kung gugustuhin nya. "Sleep on that, wife. Get some rest cause I will assure you, tomorrow? Hindi kana mapapahinga." he evily smirked at me before leaving a light kiss on my lips.

Napabuga nalang ako ng hininga at nanghihinang napakapit sa sofa ng iwan nya ko. Lumabas syang muli ng hindi nag papaalam. Tanging tunog lang ng sasakyan ang huli kong narinig bago ako binalot ng katahimikan.

Biling baliktad ako sa kama ng gabing iyon. Hindi ako mapakali dahil sa mga sinabi ni Dmitri at dahil alas dose pasado na at wala pa sya. Patuloy ding pumapasok sa isipan ko ang nangyari noong nakaraan taon.

--

"Mom! Mommy! Help! Tulong! Please!" halos mapaos na ko sa kakasigaw. Nanghihina na rin ako dahil sa dugong patuloy na umaagos sa gitna ng mga hita ko. I am a nursing student. Alam ko kung ano ang ibig sabihin nito pero hindi ko tanggap ang nangyayari. This can't be happening!

Sa sobrang panghihina ko, nawalan ako ng malay and when I woke up nasa hospital na ko. I knew what or who I have lost the moment I opened my eyes and reality hit me. Hindi ko pa man nako-confirm sa doctor, by the hollow feeling inside me, alam ko na.Hindi lang ang puson ko ang walang laman kundi pati puso ko. Alam ko, right this very moment, I died along with my unborn child. Ganito pala ang pakiramdam ng nawalan. I lost my dad years ago, masakit, oo. Pero walang kasing sakit ang nadarama ko ngayon.

When you lost your parents, they will call you an orphan. When you lost a spouse, a widow. But when you lost a child? Walang tawag dun kasi you only not lost a part of you, but you lost your whole life. They are the living proof that miracles happen.

Gusto kong isisi lahat kay Dmitri but a part of me knows na may kasalanan din ako sa nangyari. After I saw the video, I shut myself down. From the world, from everything. Hindi ako nakinig kay mommy na dapat unahin kong isipin ang bata instead na sarili ko o si Dmitri. Dapat nakinig ako na kausapin muna si Dmitri bago mag conclude.

Kinabukasan din lumabas nako ng hospital at nanatili muna sa condo ni Dmitri kasama si mommy. After the incident, lumuwas ng Manila si Mommy para samahan ako pero wala ring nangyari dahil para akong living dead.

Seducing DmitriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon